vince tanada, hindi lang co-actor pero naging acting coach pa ni ronnie liang sa pelikula nilang “object of desire”…


vince: four sex scenes in the movie "object of desire"
vince: four sex scenes in the movie “object of desire”
ronnie: handang magpatulong kay vince sa acting
ronnie: handang magpatulong kay vince sa acting

 

Nagulat ang isang blogger nang sabihin sa kanya minsan ni Vince Tanada na apat ang magiging sex scenes nito sa pelikulang Object of Desire (ang ikalawang pelikula ni Vince kay direk Elwood Perez). Apat, yes, as in apat! At pawang mga erotic na eksena daw ang mga iyon!

“May orgy scene ako dito, may bathtub scene na naked, may lovescene sa isang babae at isa pang sexy scene na ka-lovemaking ko naman ay si Ronnie Liang, would you believe?”, sabi ni Vince sa isang ‘anonymous’ blogger. “I agreed to do all those scenes because direk Elwood explained to me na kailangan talaga sa pelikula at sa character ko bilang isang aspiring opera singer na in real-life ay isa palang social climber na nagpapanggap na nakapag-aral pa sa Ateneo de Manila. Yung eksena namin ni Ronnie, I still don’t know how direk Elwood will attack it. Hindi pa kasi nakukuna ‘yun. I hope tipong implied lang ‘yung sex scene namin. Medyo hindi kasi ako sanay pa, eh. Baka magkailangan kami ni Ronnie.”

Sa isang shooting shoot nina Vince, Ronnie and direk Elwood- hayan, at si Vince pa ang tumayong ‘acting coach’ para kay Ronnie. He was specifically tasked by direk Elwood to do so.

“As co-actor and a fellow artist, I felt I need to help Ronnie”, sabi pa ni Vince. “He’s still quite new in the acting business, samantalang ako ay halos isang dekada nang umaarte sa teatro at nagtuturo ng acting sa mga baguhang theater actors. Ronnie is still new and fresh in the acting field. Sa singing siya bihasa, kaya I fully understand. Thankful naman sa akin si Ronnie sa pagsuporta ko sa kanya.”

Knowing Vince na may kakaibang touch in motivating actors (nakita na ng isang blogger ang transformation ng mga Stagers sa kanyang Philippine Stagers Foundation theater group- kung saan, ang rawness nila ay nahahasa ni Vince at biglang naging magagaling na aktor at aktres), for sure, ganu’n din ang mangyayari kay Ronnie sa pelikula nilang Object of Desire.

Paano naman ang attack ni Vince sa character niya sa pelikulang ito?

“Ang gusto ni direk Elwood, medyo iba du’n sa character ko sa last movie naming Otso“, sagot ni Vince. “Although ang gusto niya, gawin ko ring urban-type. But this time, urban-type na medyo silent type ang dating. Pailalim. Social climber kasi ako dito kaya ganu’n! Pero watchout, ibang approach ang gagawin ko!

“Nagkaroon na kasi ako ng ganyang klase ng role sa isang dula na ginawa namin sa PSF”, pagpapatuloy na wika ni Vince. “Du’n sa dula naming Joe: The Rocksical, ang role ko du’n ay si Joecaz, isang artist na moderno ang dating at very urban-type. Hinangaan ako sa play na iyon kaya medyo ganu’n din ang attack na gagawin ko dito sa bagong movie naming Object of Desire. But I will experiment further this time, at ‘yun din ang hiling sa akin ni direk Elwood- ang mag-experiment pa ng husto sa acting craft ko sa pelikula. Let’s face it, iba pa rin ang pag-arte sa pelikula, keysa sa pag-arte sa teatro.”

Nakapag-shoot na sina Vince sa nasabing pelikula ng three days, at marami pang shoots na gagawin. In those three days of shoot, laging ‘take one’ si Vince. Kaya proud na proud sa kanya si direk Elwood.

“Pero mas proud ako kay direk Elwood sa pelikulang ito”, pagtatapos na kuwento ni Vince. “He is so energetic and happy! Masayang-masaya kasi siya sa naging rsulta ng comeback film niyang Otso kaya inspired na inspired siyang mag-shoot muli ng bago niyang film ngayon. At hanga rin ako sa patience ni direk Elwood, grabe! Du’n sa isang shoot namin, maghapon siya sa loob ng isang kusina directing that kitchen scene with Ronnie Liang. At his age, maski pawis na pawis na siya ay hindi siya nagko-complain. Kaya bow kami sa kanya.”

In-between shoots ay sinisingit ngayon ni Vince ang mga performances niya sa bago nilang dulang Pedro Calungsod: D Muuuuzzziiikkkaaallll! And as of this early, kay dami-dami nang nakikiusap na maipalabas o mapanood ang dulang ito sa kani-kanilang mga eskuwelahan, sa kani-kanilang mga mag-aaral at sa mga probinsya. Hindi na makahinga ang marketing people ng PSF sa dami ng mga groups, schools and parishes na nagre-request na maipalabas ang dulang ito para sa kanila.

“Malinis kasi ang intensyon ng PSF”, tanging nasabi na lang ni Vince. “We are here to help, to give and to support- especially the young. Siguro ‘yan ang good karma namin, ‘di ba?”

Oo naman, papa Vince.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

vince: lalong sumseksi at gumuguwapo
vince: lalong sumseksi at gumuguwapo
vince with his Stagers in their Halloween Party last Oct. 30
vince with his Stagers in their Halloween Party last Oct. 30

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s