“san pedro calungsod: the musical”: of angels, saints and forevermore…


san pedro calungsod
san pedro calungsod

Kakaiba ang atake ng director-writer na si Vince Tanada sa dulang ito ukol sa buhay ni San Pedro Calungsod. Ibang approach ang ginawa niya, something that would delight the audience, or make you feel young all-over again.

Hindi lamang basta buhay ni San Pedro ang tinalakay sa dula, nagkaroon ng tipong “stream of consciousness” ang musical play na ito. It would bring you back to the past (kung saan nabuhay si San Pedro sa panahon nu’ng unang dumating ang Kristiyanismo sa Pilipinas, “sa panahon ng mga Kastila”), hanggang sa paglalakbay nila sa Guam at Marianas Islands, at maski ang “brief journey” ng isang author-character sa play na si Anton sa HEAVEN, at pabalik sa pangkasalukuyang panahon.

Yes, sankaterba din ang mga angel-characters sa dulang ito at maaaliw ka sa kanila. Pasasayahin ka nila, patatawanin, paiiyakin, pasisiglahin…. The angels in this musical play were presented with “awe and wonder”.

Nakakaengganyo din ng husto ang mga musical numbers ng play, nakakahalina ang musika, at napakagaling ng mga dance interpretations sa bawat kantang inaawit. Iba ang imahinasyon ng choreographer ng dulang ito na walang iba kundi si John San Antonio.

Ngayon lang din kami nakakita ng choral ensemble sa isang dula na lahat ay walang itulak-kabigin. Kay gagaling magsipag-perform, magsipag-sayaw, magsipag-kanta. Nag-aagawan sila ng eksena at isa-isa mo silang tititigan dahil sa kanilang mga kagalingan at kahusayan.

Okey na okey din si Jordan Ladra bilang si San Pedro Calungsod. Na-capture niya ng husto ang boyish character ni San Pedro at ang “aura of holiness” nito.

Super cute din ang istilo ng pag-arte na ginawa ni Monique Azerreda sa dulang ito. Isa siyang babaeng anghel na nagkagusto sa isang mortal na tao- ang karakter ng book author na si Anton- at tila pinababa siya sa lupa ng Diyos upang ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan ni Anton sa langit (na makikita sa climax ending ng dula).

Pagkatapos mong mapanood ang dula, tila kay gaan-gaan ng pakiramdam mo. Kakaiba yung heavenly feeling, at ito ang damdaming hindi ka talaga nanghinayang at pinanood mo ang dulang ito.

“San Pedro Calungsod: The Musical” is highly-recommended to everyone- mapa-bata, matanda, mapa-bakla o anupaman. Salbahe ka man, o “holy person”, para sa iyo ang dulang ito.

Such a pleasant play!

 

 

(words by robert manuguid silverio)

photos courtesy of MR. GLENN REGONDOLA

 

the angels in "san pedro calungsod: the musical" play
the angels in “san pedro calungsod: the musical” play
jordan ladra as san pedro calungsod
jordan ladra as san pedro calungsod

spc3spc4

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s