ANG UNANG ARAW NG PAGLALAKBAY SA DUMAGUETE CITY, SA PILING NGA MGA “STAGERS”…


stagers adelle lim, jm encinas, art gabrentina, chris lim, chin ortega and jerie sanchez at naia domestic airport before they all board the flight to dumaguete city last october 7, 2013.
stagers adelle lim, jm encinas, art gabrentina, chris lim, chin ortega and jerie sanchez at naia domestic airport before they all board the flight to dumaguete city last october 7, 2013.
isang manunulat kasama ang Stager na si jayson bulanghagui habang nasa naia airport papuntang dumaguete city
isang manunulat kasama ang Stager na si jayson bulanghagui habang nasa naia airport papuntang dumaguete city
sina ms. chin ortega at jayson, mga Stagers.
sina ms. chin ortega at jayson, mga Stagers.
isang manunulat habang katabi ang dalawang nagagandahang mga babaeng aktres sa Philippine Stagers Foundation, nasa harap naman si ms. chin ortega
isang manunulat habang katabi ang dalawang naggagandahang mga babaeng aktres sa Philippine Stagers Foundation, nasa harap naman si ms. chin ortega
ginoong vince tanada, pinuno ng PSF (Philippine Stagers Foundation)
ginoong vince tanada, pinuno ng PSF (Philippine Stagers Foundation)

 

“Ang buhay ay hindi kumpleto”, ito ang mga katagang naibigkas ng isang manunulat sa kanyang sarili. Sa araw na iyon ng Oktubre 7, Lunes, sa taong 2013, muli niyang napatunayan na TOTOO nga iyon- na ang buhay ay hindi kailanman magiging kumpleto. Minsan, may mga kailangang mawala ng pansamantala para maramdaman ang tunay na kahulugan at kahalagaan ng isang bagay. Minsan, kailangang may magsakripisyo. At minsan, kailangang maging HINDI KUMPLETO ang isang tao para sa mas malalim na mga kadahilanan, para sa mga adhikain at misyon niya sa kanyang sarili, at para rin sa lahat.

Medyo nalungkot man ang mga miyembro ng mga Philippine Stagers Foundation (PSF) dahil hindi sila kumpleto nu’ng araw na iyon sa paglalakbay nila sa Dumaguete City para magtanghal ng kanilang dulang Bonifacio: Isang Sarsuwela, kailangan pa rin nilang maging matibay at BUO ang mga kalooban. Dahil para sa mga artistikong nilalang na nagsisiganap sa mundo ng entablado, totoo ang kasabihang- “The show must go on”.

Maski may nawala, maski may nangyaring hindi maganda, maski may umiyak… ang palabas ay dapat na ipagpatuloy.

Isang miyembro kasi ng PSF ang hindi nakasama sa kanila dahil sa isang napakabigat na problema. Pinamili siya ng kanyang pamilya na kung sasama siya sa mga pagtatanghal sa Dumaguete City ay wala na siyang babalikan pa na pamilya. Ito ay sa kadahilanang nasa bingit na ng kamatayan ang kanyang lola at gusto ng pamilya niya na naro’n siya sa piling ng kanyang lola habang ito ay naghihingalo na. Maski ba nasa airport na ang miyembro ng PSF na ‘yun, kinailangan niyang mamili. At pinili niya ang hiling ng kanyang pamilya.

Sa mga pagkakataong ito, mahirap magbigay ng opinyon ang isang manunulat. Ito ang tinatawag na mga “personal na bagay” na hindi na dapat panghimasukan pa.

Sa mga naiwang miyembro ng PSF (isa lang naman ang hindi nakasama), matibay pa rin ang kanilang kalooban dahil inaasahan na sila ng mga taga-Dumaguete City. At matiwasay naman silang nakarating sa rehiyon o lugar na yun ng Visayan Region (na ang mga tao’y pinaghalong mga Bisaya at Ilonggo)- ang Central Visayas- na pinagmulan ng pangalawang Santo na Pilipino- si San Pedro Calungsod.

