salamat, aj

SALAMAT, KAIBIGAN
SALAMAT, KAIBIGAN

“SALAMAT, AJ”

DEAR AJ,

PASENSYA NA AT HINDI KITA NABISITA LAST NOVEMBER 1. ALAM KO, HINIHINTAY MO AKO DOON… PERO NATAKOT AKO. KASI, SIGURO, MARAMI PA RIN AKONG MGA PROBLEMA HANGGANG NGAYON…

PERO ALAM KO, HINDI MO NAMAN AKO PINABABAYAAN BILANG ISANG KAIBIGAN MO. ALAM KO, BINUBULONG MO AKO SA DIYOS NA TULUNGAN NIYA AKO.

MASAYA NAMAN AKO, AJ. NAGTATAKA NGA AKO KUNG BAKIT. KAPAG NATUTULOG AKO, PARANG MAY UMAAKAP SA AKIN, NAGKO-COMFORT… AT NAPAPANGITI AKO SA GITNA NG MGA PANAGINIP KO.

BASTA HUWAG KA LANG MAWAWALA. IKAW ANG INSPIRASYON KO.

SALAMAT, AJ.

 

NAGMAMAHAL,

ROBERT

AJ2

gerald santos, panalong-panalo sa iloilo city!

Gerald holding his trophy as Best Album Revival of the Year
Gerald holding his trophy as Best Album Revival of the Year
Gerald: tumaba!
Gerald: tumaba!
ang mga taong nanood sa concert ni Gerald sa SM Iloilo City
ang mga taong nanood sa concert ni Gerald sa SM Iloilo City

Fresh from winning the prestigious award of “Revival Album of the Year” para sa kanyang cd album na Gerald Santos: Prince of Ballad sa nagdaang Star Awards for Music (na kung saan ay na-nominate din si Gerald sa tatlo pang kategorya ng award-giving body na ito), hayan, at mas lalo pang nag-iibayo ngayon si Gerald sa pag-conquer ng “greater heights”.

Mainit na mainit pa ang balitang ito. Just two days ago ay nagpunta ng Iloilo City si Gerald for a concert sa SM Iloilo City. At panalong-panalo si Gerald doon, in terms of great reception dahil tunay namang kay daming nanood ng concert niya doon. Feel na feel at mahal na mahal siya ng mga Ilonggos.

Sumuporta kay Gerald sa Iloilo City ang kanyang Team Gerald na pinangungunahan nina Lhynne Imperial, Maritess Soguilon at siyempre, si Nanay Bebot, ang head ng Team Gerald. Hindi rin mawawala ang ever-supportive manager ni Gerald na si Mr. Cocoy Ramilo na siyang tumayong host ng kanyang concert sa Iloilo City.

“This is in part of our Visayas-Mindanao tour to promote po my album”, wika ni Gerald sa blogger na ito nang tawagan niya kami sa kanyang cellular phone. “Promise, tito Robert, sa next tour po namin ay isasama kita. Miss na kita at ng Team Gerald ko. Pasensya na po at ngayon lang kita natawagan dahil sa sobrang dami ng naging showbiz commitments ko lately.”

Medyo tumaba raw si Gerald ngayon. Pero hindi naman daw siya nakakalimot na mag-gym regularly sa Gold’s Gym. At nagpe-prepare na rin siya ng isang very special Christmas concert very soon.

Next na pupuntahan ni Gerald at ng kanyang team ang General Santos City. Muli siyang magko-concert doon sa SM General Santos City naman this time at marami na ang nag-aabang ngayon pa lang. Sa November 10, 2013 gaganapin ang kanyang concert doon.

“Break more legs”, as in break a leg, Gerald!

