“excited ako sa gagawing facelift at reinvention ng kappt!”— maribel lopez


maribel lopez: a vision for kappt (kapisanan ng mga artista sa pelikulang pilipino at telebisyon)
maribel lopez: a vision for kappt (kapisanan ng mga artista sa pelikulang pilipino at telebisyon)
“All beauty queens na naging artista na, they all must be there!”, bungad na sagot ni Maribel Lopez sa unang katanungan ng isang blogger na nag-interbyu sa kanya- sa isang very special lunch date na naganap between them and another beauty queen-actress na si Evangeline Pascual.
“Iyan ang gusto kong mangyari at ang extreme target ko talaga sa darating naming General Assembly sa buwan ng Mayo. They must support me and Vangie (Evangeline) dahil naman, beauty queens din kami na tulad nila. Kaya dapat talagang naro’n silang lahat sa aming first and big event na darating para sa  pagbabagong bihis ng KAPPT (Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon)!”
naribel: new duties, new responsibilities
naribel: new duties, new responsibilities
Inamin pa ni Maribel sa blogger na kausap nu’ng katanghalian na iyon, na medyo nanahimik nga ang KAPPT nitong nagdaang taon. Pero ayaw na niya- at silang mga napiling bagong set of officers at Board Members ng KAPPT– na maungkat pang muli ang mga naging problema sa nirerespetong Kapisanan na ito ng popular na mga aktres at aktor sa Philippine showbiz. Lalo na para kay Maribel, na mas naka-focus ngayon sa mga mas positibong bagay o aspeto at sa mga magagandang pagbabagong mangyayari sa kanilang Kapisanan sa taong ito ng 2014.
“Excited na ako sa gagawin naming facelift o rehabilitation sa KAPPT“,anya pa.”Kasi for me, it’s really long overdue already.Dapat noon pa nagawa iyan o kaya, noon pa nila sana naisip. Kaya salamat sa aming bagong Presidente sa KAPPT na si Rez Cortez at siya ang nagsilbing ‘mobilizing force’ para sa aming lahat. You see, ang daming gagawin ngayon sa organisasyon o Kapisanang ito. Ang daming dapat ayusin, ang dami ring dapat mabago.Total rehabilitation nga talaga at all-out reinvention ang kailangang na maisatupad.”
maribel and her paintings
maribel and her paintings, on the other side of her duties…
Gusto ring maibalik ni Maribel this time ng mga ‘Category A‘ actors and actresses na mga miyembro dapat, sa paniniwala niya.
“Dapat maging aktibo sila muli at dapat na ang mga katulad naming kabilang doon sa so-called na ‘Category A‘ na mga artista, ang siyang mas maging majority ng mga miyembro. Kasi,kami ang magsisilbing ehemplo o inspirasyon ng mga nasa ‘Category B‘ na actors and actresses-sila ‘yung mga nasa supporting roles, mga extras at stuntmen, o ‘yung mga nagsisimula pa lamang. Kapag naro’n kami, mas mai-inspire ang iba pa.
“Gusto ko ring maibalik ang Pride and Dignity ng aming Kapisanan”, dugtong ni Maribel.”Tulad ng Screen Actors Guild sa Hollywood. Kapag sinabing miyembro ng Screen Actors Guild, mataas agad ang respeto at tingin nila dun’n sa artista. Ganyan sa Hollywood…Naroon ang kakaibang pagtingala sa mga miyembro ng Screen Actors group nila.Kaya ngayon, ‘yan din ang vision o dream ko sa KAPPT, na kung saan ay ako ang nahirang na Vice President for External Affairs.”
Recently, katatapos lang na nairaos ni Maribel ang kanyang ‘pet project’ na Beauty & Arts III– a painting exhibit of Beauty Queens.Naging very successful ito at marami ang pumuri kay Maribel sa kanyang naging magaling na pag-organize ng isang artistic but worthwhile kind of event on beauty and arts.
Aside from the fact na visible din ngayon si Maribel sa telebisyon at mga pelikula.
“Let’s admit it, ang trabaho ko pa rin sa mga pelikula at telebisyon- tulad ng pagkasama ko ngayon as one of the major cast sa teleseryeng The Legal Wife sa ABS-CBN channel 2- I must say, ang siya pa ring bread and butter ko”, pagwawakas na naging pahayag ni Maribel.”Kasi, ‘yung other artistic endeavors and charitable works ko, hindi naman ‘yun ang bumubuhay sa mga tulad naming artista. I just want to be realistic and practical, we all still need to pay the bills and put food on the table.Kaya naman, it’s still my work as an actress ang siya pa ring mangibabaw sa lahat.”
Korek na korek ka, Maribel.
(words by robert manuguid siverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s