ang psf stagers sa bayawan, negros oriental…


ANG MGA STAGERS SA HARAP NG MUNISIPYO NG BAYAWAN NU'NG MAG-COURTESY CALL SILA KAY MAYOR GERMAN P. SERNA, JR., ANG HONORABLE MAYOR NG BAYAWAN CITY SA NEGROS ORIENTAL
ANG MGA STAGERS SA HARAP NG MUNISIPYO NG BAYAWAN NU’NG MAG-COURTESY CALL SILA KAY MAYOR GERMAN P. SERNA, JR., ANG HONORABLE MAYOR NG BAYAWAN CITY SA NEGROS ORIENTAL

BAYAWAN2

ANG MGA KABATAAN AT ESTUDYANTE NG BAYAWAN, NEGROS ORIENTAL
ANG MGA KABATAAN AT ESTUDYANTE NG BAYAWAN, NEGROS ORIENTAL, HABANG NAGHIHIYAWAN SA PANONOOD NG DULA NG MGA STAGERS.

TRUCK

BAYAWAN4 BAYAWAN5 BAYAWAN6

 

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng matinding kalamidad at trahedya sa bayan ng Bayawan, Negros Oriental.

Pero hindi naging hadlang iyon para ituloy ng Philippine Stagers Foundation (PSF) ang kanilang naka-iskedyul nang pagtatanghal sa nasabing lugar.  

Dahil sa kabila ng nangyaring trahedya (isang malaking pagbaha sa bayan ng Bayawan sanhi ng isang malakas na bagyo at marami ang namatay), marami pa rin ang humiling na ituloy pa rin doon ang pagtatanghal ng dulang “Bonifacio: isang Sarsuwela”.

 

Naisip din ng mga taga-PSF at ng mga taong nangangasiwa sa sa DepEd Bayawan (ang nag-sponsor sa pagtatanghal ng PSF doon), makakatulong ang pagpapalabas ng dula para ma-uplift ang morale at spirits ng mga taga-Bayawan pagkatapos ng unos. And this, we believe, is a very noble act from educators and artists who immersed themselves to bring back the zest and the energy of the people in Bayawan City, Negros Oriental.

 

At ito ang masasabi naming “tunay na misyon at hamon” para sa mga miyembro ng PSF. Para sa mga Stagers na pinamumunuan ni Atty. Vince Tanada.

 

Ang Bayawan ay isang hindi maunlad na bayan ng Negros. Ito ay malayo sa kabihasnan at sa modernong mga siyudad. Tatlong oras ka pang bibiyahe mula sa Dumaguete City para marating mo ang liblib na lugar na ito ng Negros. Wala kang makikita kundi mga farm lands, pasteur lands at mga cows sa paligid- na siyang kabuhayan ng karamihan ng mga naninirahan sa Bayawan.

 

Napakatahimik na lugar, para bagang walang ka-tao-tao.

Naikuwento nga ni Ma’m Ofelia Remolino Hermosa, ang Superintendent ng DepEd Bayawan City sa blogger na ito:

“Nu’ng una ngang makarating dito si Mr. Vince Tanada, nagulat siya habang tinatanaw ang malalawak naming farm lands na walang katao-tao at tila nahiwalay na sa mundo”, kuwento pa ni Mrs. Hermosa. “Nakasakay siya noon sa sasakyan namin. At sabi niya: May mga tao ba sa lugar na ito? Sino ang mga manonood sa amin dito? Wala yata akong maisip na audience namin dito? … yan, iyan ang mga katagang sinambit ni Attorney Vince sa akin. Akala niya, wala talagang tao dito sa lugar namin sa Bayawan.”

Nangyari ‘yun nu’ng nagdaang taon pa. pero laking gulat ni Papa Vince, nu’ng magtanghal sila sa lugar na iyon ng Bayawan City a year ago, libo-libong mga tao ang nanood sa kanila. Sa maniwala kayo’t sa hindi.

“Truckloads and truckloads of people came to watch our play here last year, laking gulat naming lahat!”, pagsabat naman ni Papa Vince habang kinakapanayam ng blogger na ito si Mrs. Hermosa. “Nakasakay sila sa mga dumptrucks, literally! Nangggagaling sila sa mga bundok, at pawang mga estudyante’t kabataan. Halos maiyak ako, sobrang tumusok sa puso ko ang nakita ko na siyang mauuulit muli sa taong ito!”

Tunay ka at totoo ka.

 

Maski ang mga tao sa Bayawan City ay pawang mga mapagkumbaba lamang at karamihan ay naninirahan lamang sa mga bundok at sa mga bukirin, marunong silang magpahalaga sa edukasyon, kultura at sining. At isang malaking bagay para sa kanilang lahat ang makapanood ng isang dulang tulad ng Joe: The Rocksical at Andres Bonifacio: Isang Sarsuwela. Sabik sila sa sining. Uhaw sila sa edukasyon at kultura. Dahil maski mapagkumbaba man sila, naramdaman ng blogger na ito na sila’y malalalalim na tao na marunong tumingin at mag-appreciate sa ARTS.

Maitanong nga natin si Superintendent Ofelia Hermosa, paano ba nagsimula ang lahat ng ito?