 

(words by Robert Manuguid Silverio, and photos courtesy of Gerald Santos’ FB Page and Ms. Lhynne Imperial. —sssip*)

si gerald kasama ang kanyang "team gerald"
si gerald kasama ang kanyang “team gerald”
gerald in a break
gerald in a break
gerald in sm iloilio city
gerald in sm iloilio city
gerald performs! and delivers...
gerald performs! and delivers…

jm de guzman bounces back!

jm: gosh, wow.
jm: gosh, wow.
jm with his grandma
jm with his grandma
jm embraces his mom
jm embraces his mom
jm with his  two blood brothers
jm with his two blood brothers
jm makes a call: "I'M BACK!"
jm makes a call: “I’M BACK!”

 

Once more, again and again- the saying that “They Can Never Put A Good Man Down”- is proven so TRUE.

Sa gitna ng mga sari-saring kontrobersya sorrounding JM de Guzman’s sudden illness months back, heto ngayon si JM, so alive and kicking, as he appeared on almost all the social media networks with his gorgeous new pictures, taken last November 1 kung saan ay nakasama niya ang kanyang pamilya at mga relatives sa All saints’ Day.

JM DE GUZMAN IS BACK! AND HE BOUNCES BACK HARD AND NEW!

JM looked so totally a lot more handsomer this time. Mukhang mas healthy pa nga siya ngayon. Malaki ang nagawa ng kanyang pagbabakasyon sa showbiz para makapag-recharge siya ng more positive energy.

Maraming-maraming salamat sa suportang ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya, most especially his mom and dad and his brothers. Hindi nila iniwan sa ere si baby JM namin. Hinawakan nila ang mga kamay nito ng mahigpit na mahigpit, with all their tender loving cares.

Kaya para doon sa isang babaeng minahal ni JM noon, look now! Hindi niya dapat binitiwan si JM nu’ng mga panahong kailangang-kailangan siya nito…. anyway, change topic.

Nariyan pa rin ang ABS-CBN’s Star Magic para pangalagaan pa rin ang showbiz career ni JM. Watchout, babawiin lahat ni JM ang mga pasumandaling nawala sa kanya.

Time heals all wounds. Naka-recover na si JM ngayon. And he’s all the more excited to go back to work again.

Keep it up, baby JM.

(written by robert m. silverio, photos grabbed “without any authorization” at ms. hanelore gob and mr. ronniel de guzman’s fb accounts— sssip*)

SPECIAL BONUS ADDED FEATURE (courtesy of Bandera.Inquirer.Net):

jm smiles
jm smiles

“JM de GUZMAN magaling na, balak nang bumalik sa showbiz”

By 

Read more: http://bandera.inquirer.net/37519/jm-de-guzman-magaling-na-balak-nang-bumalik-sa-showbiz#ixzz2jdyck2z3
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

JM de Guzman will be back soon sa showbiz. Saw his photos sa Facebook and we feel na he looks even better now. He looks slimmer at nawala na ang kanyang baby fats.

Marami ang nagwe-welcome kay JM sa kanyang pagbabalik sa showbiz. He is among the very few kasi na mahusay umarte, may lalim at may soul when it comes to portraying a role.

It’s good that he has a very supportive family na hindi siya iniwan at ginuide siya every step of the way para muli siyang makabalik sa mundong kanyang minahal.

Marami pa rin naman ang nagtitiwala kay JM. This time, siguro ay dapat nang maging seryoso ang actor. Kalimutan na ang pesteng love life. It will come naman at the right time.

maria isabel lopez on “angustia”: an artistic license?

ms. maria isabel lopez in "angustia"
ms. maria isabel lopez in “angustia”
maribel lopez and alex vincent median plays very significant roles in the movie "angustia"
maribel lopez and alex vincent median plays very significant roles in the movie “angustia”

Si Maria Isabel Lopez  nga ba ang Angustia na karakter sa pelikulang “Angustia”, isa sa mga film entries sa darating na Cinema One Originals fest? 

