maria isabel lopez on “angustia”: an artistic license?


ms. maria isabel lopez in "angustia"
ms. maria isabel lopez in “angustia”
maribel lopez and alex vincent median plays very significant roles in the movie "angustia"
maribel lopez and alex vincent median plays very significant roles in the movie “angustia”

Si Maria Isabel Lopez  nga ba ang Angustia na karakter sa pelikulang “Angustia”, isa sa mga film entries sa darating na Cinema One Originals fest? 

“Hindi”, maagap na sagot ni Mama Maribel sa blogger na ito. “Angustia is an image of Mama Mary in deep anguish and pain, it’s like the one of the Pieta image na kung saan ay nakahimlay sa kanya ang dead body ni Jesus Christ. Angustia means anguish, at mayroong image na gano’n si Mama Mary nu’ng 19th century Bicol, sa isang remote town doon. Very historical ang lugar na iyon in terms of it’s religious background. Bubuhayin ni Kristian Cordero, writer at direktor namin ang isang pangyayari sa lugar na iyon, based sa mga historical findings…

“Pero sabi ng aming direktor na si Kristian Cordero, any of the characters in our film could be Angustia”, dagdag na sabi ni Mama Maribel. “Angustia could be me, it could be Alex, it could also be the other minor characters in the fim. Kasi, we all experienced anguish and pain in the movie, I mean, bawa’t isa sa amin doon ay nakaranas ng matinding kapighatian kaya puwede kaming maging isang Angustia.”

Maski ni-reveal sa amin ni Mama Maribel ang kanyang character sa pelikula, mas mainam na huwag na lamang namin munang isulat o sabihin. Basta, napaka-markado ng role ni Mama Maribel dito.

“Ilang linggo rin kaming nanatili sa Bicol para authentic ang mga scenes namin”, sey pa ni Mama Maribel. “At pawang mga non-actors ang mga kasama naming nagsiganap sa pelikula. Kami lang ni Alex Vincent Medina ang mga talagang artista na kasama sa pelikula. Minsan pa nga, ako na ang nagko-coach sa mga kasama ko para umarte ng magaling!”

Ang direktor ng pelikula na si Mr. Cordero ay isang Carlos Palanca award-winning poet. Kaya lang, medyo kontrobersyal ang napili niyang istorya para sa kanyang pelikula. Dahil ang karakter ni Alex Vincent Medina dito ay mayroong “hot scenes” sa isang babae, to think na ang role niya dito ay isang Spanish Catholic priest during the Spanish era in the Philippines.

Pero may tinatawag tayong “artistic license” at “freedom of expression”. Ang pagiging makata sa katauhan ni Mr. Cordero na siyang gumawa ng pelikulang ito ang makakapag-“justify” siguro sa character na ginampanan ni Alex Vincent sa pelikulang ito.

Ayaw munang mag-komento ni Mama Maribel ukol sa controversial aspect ng pelikula. Marahil, magsasalita lamang si Mama Maribel sa press conference (bale ikalawa na) na gaganapin bukas, November 5, sa Cinema One Originals na gaganapin sa EJL Building ng ABS-CBN Complex.

“Ang masasabi ko lang muna ngayon, tunay na nag-enjoy ako sa mga Bicolano dishes na natikman ko while we’re shooting the film”, pagwawakas na sabi ni Mama Maribel. “Lalo na ‘yung santol na prutas na niluto nila sa gata (coconut milk). Ang sasarap talaga. Pinatikim ko nga sa isang blogger na si Robert Silverio ‘yung santol dish na ‘yun na may coconut milk. Kinopya kong lutuin at sarap na sarap siya. Iba talaga ang mga lutong Bicol, tulad ng Bicol express.”

Ang Cinema One Originals indie film fest ay gaganapin sa Nobyembre 10 to 19. Ang mga satellite venues ay sa Robinson’s Galleria, Trinoma Mall at Glorieta Mall cinemas.

 

(words by robert manuguid silverio)

the priest and the mysterious lady....
the priest and the mysterious lady….
maribel & alex with the non-actors, fellow cast in the movie "angustia. seated far left is director kristian cordero.
maribel & alex with the non-actors, fellow cast in the movie “angustia. seated far left is director kristian cordero.
maribel & alex in a "confession" scene
maribel & alex in a “confession” scene
the religious ladies of "angustia", in the historical land of the Bicol region.
the religious ladies of “angustia”, in the historical land of the Bicol region.
a dramatic scene in "angustia"...
a dramatic scene in “angustia”…
maribel & alex enjoying a Bicolano delicacy in-between breaks, with director Cordero
maribel & alex enjoying a Bicolano delicacy in-between breaks, with director Cordero

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s