nora aunor at direk peque gallaga: nag-akapan ng mahigpit for five minutes at nag-iyakan!


nora loves direk peque gallaga
nora loves direk peque gallaga
direk peque gets emotional with ms. nora aunor
direk peque gets emotional with ms. nora aunor
nora with direk brillante mendoza
nora with direk brillante mendoza

 

Isang kamanghang-manghang eksena na bihira lamang mangyari sa mga kaganapan sa daigdig o mundo ng Philippine Showbiz. Isang tinaguriang Superstar ng Pelikulang Pilipino at isa sa mga kinu-consider na isa sa mga Greatest Masters of Philippine Cinema!

Naganap ang pangyayaring iyon sa premiere night ng pelikulang Sapi ni direk Brillante Mendoza. Pareho niyang espesyal na mga bisita nu’ng gabing iyon sina Ms. Nora Aunor at Master Peque Gallaga. Pero dahil sa sobrang kaabalahan na ni direk Brillante, hindi na niya na-escort papasok ng sinehan (kung saan iso-showing ang Sapi) sina direk Gallaga at Ms. Aunor.

Naunang dumating si direk Gallaga at medyo matagal din itong nag-stay sa cocktails table area na kung saan ay nagsilbi ng mga espesyal na cocktails food sa said event a few days ago. At nu’ng mainip na si direk Gallaga, pumasok na ito sa loob ng sinehan, together with Ms. Digna Santiago, a producer, and direk Joey Romero, also a veteran film maker and son of National Artist for Film na si Eddie Romero (R.I.P.). Hindi na inabala pa ni direk Gallaga si direk Brillante na hinihila ng kung sinu-sinong mga tao nu’ng mga sandaling iyon for interviews, picture-takings at tsikahan.

Tahimik lang na umupo si direk Gallaga sa loob ng sinehan at saglit pa siyang binati ng blogger ng “Ssssip’s Awe” blog. Na-recall pa nga ni direk Brillante ang magandang poetic film review na naisulat nu’ng blogger na iyon sa said blog. After almost fifteen minutes, hayan na, humahangos na papasok sa loob ng sinehan ang grupo ni Ms. Aunor at escorted siya ng scriptwriter na si Ricky Lee. Ngumiti at kumaway sa lahat ng taong naro’n ang Superstar in all her humility. Pero nu’ng makita na niya si direk Gallaga, nagmadali na siyang umakyat ng hagdanan para puntahan ito!

And the next scene was so emotional in the eyes of one blogger na nakasaksi sa pangyayaring iyon.

Inakap ng mahigpit ni Nora si Peque. Mahigpit na mahigpit at puno ng damdamin! Siyempre, inakap din siya ng mahigpit pabalik din ni Peque! At nagbulungan sila, tipong very personal ang mga sinasabi nila sa isa’t-isa. Inabot yata ng five minutes ang akapan at bulungan na iyon!

Ilang saglit pa, nagka-iyakan na sina Nora at Peque! Tunay namang nakakabagbag-damdamin!

Sa pangyayaring iyon, masisiguro mo talagang malalim din ang naging friendship nina Nora at Peque. Marahil, may mga pangayayari na in the past na naging madamdamin sa kanilang pareho kaya nagkayakapan sila ng gano’n…

Late na nu’ng pumasok si direk Brillante at wala siyang kaalam-alam sa nangyari. Pareho na lamang niyang inistima ng saglit ang magkalayo nang upuan nina direk peque at Nora. Maya-maya pa ay ipinalabas na ang kanyang pelikula.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s