“Hindi”, maagap na sagot ni Mama Maribel sa blogger na ito. “Angustia is an image of Mama Mary in deep anguish and pain, it’s like the one of the Pieta image na kung saan ay nakahimlay sa kanya ang dead body ni Jesus Christ. Angustia means anguish, at mayroong image na gano’n si Mama Mary nu’ng 19th century Bicol, sa isang remote town doon. Very historical ang lugar na iyon in terms of it’s religious background. Bubuhayin ni Kristian Cordero, writer at direktor namin ang isang pangyayari sa lugar na iyon, based sa mga historical findings…

“Pero sabi ng aming direktor na si Kristian Cordero, any of the characters in our film could be Angustia”, dagdag na sabi ni Mama Maribel. “Angustia could be me, it could be Alex, it could also be the other minor characters in the fim. Kasi, we all experienced anguish and pain in the movie, I mean, bawa’t isa sa amin doon ay nakaranas ng matinding kapighatian kaya puwede kaming maging isang Angustia.”

Maski ni-reveal sa amin ni Mama Maribel ang kanyang character sa pelikula, mas mainam na huwag na lamang namin munang isulat o sabihin. Basta, napaka-markado ng role ni Mama Maribel dito.

“Ilang linggo rin kaming nanatili sa Bicol para authentic ang mga scenes namin”, sey pa ni Mama Maribel. “At pawang mga non-actors ang mga kasama naming nagsiganap sa pelikula. Kami lang ni Alex Vincent Medina ang mga talagang artista na kasama sa pelikula. Minsan pa nga, ako na ang nagko-coach sa mga kasama ko para umarte ng magaling!”

Ang direktor ng pelikula na si Mr. Cordero ay isang Carlos Palanca award-winning poet. Kaya lang, medyo kontrobersyal ang napili niyang istorya para sa kanyang pelikula. Dahil ang karakter ni Alex Vincent Medina dito ay mayroong “hot scenes” sa isang babae, to think na ang role niya dito ay isang Spanish Catholic priest during the Spanish era in the Philippines.

Pero may tinatawag tayong “artistic license” at “freedom of expression”. Ang pagiging makata sa katauhan ni Mr. Cordero na siyang gumawa ng pelikulang ito ang makakapag-“justify” siguro sa character na ginampanan ni Alex Vincent sa pelikulang ito.

Ayaw munang mag-komento ni Mama Maribel ukol sa controversial aspect ng pelikula. Marahil, magsasalita lamang si Mama Maribel sa press conference (bale ikalawa na) na gaganapin bukas, November 5, sa Cinema One Originals na gaganapin sa EJL Building ng ABS-CBN Complex.

“Ang masasabi ko lang muna ngayon, tunay na nag-enjoy ako sa mga Bicolano dishes na natikman ko while we’re shooting the film”, pagwawakas na sabi ni Mama Maribel. “Lalo na ‘yung santol na prutas na niluto nila sa gata (coconut milk). Ang sasarap talaga. Pinatikim ko nga sa isang blogger na si Robert Silverio ‘yung santol dish na ‘yun na may coconut milk. Kinopya kong lutuin at sarap na sarap siya. Iba talaga ang mga lutong Bicol, tulad ng Bicol express.”

Ang Cinema One Originals indie film fest ay gaganapin sa Nobyembre 10 to 19. Ang mga satellite venues ay sa Robinson’s Galleria, Trinoma Mall at Glorieta Mall cinemas.

 

(words by robert manuguid silverio)

the priest and the mysterious lady....
the priest and the mysterious lady….
maribel & alex with the non-actors, fellow cast in the movie "angustia. seated far left is director kristian cordero.
maribel & alex with the non-actors, fellow cast in the movie “angustia. seated far left is director kristian cordero.
maribel & alex in a "confession" scene
maribel & alex in a “confession” scene
the religious ladies of "angustia", in the historical land of the Bicol region.
the religious ladies of “angustia”, in the historical land of the Bicol region.
a dramatic scene in "angustia"...
a dramatic scene in “angustia”…
maribel & alex enjoying a Bicolano delicacy in-between breaks, with director Cordero
maribel & alex enjoying a Bicolano delicacy in-between breaks, with director Cordero