THE SHELL (ANG KABIBE)


 

cropped-shell2.jpg

 

Mula sa baybay dagat ng Dumaguete City bay ay nakita ko siya… Kumikinang sa bayshore at sa sand, pinatingkad ng sikat ng araw. Maliit lang siya, pero kay gandang pagmasdan. Kasabay ng isang malakas na hampas ng hangin, na parang itinuro siya sa akin ay tila ginto itong nang-akit sa aking mga mata. Mga banayad na bulong ng hangin ang nagsabing damputin ko siya… Sa isang di-kalayuang panaginip, sinabi sa akin ng isang kaibigan, na makikita ko siya sa loob ng isang kabibe. At marahil, ito na nga ‘yun… Marahil ay makikita ko na siya.

Dinampot ko ang kabibe na bahagyang nakabaon sa sand. Kulay brown siya. Pero nag-iisa lang… Sa gitna ng maraming batong pebbles at glass forms na nabuo sa dagat, nag-iisa lang ang kabibeng ito sa inihaba-haba ng dalampasigan ng Dumaguete City bay.

“Ang suwerte ko naman”, wika ko sa aking sarili, sabay dampot sa kabibeng yaon. Hinawakan ko ito ng mahigpit. Ang singaw ng pintuan ng maliit na kabibe ay itinapat ko sa aking tenga. At doon, sa mahina at mahinahong tunog, narinig ko ang musika ng dagat. At alam ko, dito nananatili ang isang kong “kaibigan”.

Patuloy akong naglakad at naglakbay sa deretsong landasin ng Dumaguete City bay. Hawak-hawak ko ang kabibe. Isang napakagandang umaga iyon sa sentrong kapital ng bayan ng Dumaguete, malapit sa historical Cathedral nila ay lalakad ka lang patungo sa may bayshore. Gusto kong makita na ng personal ang “panaginip” ko.

Tinanaw ko ang mga ulap sa itaas, mula doon ay lumitaw ang napakagandang sunrise. Ito ang tinatawag na “Dumaguete Bay City Sunrise”. Kaya naman pala, kakaiba ang sunrise na ito sa Dumaguete Bay. Ang araw ay kulay “silver”. Kumikinang, napaka-kintab, nang-aakit…

Hanggang sa marating ko ang dulong tagong lokasyon ng bay. Doon na ako tumigil. Doon ko tinanaw ang dalawang kaibigan ko na laging laman ng aking mga panaginip. At sa aking mga panaginip, kami ay tatlong batang naglalaro at tumatanaw sa baybay-dagat.

Kumuha ako ng tatlong maliliit na bato. At tatlong beses ko ‘yung initsa sa dagat… Isang aksyon na ang kahulugan ay pasasalamat, pagpapahalaga, pagmamahal at pakikipag-usap sa DAGAT.

Ang kabibeng napulot ko ay ang tanging bagay na meron na ako ngayon. It’s the only thing I’ve got now. And it’s the only thing that I have…

Buong maghapon kong hawak ang kabibe. Kapag pinakikinggan ko ang nakatagong musika na nakulong sa loob ng kabibe, nakadarama ako ng katiwasayan at kapanatagan sa aking kalooban. Para akong dinuduyan ng dagat, parang nagpaparamdam ng pagmamahal…

Ito na nga siguro ang pinakamagandang alay ng buhay.

 

Marahil, minsan sa isang panahon, kami ay naglakbay na rin sa bay na ito. Kami ay naglaro, nagtakbukhan, nagkulitan…

 

BALIK SA TUNAY NA PANAHON:

 

Sa isang pangyayari, may isa namang buhay na binata na marahil ay nakadama at nakakita sa tunay na pagkatao ko. Kay tagal na ring panahon magmula nung may mangyaring muli na ganito sa aking buhay. Yun bang pagmalasakitan ka ng isang tao, maski hindi mo naman siya ka-ano-ano. Yun bang habulin ka niya sa gitna ng isang madilim na kalye at makiusap na bumalik na sa isang pagtitipon. Yun bang tipong hindi ka niya iniiwan, lagi siyang nagmamasid, nag-uunawa, nag-aalay.

 

Naramdaman ko lamang iyon sa dalawang kaibigan kong sa panaginip ko lamang nakikita’t nakakalaro. Pero ang isang ito ay totoo, isang buhay na tao, isang maka-sining na nilalang… At, hindi kathang-isip lamang,.

Oo, ngayon lang nga nangyari ito. Sa tinagal-tagal ng paglalakbay ko at paghahanap. Kahit papa’no may isang binata pa rin palang “makakakita” sa akin.

 

Sa loobin ng aking puso, sobra kong pinahalagaan ang kanyang mga nagawa. Pero hindi ko pinahalata.

 

Hanggang sa huling gabi. ANG PANAGINIP. Oo, isa na namang panaginip. Isang panaginip na napaka-lalim, napaka-“vague”. Halos malula ako sa lawak ng aking paglalakbay sa panaginip na iyon at parang may humahatak sa aking kaluluwa. Bigla, napadilat ang mga mata ko. At nakita ko “siya”. Nakatayo sa harapan ko, nakatitig sa akin mula sa madilim na harapan ng aking kama…

 

Nagulat ako at parang medyo yata napasigaw ako. Pero sa isang mabilis na saglit, nalaman kong isang buhay na anghel pala ang nakita ko, isang buhay na tao.

