vince tanada, nagsimula na sa ikalawa niyang pelikula kay direk elwood…


vince conquers "two artistic worlds"
vince conquers “two artistic worlds”
Nagsimula na si Vince Tanada ng kanyang ikalawang pelikula kung saan ay nasa ilalim siya ng direksyon at ‘artistic eye’ ng Master film director na si direk Elwood Perez. Ang magaling na theater director-writer-actor ay tunay namang malaki ang tiwala sa beteranong si direk Perez, kaya naman maski direktor din siya sa teatro, hindi siya naging mapagmataas upang mapasailalim sa kamay naman ng isang datihan nang direktor sa mga pelikulang Pilipino.
Buong pagpapakumbabang sumusunod siya sa mga instructions and acting cues ni direk Perez. Alam kasi ni Vince, iba ang atake sa art of filmaking at iba rin ang atake sa  mundo ng teatro.
Naka-dalawang araw nang nag-shoot si Vince sa pinaka-latest at bale nga pangalawang pelikula niyang ito- under the helm of direk Elwood Perez. Maganda at mapang-hamon ang papel na gagampanan ni Vince dito- at napag-alamanan pa namin na halos kapantay ng bidang si Ronnie Liang ang bigat at ‘intensity’ ng role ni Vince du’n sa movie.
elwood: bilib kay vince
elwood: bilib kay vince
“It’s direk Elwood’s idea and not mine”, sabi ni Vince sa isang kaibigan niyang blogger. “Marami rin kasi ang nagmungkahi sa kanya na gawing halos pantay ang role namin ni Ronnie. At siguro, malaki rin talaga ang tiwala ni direk Elwood sa kakayahan ko at sa potensyal ko.”
In case you don’t know, ang first movie kasi ni Vince na Otso (which was shown last September sa National Film Festival’s “All Masters Edition”) ay isang box-office success, at siya ang pinaka-bida o main lead sa movie na ‘yun. Halos pumangalawa ito sa lahat ng mga film entries ng mga Master film directors sa nagdaang film festival na ‘yun. To think, walang ‘big star support’ si Vince sa said movie (sina Ms. Anita Linda at Vangie Labalan, two respected senior and veteran actresses, lamang ang mga suporta ni Vince sa film and the rest, pawang mga baguhan na mga aktor at aktres na ng Philippine Stagers Foundation), pero nagningning pa rin ito sa box-office results. It’s an enough guarantee na maraming fans and followers si Vince!
At siguro, iyan din ang dahilan kung bakit naisip ni direk Elwood na gawing “almost 50-50” ang respective roles nina Vince at Ronnie sa second comeback movie niyang Object Of Desire. Proven kasi na may “box-office draw and attraction” na si Vince based on his first movie alone.
Plus the fact na isang magaling ding aktor sa pelikula si Vince dahil pinuri ng ilang film critics ang acting niya sa Otso. Alam ni direk Elwood, hindi siya mapapahiya kung halos magkapantay ng role nina Vince at Ronnie- based sa intensity at bigat ng role.
Oo, ang Object Of Desire ang second and latest film na pagsasamahan muli nina Vince at direk Elwood- si Vince bilang aktor, at si Elwood, bilang direktor niya.
Todo suporta rin ang mga Stagers/theater performers-actors ni Vince sa kanyang theater group na PSF (Philippine Stagers Foundation), and some of them will even appear in some supporting roles. Especially Monique Azerreda who will play the role of a female photographer in the above-mentioned latest movie of Vince.
“Ayaw muna naming i-reveal ang iba pang aspects ukol sa latest film kong ito”, pagpapatuloy na sabi ni Vince. “It’s still too early pa at wala pa naman kami sa promo period.”
“Bising-busy pa si direk Elwood sa location hunts”, dagdag na sabi ni Vionce. “May mga script revisions, staff meetings and the likes also. But so far, very smooth naman ang naging two days na shoot na namin. We plan to finish this film by the month of November.”
Kaya pala tense na tense na si direk Elwood, pareho kasing may mga November-month schedules na ang dalawa niyang bida sa second comeback film niya. He’s got to finish the film in a month’s time!
Also by the month of November, magsisimula na ang mga theatrical runs ng susunod na stageplay ng PSF para sa kanilang 12th season for this year of 2013. Ito ang Pedro Calungsod: D’ Muuuzzzziiikkaaaalll. May mga series of scheduled performances na ang nasabing bagong dula sa buwan na iyon, samantalang on-going pa rin naman hanggang sa March 2014 ang mga continuing performances ng longest-running play nilang Bonifacio: Isang Sarsuwela.
vince shines, onstage and onscreen.
vince shines, onstage and onscreen.
“Nag-exceed na sa highest number of performances ang Bonifacio play namin”,muling sabi ni Vince. “To date, more than 200 performances na all-over the country ang Bonifacio: Isang Sarsuwela. Sinuportahan kasi kami ng DepEd at karamihan nga sa mga nakapanood na sa dulang iyong ay pawang mga estudyante, mag-aaral at mga kabataan.”
Meanwhile, ang Pedro Calungsod: D Muuuzzziiikkkaaalll naman ay in-endorso ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Kaya talagang masayang-masaya si Vince. Nagkaroon na ng first launching performance ang nasabing dula nu’ng nagdaang last week of September.
Vince Tanada: In the world of theater and movies. Happy to be experiencing “the best of both worlds”… for now.
(sinulat ni robert manuguid silverio, sa petsang Oktubre 24, 2013)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s