Hindi man ang dulang San Pedro Calungsod: The Musical ang itatanghal nila sa Dumaguete City (kundi ang dulang Bonifacio: isang Sarsuwela) ay okey pa rin naman. Dahil ang dulang Bonifacio: Isang Sarsuwela ay inaabangan rin ng karamihan ng mga mag-aaral at mga fans ng mga Stagers (tawag namin sa mga miyembro ng PSF). Dahil sa tuwina, ang kanilang mga dula ay nagi-inspire, nage-entertain, at nakapagtuturo rin ng magagandang values para sa mga kabataan ng Dumaguete City.

At nu’ng araw na iyon, sa unang araw ng paglalakbay ng mga Stagers (sa ikatlong pagkakataon) sa Dumaguete City, naramdaman ng isang manunulat ang tunay na kahulugan ng kanyang “pinaglilingkuran”.

Pagkalapag ng eroplano sa Dumaguete City, isang kakaibang simoy ng hangin ang kanyang nalanghap. Sariwang-sariwa, malayo sa hangin na nalalanghap niya sa Maynila. Ang araw ay masigla at kay sarap maramdaman kapag tumutusok sa balat, ang mga tao ay nakangiti lahat halos, walang bastos, walang mayabang. Iyan agad ang sumalubong sa isang manunulat pagkalapag pa lamang ng mga paa niya sa Dumaguete City.

Sa N.O.C.C. (Negros Oriental Convention Center) Hotel nag-stay ang buong grupo. Dito rin sa hotel na ito sila magi-stay ng buong isang linggo sa mga susunod pang mga araw. Napakalinis ng hotel na ito, katabi mismo ng Gen. Mariano Perduces Memorial Stadium. At kahilera ng iba pang mga importanteng government offices and landmarks sa mismong sentro ng Dumaguete City.

May kakaibang anyaya ng pagmamahal at kalinisan ang sentro na iyon ng Dumaguete City. Sa umaga ay makikita mo ang mga kabataan na nagdya-jogging sa stadium, mga elder at senior citizens na nage-exercise, mga ordinaryong tao na gumagawa ng kani-kanilang tungkulin at tasks sa umaga, at mga estudyante’t mag-aaral na buong siglang pumapasok sa kani-kanilang mga paaralan. Ito nga ang Dumaguete City. Maunlad, displinado, marangal. At higit sa lahat, maka-sining, nagpapahalaga sa edukasyon at inaalagaan ang kanilang mga kalusugan. Ito ang “Visayan people”.

Ipinakilala ni Ginoong Vince Tanada (ang pinuno ng PSF) ang isang manunulat kay Ginoong Ramir Uytico, ang Division Superintendent ng DepEd sa lugar ng Dumaguete City. Sa unang araw na iyon kasi ng Stagers sa Dumaguete, nag-anyaya si G. Uytico na mananghalian sa kanyang opisina. Napaka-dignified man ni Mr. Uytico, maasikaso at sa bawat salita niya, mararamdaman mo ang pagpapahalaga niya sa edukasyon at kanyang pangarap na mas lalong mapagbunyi ito (ang edukasyon) sa mga kapwa niya Bisaya. Kaya siya na mismo ang sumuporta sa mga Stagers na magtanghal ng kanilang mga dula sa Dumaguete City.

“Very popular na ang mga Stagers dito sa lugar namin”, wika ni G. Uytico. “This is their third consecutive year of coming here. Una silang nagtanghal dito two years ago ng dulang Cory Ng Edsa at nagustuhan naming lahat! Kaya last year, inimbita muli namin sila, at ang dulang Joe: The Rock’sical naman ang itinanghal nila. Pitong ulit kong pinanood ang Cory Ng Edsa at pitong ulit ko ring pinanood ang Joe: The Rock’sical. Kaya naman sa palagay ko, pitong ulit rin o higit pa, na panonoorin ko ang dulang bago nila- ang Bonifacio: Isang Sarsuwela na magkakaroon ng pitong performances dito sa Dumaguete mula October 9 hanggang October 11. Magkakaroon sila ng mga pagtatanghal sa Convention Center dito, sa munisipyo namin at sa iba’t-ibang mga eskuwelahan pa, kasama rin ang lugar ng Bayawan dito sa Dumaguete na maski nakaranas ng kalamidad ay nais naming ma-uplift ang morale ng mga kababayan namin dito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng dulang Bonifacio: Isang Sarsuwela ng PSF.”