“Actually nagsimula lahat iyan ng panoorin ko ang dula nilang Cory Ng Edsa sa Dumaguete City two years ago”, sagot ni Mrs. Hermosa. “Sobrang nagandahan ako sa play na iyon. At pagkatapos ng kanilang pagtatanghal ay ipinakilala ako ni Superintendent Ramir Uytico ng DepEd Dumaguete kay Atty. Vince. Ipinangako ko sa kanya na next year ay dadalhin ko sila sa lugar namin sa Bayawan. Na siyang ginawa ko nga. Pero maski ako, namangha din, at hindi ko inaasahan na magiging ganu’n katindi ang reception ng mga tao sa mga dula nila. Libo-libo talaga ang mga nanood. Nakakamangha!”

 

Kaya naman sa taon na ito ng 2013, kung saan naka-iskedyul na ang pagtatanghal ng PSF sa bayan ng Bayawan, tunay na ipinaglaban din ni Mrs. Hermosa na matuloy ang pagtatanghal ng dulang Bonifacio: isang Sarsuwela sa kanilang lugar. Marami kasi ang pumuna at bumatikos, may ilan na gustong ipahinto ang pagtatanghal dahil sa nangyaring kalamidad. Pero mas umiral ang hiling at “clamor” ng mga kabataan at estudyante na mapanood ang dula, dahil ito ang magpapa-uplift sa morale nila dahil sa nangyaring kalamidad. At ‘yun nga, “the show must go on”.

“Kasabik-sabi kasi sa amin dito sa Bayawan ang makapanood ng isang world-class play”, sey pa muli ni Mrs. Hermosa. “Muling sisilay ang pagasa at pagbubunyi sa aming lahat.”

 

FAST CUT TO:

OKTUBRE 11, 2013.  BIYERNES. AKTUWAL NA PETSA NG PAGTATANGHAL NG MGA STAGERS NG PSF SA BAYAWAN CITY.

Maka-ilang beses na patagong lumuha ang isang blogger sa kanyang nasaksihan. Minsan, nagtatago pa siya sa isang kubling lugar ng Munisipyo ng Bayawan para lamang umiyak. Dahil nakita niya ang katotohanan ng buhay.

Totoo nga ang sinabi nina Mrs. Hermosa at Papa Vince. Hayun ang mga dumptrucks na galing pa sa mga bulubunduking mga barangays ng Bayawan. At sakay-sakay doon ang mga tao- mga bata, matatanda, estudyante, mister at misis… Lahat!

 

Maya-maya ay may mga dumptrucks na dumarating upang ihatid ang mga tao sa multi-purpose gym ng Bayawan City na naga-accomodate ng libo-libong tao para makapanood. Ito ang malaking tulong at serbisyo ng bawat barangay sa mga tao ng Bayawan. Mahirap kasi ang transportasyon doon at isinasakay nila sa mga dumptrucks ang mga tao.

Nakaka-touch talaga ng puso!

“Kaya sino ba naman ang hindi gaganahan na mag-perform at magbigay ng ibayong kahusayan sa pagganap kapag naramdaman mo’t nakita ang paghihirap ng mga tao sa Bayawan makapanood lang ng play namin?”, tanong pa ni Papa Vince sa blogger na ito. “Sino ang hindi iiyak?”

At hindi na napigilan ng isang blogger ang pagtulo ng kanyang luha habang naroon siya’t kapiling ang mga tao ng Bayawan, Negros Oriental, habang nanonood ng play. Damang-dama niya ang tunay na kahulugan ng sining, at ng buhay….

 

*********************

Sa naging tatlong ulit na pagtatanghal ng Stagers sa multi-purpose gym ng Bayawan City, punong-puno talaga ng mga tao. Ang mga magulang rin ng mga kabataang nanood ay pawang naroon at sumuporta sa kanilang mga anak na mag-aaral. Kapag iyong nasaksihan ng personal, mapapaiyak ka.

Ganun nila kamahal ang kani-kanilang mga anak. Sila ang bumibili ng mga pagkain sa mga ito habang nanonood at inaalalayan ang mga anak nila. Sila rin ang nagtuturo sa mga nagaganap na eksena sa dula.

Mahalaga nga ang edukasyon para sa mga magulang ng Bayawan. Ang kanilang mga anak ang kani-kanilang PAGASA.

Maraming salamat din kay German P. Serana, Jr.- ang Honorable Mayor ng Bayawan City, dahil sa matinding suportang ibinigay nito sa mga taga-DepEd Bayawan at sa PSF sa araw ng kanilang pagtatanghal. Kaya naman nagbigay din courtesy call ang “Stagers” sa Honorable Mayor nung araw na iyon.

 

“THE WORKERS ARE FEW, BUT THE HARVEST ARE MANY.”

Iyan ang nasambit ng isang blogger sa kanyang sarili. Iilan lang ang mga maka-sining na nilalang ang handang maglingkod sa mga tao. Oo, iilan lang sila.

Pero sa araw na iyon, nakita ng isang blogger at ng dalawa pa niyang ‘kaibigan’ ang tunay na HARVEST ng mga maka-sining na nilalang na ito. At napakarami ng ani na iyon…

At sa mui,

Iiyak ang isang blogger. Hindi iyak ng kalungkutan. Kundi iyak ng sobrang…

KALIGAYAHAN.

 

 

(SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO)

MGA LARAWANG KUHA, COURTESY OF: MS. CHIN ORTEGA

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s