maria isabel lopez: agaw-eksena na sa teleseryeng “the legal wife”, headliner pa sa “arts & beauty 3” painting exhibit ng beauty queens!!!


ImageImage(on the photo: maria isabel lopez while donating blood for her friend don gordon bell. with maribel on the photo are don’s other friends- john and jojo.)

 

Super na “na-touched” ang isang blogger nang makita niya a few days ago ang isang larawan ni Maria Isabel Lopez sa Facebook, na kung saan ay nagdo-donate siya ng sarili niyang dugo para sa recovery ng kaibigan niyang Hollywood actor-photographer na si Don Gordon Bell. This is a very HUMANE act coming from a true friend. At nagkataong magkapareho pala ng blood type sina Maribel at Don Gordon (which is a “B+” blood type), at indeed, nakapagbigay nga si Maribel ng matinding effort to help a true friend. Tunay ngang napatunayan pa muli ni Maribel ang kanyang pagiging sincere sa kanyang mga kaibigang tinuturing. At mismong si Don Gordon Bell ay nagsabi ring: “Maria Isabel Lopez is the best person I’ve known in Philippine showbiz!”…

Para sa isang dayuhan na napamahal na sa Pilipinas na sabihin ang mga katagang ‘yun sa isang blogger, oo, tunay ka, napaka-totoong tao nga ni Miss Maribel Lopez.

ImageImageImageImage

Samantala, ugong-ugong sa sulok-sulok ng showbiz na “agaw-eksena” raw si Maribel sa mga matitindi niyang scenes sa bago niyang teleseryeng The Legal Wife, na kung saan ay gaganap siya bilang ina ni Jericho Rosales. Hindi raw nagpatalbog si Maribel sa isa pang seasoned actress na ka-level niya- si Miss Rio Locsin- in terms of acting, glamour and professionalism sa set. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga taga-channel 2 kay Mama Maribel.

“Okey naman sa akin na gumanap nang isang ina”, sey pa ni Maribel sa isang blogger. “I have a daughter- si Mara- na hindi naman nalalayo ng husto sa edad ni Jericho. And at the same time, feel ko ang role ko sa teleserye- palaban!”

Mapapanood na ang nasabing teleseryeng The Legal Wife starting January 27, bilang pamalit sa Maria Mercedes na teleserye rin ng Dos.

arts and beauty

Samantala, on February 12, 2014, maghe-headline naman si Maribel, together with her fellow beauty queens sa isang napaka-sosyal na painting exhibit for a cause. Ito ang “Arts & Beauty 3” ng NCCA (National Comission for Culture & The Arts). Ito na bale ang third year ni Maribel na nag-spearhead sa artsy but charitable event na ito.

“Maski beauty queens kami, we have time to show our artistic sides din naman”, pagtatapos na wika ni Mama Maribel. “At ang event na ito, ang makikinabang naman ay ang mga charitable organizations at mga estudyante. Gusto naming i-spread sa mga kabataan ang kahalagaan ng pag-appreciate sa sining.”

Korek na korek ka diyan, Maribel.

 

 

(words by robert manuguid silverio)

Image

2 thoughts on “maria isabel lopez: agaw-eksena na sa teleseryeng “the legal wife”, headliner pa sa “arts & beauty 3” painting exhibit ng beauty queens!!!

  1. yes, maria isabel…mr. don gordon bell did say to me that you’re one of the best person he had ever met in Philippine entertainment industry… i already changed the item part above telling that you and don were not of the same blood type,.. good to know from you personally that, indeed, you’re of same blood type- “B+”….you helped don in his need for blood to cure his sudden sickness which he suspected as almost like dengue fever… you’re such a true friend, maria isabel.🙂🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s