Si Superintendent Ramir Uytico kasi, napag-alamanan namin mula sa kanya sa isang maikling panayaman, ay nagnanasang pag-ibayuin ng husto ang kalidad ng Edukasyon sa Dumaguete City- kaya idinagdag at in-implement niya ang Performing Arts sa plataporma ng edukasyon. Gusto rin kasi niyang mag-excell ang mga Visayan people sa mundo ng Sining at Kultura.

Pagkatapos ng masaganang pananghalian ng mga Stagers sa DepEd office ni Ginoong uytico, lumarga na ang lahat sa Press Conference ng mga Stagers para sa pagtatanghal ng kanilang mga dula. Sa press conference na iyon, dumalo mismo si Superintendent Uytico at ina-announce niya sa lahat na ang DepEd Dumaguete, Division of Dumaguete,  ang nanalong Grand Champion sa Regional Competition ng 2013 Regional Science Fair. Limang mag-aaral nila sa elementarya at highschool rin ang nakakuha ng mga major awards doon, at ito ay nangyari lamang mula sa termino ni G. Uytico. pagkatapos nun, si G. Uytico pa rin mismo ang nag-introduce sa mga Stagers at nagbigay siya ng public endorsement sa mga ito na paoorin ang dula nilang Bonifacio: Isang Sarsuwela.

Kabilang sa mga Visayan media people na dumalo sa nabanggit na prescon ay sina Mr. Dodo Renacia ng Energy FM Dumaguete radio show at Mr. Jufill Mira ng DYWC Dumaguete radio show. Nagkaroon din ng radio guesting sina Vince and other Stagers sa isang sikat na radio show sa Dumaguete (nakalimutan namin ang pangalan ng istasyon) at kumanta pa isa-isa doon sa radio show na iyon ang mga Stagers.

Pero sabi nga ni Superintendent Uytico: “Actually, I do not exert much time and effort already na i-promote ang mga dula ng Stagers dito sa aming lugar dahil kilala na sila rito at may mga followers na. Hindi na ako nahihirapan.”

Pagkatapos ng radio guesting, nagpunta ang isang manunulat- kasama sina Vince Tanada, Jordan Ladra, Patrick Libao, Jerie Sanchez, Cindy Liper, Monique Azerreda at  Cherie Ann Bagtas sa historical na Dumaguete City Cathedral upang magsimba at magdasal.

“All the people here in Dumaguete City are very helpful to us”, pagwawakas na sabi ni Vince Tanada sa manunulat na kaibigan niya pagkatpos nilang magsimba.  “Dito namin naramdaman ng husto ang kahulugan ng salitang Bayanihan dahil lahat sila, tulong-tulong para maging matagumpay ang mga pagtatanghal ng aming mga dula rito. Ang dami naming mga dinner invites, and the likes, mula sa mga taga-Dumaguete! Kaya ang saya-saya namin dito!

“Plus the fact na ang audience dito ay very appreciative rin sa aming mga ginagawa”, pagwawakas na sabi pa ni Vince. “Kaya naman binansagan ko ang lugar ng Dumaguete na catch-basin of all our performances. nandito kasi ang Sentro ng Edukasyan sa region ng Visayas at ang mga pagtatanghal namin dito, ayon sa kanila, ay naging life-changing sa karamihan ng mga estudyante’t mga tao rito. na-inspire sila ng husto sa mga dula namin at iyan ang mas higit na nagpapasaya sa aming lahat. Kaya mabuhay ang Dumaguete City!”

 

 

(words by robert manuguid silverio)

PHOTOS COURTESY OF: MS. CHIN ORTEGA

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s