“Ang dami pang requests para sa future performances ng dulang Katipunan: Mga Anak Ng Bayan!”— direk jun pablo


jun pablo: theater "mind"
jun pablo: theater “mind”

 

Masayang -masaya si direk Jun Pablo (Over-all Chairman of the Board ng Gantimpala Theater Foundation at resident director din) sa naging outcome ng Katipunan: Mga Anak Ng Bayan. Hindi niya inaasahan na magiging very succesful ang latest play na ito ng Gantimpala Theater Foundation (GTF).

 

“Ang dami pang requests at clamors for future shows ng Katipunan: Mga Anak Ng Bayan”, nawika ni direk Jun sa isang blogger. “But we have to rest muna kasi mage-end na ang schoolyear. Ayaw naming sabayan ang mga J..S Proms, school graduations at excitement ng mga estudyante sa nalalapit nilang summer vacation.

 ktp

But definitely, as early as August this year, marami pa rin kaming naka-line-up na performances sa Katipunan.”

More than 28 performances na pala ang naisagawa ng Katipunan: Mga Anak Ng Bayan.

 

“Pinaka-succesful ‘yung mga naging shows namin sa Pangasinan, Laguna, Batangas at Bicol”, dugtong na sabi ni direk Jun. “Plus the fact na marami rin kaming mga naging performances sa AFP Theater and various other schools.I can say that, almost every show, we have an audience capacity of 3,000 people watching- and that’s not bad, di ba? Sa AFP theater lang medyo kaunti, kasi’y 1,000 lang ang sitting capacity ng AFP Theater. 

 

“So, I really can say, the result was overwhelming talaga”, anya. “Nagulat talaga ako. They’re asking for more performances, lalo nasa Malolos, Bulacan, gusto nila, magkaroon pa kami ng mga repeat performances doon. Sa Taguig naman, ang ganda rin ng reception sa amin. Salamat kay Taguig City mayor Lani Cayetano dahil sinuportahan niya kami roon. Masayang-masaya talaga kami rito sa GTF.”

sandino martin as andres bonifacio
sandino martin as andres bonifacio

 

sandino together with the other casts of "katipunan: mga anak ng bayan"
sandino together with the other casts of “katipunan: mga anak ng bayan”

Marami rin daw ang kinilig sa bida ng Katipunan: Mga Anak Ng Bayan na si Sandino Martin. Napakaguwapo raw kasi ng batang ito.

 

“I told Sandino, he reminds me of a young Tommy Abuel”, sabi muli ni direk Jun. “Nakita ko sa kanya ang passion, intensity at dedication. I predict, malayo ang mararating ng batang iyan. Right now, nasa Berlin pa yata siya dahil nagku-compete doon ang film niyang Unfriend, na kung saan ay kasama niya si Angelo Ilagan at sa direksyon ni Jay Altarejos.”

 

Hindi rin daw nagkamali ang Artistic Director ngayon ng Gantimpla Theater Foundation na magkaroon ng “reinvention” ang dulang Katipunan: Mga Anak Ng Bayan- na walang iba kundi si Joel Lamangan.

 

“Si Joel talaga ang nag-conceptualize ng bagong bihis na play na ‘yan”, sabi ni direk Jun. “Ang play na Katipunan kasi ang unang dulang itinanghal ng GTF noong buhay pa ang aming dating Artistic Director na si Tony Espejo. Ekstra pa lamang noon si Joel sa play na iyan. It’s the same script written by Bonifacio Ilagan. Pero ginawa namin ngayong all-out na musical play.”

 

Pinuri din ni direk Jun ang mga compositions ni RJ Jimenez sa nasabing dula, at ang magaling ding portrayal ni Ana Fegi bilang si Gregoria de Jesus.

 

“The audience felt so associated with the soul of Katipunan history itself after they watched the play”, huling nasambit pa ni direk Jun.”It’s so uplifting and they once agin felt their love for the country. The patriotism itself.”

 

This year, hindi muna magdi-direk ng mga plays si direk Jun dahil he’ll be focusing on the “5-year-plan” ng GTF- meaning, doon muna siya tututok sa pamamahala ng GTF behind the curtain. Magte-train din si direk Jun ng mga bagong direktor sa GTF.

 

Sa taon pa ring ito, nakatakda pa ring itanghal ng GTF ang kanilang “4 Classics” series, ang “Munting Prinsipe” at ang “National Artists” series nila.

 

Sa larangan ng entablado, iba pa rin ang prestige ng GTF. Sa totoo lang.

 

 

(words by robert manuguid silverio)

 

One thought on ““Ang dami pang requests para sa future performances ng dulang Katipunan: Mga Anak Ng Bayan!”— direk jun pablo

  1. Congratulations to GTF. The Katipunan: Mga Anak ng Bayan was phenomenal. To the entire casts from actors to crew, magagaling kayong lahat!!! Mabuhay ang GTF!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s