lance raymundo gives ronnie liang and vince tanada great support in a film about LGBT’s- “esoterica manila”!!!


 

lance in naked form... and in the LGBT film "esotrica manila", he shows-off MORE.
lance in naked form… and in the LGBT film “esotrica manila”, he shows-off MORE.

Ano ba itong nabalitaan namin na halos lahat ng mga scenes ni Lance Raymundo sa pelikulang Esoterica Manila ay pawang mga nude scenes???

Oh, my.

Kaya naman pala nu’ng may nakapunang blogger na kung bakit ang ipinakitang eksena ni Lance sa trailer ng nasabing pelikula ay iyong nahulog siya sa isang mini-pool, very confident at hindi affected si direk Elwood Perez kung sakali man daw na sitahin siya nu’ng pakialamerong blogger na iyon.

“Handa na ako sa isasagot ko kung sakali mang may isulat na hindi maganda ang blogger na iyon”, sey daw ni direk Elwood kay papa Lance. “Ang isasagot ko: ano pa ba ang ipakikita ko sa trailer, eh, halos lahat ng eksena ni Lance sa pelikula namin ay nakahubad siya at naked to-the-max! Alagay namang iyon ang ipakita ko sa trailer ng movie namin, eh, di nawala ang suspense!”

Tawa lang daw ng tawa si Lance nang sabihin ito ni direk Elwood sa kanya. Kaya naman pala nanahimik na ang blogger na iyon at hindi na nag-complain sa exposure ni Lance sa trailer. In fairness naman kasi kay direk Elwood, maganda naman ang exposure ni Lance sa trailer dahil pinakita pa doon ang Fidel movie clip (Lance’s solo film made in the year 2011)  ni Lance na kung saan ay akap-akap siya ng veteran actress na si Snooky Serna.

Plus, maganda ang billing ni Lance sa said movie na pagbibidahan ni Ronnie Liang at second lead naman si Vince Tanada. Special participation lang si Lance sa pelikulang ito but he provided great support to both Ronnie and Vince in the said film that tackles issues about LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals and Transgenders) community.

“This is my first film na may pagka-homosexual ang theme”, sabi ni Lance sa isang blogger. “But I cannot reveal my role here. I signed kasi a contract with direk Elwood na huwag ko munang i-reveal sa media people ang role ko sa pelikula. I guess, it’s direk Elwood’s own way of packaging his film. And I agreed naman and I signed nga  the contract of agreement.”

All Lance could say now about the film Esoterica Manila is:

“It’s the first time in the Philippines na magkaroon ng ganitong klase ng pelikula about homosexuals and lesbians”, anya pa. “And my role/character in this film is something so different that I have never done before! It’s such a brave movie! And I hope my fans won’t get disappointed kapag napanood na nila ako dito!”

Bakit, may ‘man-to-man’ love scenes kaya si Lance sa movie na ‘to?

“No, wala naman”, sagot niya. “Leave that to Dennis Trillo and Tom Rodriguez. But no offense meant to them. Hindi pa ako payag sa ganu’ng klase ng karakter sa pelikula. Basta ang masasabi ko, I have nude scenes in the movie!That’s all I can say for now.”

Oh. no.

Tunay namang ka-abang-abang kung ganu’n ang pelikulang Esoterica Manila. Nariyan pa sina Ronnie Liang at papa Vince Tanada na marami ring nude scenes sa pelikula! Grabe!

Iba talaga ang ‘touch’ ni direk Elwood in convincing male actors to do those provocative scenes, di ba???

 

(Abangan naman sa susunod na blog features ang exclusive  interviews namin kina Ronnie Liang at Vince Tanada about Esoterica Manila. Soon!— sssip*)

 

SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO

LANCE IN HIS NEW SHORT HAIR CUT. MATINEE-TYPE.
LANCE IN HIS NEW SHORT HAIR CUT. MATINEE-TYPE.
"BEWARE, STALKERS!"--- FROM LANCE.
“BEWARE, FB STALKERS!”— FROM LANCE.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s