vince tanada and philippine stagers foundation gears up for their MINDANAO CARAVAN!


papa vince and his new hair with jeffrey ambrosio, jerie sanchez, jv cruz, d-rotsen etolle, art gabrentina and john paul san antonio- STAGERS all.
papa vince and his new hair with jeffrey ambrosio, jerie sanchez, jv cruz, d-rotsen etolle, art gabrentina and john paul san antonio- STAGERS all.
vince with top stager kevin posadas
vince with top stager kevin posadas while about to eat lechon at davao city!

Umalis si Vince Tanada, head ng Philippine Stagers Foundation (PSF) last January 6 papuntang Davao para ayusin ang kanilang nalalapit na “Mindanao Stagers Caravan”.

Ang Mindanao Stagers Caravan na ito ay isang  series of performances (for two-weeks) para sa nalalapit na Mindanao tour ng Philippine Stagers Foundation (PSF) sa halos lahat ng mga key provinces sa Mindanao region na tulad ng Davao, Zamboanga, Surigao, Basilan, Cagayan de Oro, Cotabato, Gen. Santos City, at iba pa.

Magsisimula ang “Mindanao Caravan” ni Vince at PSF starting February 22 at matatapos ng March 3, dahil kailangan namang mag-prepara na rin ni Vince ng new play season para sa 13th year ng PSF.

Bago ito, sa mga darating na araw naman ay sankaterbang mga out-of-town performances naman ang nakatakda ring gawin ng PSF.

“Hindi na ako makahinga sa sobrang dami ng aming provincial shows this coming weeks”, nabanggit pa ni Vince sa isang blogger na bumisita sa kanya (AT NANANATILING PUBLICIST NIYA ANG BLOGGER NA IYON!) minsan. “Mayroon kaming La Union, Sorsogon, Naga, Legaspi, at iba pa. Kaya bukod sa Mindanao Caravan namin ay may Bicol Caravan din kami after ng performance namin sa La Union. Excited na ang lahat ng Stagers, Robert! At tinitiyak kong kasama ka sa Bicol at Mindanao Caravan namin!”

(Kaya ma-“high blood” na sa inggit ang ibang mga media people diyan na nagtatangkang mang-agaw kay Vince sa amin. Haha! Joke lang. Bahala na kung ma-accomodate pa ni Vince at ng PSF na magdala pa kami ng “excess baggage”. Hehehe…— sssip*)

Anyway, kaya naman lumawak ng lumawak ang pag-soar ng greater heights ang PSF at si Vince, ito ay dahil sa tunay naman kasi nilang naiaaalay ang kanilang kahusayan at kakayahan para sa audience ng kanilang mga theatrical productions- ang mga estudyante’t kabataan. Sinusuportahan ng DepEd (Department of Education) ang PSF. At ngayon naman, pati ang CESB (ang Career Executive Service Board, ang legitimate board na siyang nagte-train sa mga taong nagtatrabaho ngayon sa gobyerno) ni Atty. Tonette Almores ay sumusuporta na rin kay Vince to the max!

Minsan kasing mapanood ni Atty. Almores ang mga dulang Bonifacio: Isang Sarsuwela at Pedro Calungsod: D’Muuuuzzziiikkkaaaallll ay napahanga itong talaga kaya naman ngayon ay sumusuporta si Atty. Almores ngayon sa Mindanao and Bicol Caravan ng magaling na theater group- ang PSF.

Sa recent tour ni Papa Vince sa Davao City, he immediately gained new friends there. Iba kasi ang sincerity ng pagkatao ni Papa V. Mapi-feel mo talaga. Plus of course, may inept charm and appeal pa siya.

Tiyak na mawi-win din ni Papa V. and the Stagers ang mga hearts ng Muslim people (our fellow brothers) in Mindanao. Tiyak na mamangha sila sa kahusayan ng mga ito sa entablado kapag nagsipag-arte na. At tiyak din na mas dadami pa ang mga fans ng PSF ngayon!

Sa mga susunod na blog features namin kay Papa Vince ay i-update naman namin kayo sa next movie niyang Esoterica Manila at sa nalalapit na Valentine’s concert ng mga Male Stagers! Yes, nakakakilig ng tunay ang nalalapit na event na’to!

Soon!

 

(words by robert manuguid silverio)

papa vince's different moods... captured in pictures!
papa vince’s different moods… captured in pictures!

One thought on “vince tanada and philippine stagers foundation gears up for their MINDANAO CARAVAN!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s