psf’s halloween party 2013!


this blogger with papa vince tanada and patrick libao at psf's halloween party!
this blogger with papa vince tanada and patrick libao at psf’s halloween party!

“Grabe, Robert, super nag-enjoy ako!!!”, tili ng tabloid columnist na si Leo “Lykaboo’ Bukas sa blogger na ito sa kalagitnaan pa lang ng Halloween party ng PSF (Philippine Stagers Foundation) na ginanap sa PSF studio nu’ng gabi ng Oktubre 30, 2013. “It’s the best party ever na napuntahan ko so far!”

Talaga naman. Kapag si Vince Tanada (head ng PSF) ang nag-conceptualize ng isang party, talagang PABOLOSO!

That same night din ng Halloween party, hindi alam ng karamihan ng may hidden cameras at kinukunan sila sa bagong movie na ginagawa ni Vince, his second film under the helm of direk Elwood Perez- ang Object Of Desire– na bale isasama du’n sa movie.  Yung mismong nagaganap sa Halloween party pala ay isa sa mga eksena sa bagong film nina direk Elwood at Vince.

Kaya pala naro’n sa isang sulok ang mga bagets na filmakers-staff ni direk Elwood na ang dating sa amin ay parang mga artista na kay guguwapo- tipong mga estudyante ng La Salle at Ateneo ang mga filmakers-staff, cinematographers and the likes- kasama na ang PSF Stager na si Daryl Cajucom na siyang ginawang Assistant Director ni direk Elwood sa movie.

“Kaya nga hindi kami naka- Halloween costume ni Monique Azerreda, ay dahil yun ang kailangan na eksena- hindi kami dapat naka-costume ni Monique- at kasama sa shoot namin ang Halloween party na ito na kunwari’y in-attend namin. Kunwari nagpunta kami sa party na ito, ganu’n. Mapapanood na lang nila ang eksenang ‘yan sa kabuuan ng pelikulang Object of Desire.

Anyway, bumaha ng mga chocolates (grabe ang daming chocolates!) na pinamigay ni Vince sa mga batang naroroon sa party at sa mga Stagers, pagkain, at iba pa.

More than 40 Stagers ang nag-participate sa costume contest. Lahat ay walang itulak-kabigin. Karamihan ay taken from the characters of recent Hollywood movies, tulad nina JP Lopez at Jerie Sanchez na naka-costume ng Shrek at Fiona characters from the film Shrek. Si JM Encinas naman, ‘yung male character sa Dead Warm Bodies, si Mark Miranda as Freddy Kruger of Nightmare On Elm Street (nanalo si Mark ng second prize sa Best In Costume dito), si Raymond Rances bilang Medusa (guwapong Medusa ito!), si Jayson Bulanghagui bilang isang male nurse na zombie, si Patrick Libao bilang si Juan dela Cruz (a.k.a. Coco Martin), si Chris Hansen Lim- together with his wife Adelle and their daughter naman ang Vampire family, at marami pang iba!

Paborito sana ng blogger na ito ang costume ni Chin Ortega na isang Dark Angel na may itim na pakpak, pero dahil hindi kami isinama ni Papa Vince Tanada as one of the judges (dahil alam niyang may “favorites” kaming Stagers)- hayun, at hindi nanalo si Chin. Mas preference kasi ng mga movie writers na judges that night ang mga “horrifying costumes” talaga. Kaya karamihan sa mga nanalong costumes ay ‘yung mga nakakatakot ang dating.

Grand prize winner as Best In Costume si John Paul San Antonio na isang zombie female bride na pugot ang ulo! Ang galing!!!

Judges ng Best In Costume sina Rey Pumaloy, Pilar Mateo,  Sandy Es Mariano at Nonie Nicasio. Sa Best Horror Short Film naman, sina direk Elwood Perez at Nards Belen. Nagkaroon din ng Best In Production Number nung gabing iyon na talaga namang ang gagaling ng presentation. Ang grupo nina Allence Villanueva ang nanalo dito. Judges du’n sina Ricky Calderon, Maricris Nicasio, Glenn Regondola at Mr. Mario Hernando.

Ang Halloween Party ng PSF ay isang traditional event sa mga Stagers.

“Taon-taon ay ginagawa namin ito”, wika pa ni Papa Vince. “Talagang tradisyon na namin, kaya para sa akin, masaya ako na this year, kasama namin ang mga media people sa pagse-celebrate ng aming traditional Halloween party. The more, the merrier. Natutuwa ako’t kabilang na sa pamilya namin ang ilang very warm and sincere media people na pinangungunahan ng publicist kong si Robert Silverio- ikaw yun!”

Dumalo rin sa said event ang mga guwapong sina Alex Dorola at Kierwin Larena na mga top Stagers dati pero hindi na gaanong aktibo ngayon. Naroon din ang buong Tanada family, especially Mr. & Mrs. Tanada- Vince’s parents, plus of course, si Baby Spidey- ang baby son ni Vince.

Super-enjoy talaga ang lahat! What a fantastic night, indeed! isang magandang “breaker” ito para sa mga Stagers since Holiday break naman at makakapagpahinga pa sila ng ilang araw bago na naman puspusang magtrabaho sa dami ng kanilang mga stage performances na naka-line-up bago matapos ang mga huling dalawang buwan ng taong 2013. Hanggang next year of 2014 ay fully-booked na sa dami ng performances ang mga dula nilang Bonifacio: Isang Sarsuwela at Pedro Calungsod: D’ Muuuzzziiikkkaaalll.

On Vince’s part naman, mas hectic ang skeds niya dahil may mga pelikula pa siyang ginagawa in-between, aside from those stage performances.

HAPPY HALLOWEEN, VINCE AND THE STAGERS!!!

 

 

(words by robert manuguid silverio)

PHOTOGRAPHS BY MS. MONA PATUBO

 

(note: photos below were exclusively shot for this blog by ms. patubo. highlighting the production numbers, behind-the-scenes and friends who attended the very special event- sssip*)

jm e.

MONA11111 MONA4444 MONA2222 MONA999 MONA888 MONA777 MONA555

MONA333

mona43

monaxxx

MONA6 MONA7 mona11 mona12 mona13 mona14 mona16 mona17 mona20 mona21 mona23 mona24 mona26 mona27 mona28 mona29 mona30 mona31 mona32 mona48 mona47 mona45 mona44 mona41 mona40

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s