 

Buo na sana ang pangarap ko. Pero bigla nakita ko, may kasama pala siya. Sa dilim ng silid, naramdaman ko ang pagmamahalan nila. Ang mga mahihina’t banayad nilang pag-uusap. Naramdaman ko, nagmamahalan sila.

 

Kaya IPINIKIT KO NA LANG MULI ANG AKING MGA MATA.

 

Kapag nakapikit ang mga mata ko, tila mas masaya ako. Kasi, doon ko nakikita ang mga kaibigan ko. Sa buhay na realidad, tila nasasaktan lang ako…

 

Minsan ay naaamoy ko pa rin ‘yun strange smells ng mga kaibigan ko. Maski nagigising na ako sa umaga, nananatili ‘yung smell. Nakakakita ako ng kulay-maroon na bagay, parang kulay dugo na natuyo na. Kasabay nu’ng smell na naaamoy ko lamang kapag napapadaan ako sa morgue ng mga ospital.

 

Strange, isn’t it? Pero sabi nila, doon daw talaga ang tahanan ko…

 

Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako iiyak kapag nasasaktan ako. Kasi kung anu’t-anuman, ang pagmamahal na ibinibigay ko sa mga tao ay hanggang doon lang. Masaya na ako kapag masaya sila sa piling ng mga mahal nila, maski hindi naman nila ako mahal. Masaya na ako kapag malaya sila, at kung saan sila masaya, ay masaya na rin ako…

 

 

CUT TO:

 

Tanging ang kabibe na napulot ko ang siyang naging constant companion ko all-throughout our Dumaguete City trip. Hindi ako nito iniiwan. Kapag mali ang nakikita sa akin, ako’y pipikit na lamang at pakikinggan ko ang musika sa loob ng maliit na kabibeng iyon. Masaya na ako. Labis kong pinahalagaan ang kabibeng iyon.

 

Pero isang umaga, naramdaman kong dapat kong ibigay ang kabibeng iyon sa isang buhay na binata.

 

Nu’ng nagdaang gabi kasi, sa unang pagkakataon ng buhay ko, may isang batang binata ang humiling sa akin. “Puwede ko bang hingin ang kabibe mo, sir Robert? Akin na lang siya, ibigay mo sa akin.”

 

Sa isang pagtanggap sa katotohan na ang buhay ay sadyang hindi kumpleto, natuklasan kong maipadarama ko lamang ang pagmamahal ko kapag nagbigay ako.

 

At ibinigay ko ang kabibe sa kanya. Natutulog pa siya, itinabi ko sa kanya ang maliit na kabibe. Masaya na ako nu’n. At hindi na ako aasa pa ng anumang pagmamahal mula sa kanya. Dahil alam kong mayroon naman siyang ibang minamahal.

 

 

FAST CUT TO:

 

Ewan ko ba kung bakit kay saya-saya ko nu’ng araw na iyon na papauwi na kami sa Maynila. Ilang minuto na lang ay mararating na namin ang Dumaguete City airport. Tapos na ang pitong araw naming pagtatanghal sa Dumaguete, kasama ang Philippine Stagers Foundation members ni Papa Vince Tanada. Bilib na bilib ako sa sarili ko dahil pawang mga magagaling na mga aktor at aktres sa teatro ang mga nakasama ko sa pitong araw na iyon. At ako ang NAG-IISANG guest nila.

 

Ganun pala ‘yun, no? Kapag nagmahal ka, walang magiging bitterness sa loob ng puso mo. Magiging masaya ka anuman ang mangyari. Maski kapos ka sa mga materyal na bagay. Basta masaya ka, gano’n…

 

Kahit papa’no, hindi lang naman sa mga namayapa nang tao ako nakakakuha ng inspirasyon. May iniaalay ring ‘konswuelo’ ang buhay. At sa paglalakbay namin papunta sa Dumaguete City airport habang sakay-sakay sa isang tourist bus dahil galing pa kami sa isang malayong lugar ng Negros Oriental nung araw na iyon, muling nabuhay ang isang PUSO.

 

Isang bagong pagibig. Isang bagong buhay.

 

Maunsyami man o muling maudlot ang bagong pagibig na ito ay okey pa rin. Tanggap ko naman palagi ang katotohanan. Basta ang mahalaga, nung mga oras na iyon sa loob ng tourist bus ay katabi ko siya’t kapiling. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang natutulog siya. Hinawakan ko ang kanyang buhok, ang kanyang batok at mukha ng banayad. At sumandal ako sa balikat niya.

 

Bago kami tuluyang sumakay ng eroplano, sa may depature area ng airport, tiningnan niya ako. Tumitig at ngumiti. Sapat na iyon…

Para mabuhay  MULI ako.

 

 

SALAMAT, MR. VINCE TANADA AT SA LAHAT NG STAGERS NG PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION SA ISANG LIBRENG PAGLALAKBAY NA ITO. SA KAIBUTURAN NG AKING PUSO…. SALAMAT.

 

 

 

(ISANG PERSONAL STORY NA SINULAT NI ROBERT MANUGUID SILVERIO, ISINALAYSAY SA PETSANG OKTUBRE 14, 2013).

young mansilhoudcdc2

isang manunulat kasama ang Stager na si jayson bulanghagui habang nasa naia airport papuntang dumaguete city
isang manunulat kasama ang Stager na si jayson bulanhagui habang nasa naia airport papuntang dumaguete city

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s