muli kayong paiiyakin sa nakakabagbag-damdamin na performance ni miggs cuaderno sa MAGPAKAILANMAN!


Imagebaby miggs with his co-stars in “magpakailanman, gloria garrido story”- mr. rez cortez, enzo pineda, janine guttierez and ms. chanda romero.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

Papel ng isang batang may sakit na muscular scoliosis ang ginampanan ni baby Miggs Cuaderno sa susunod na episode ng top-rating TV drama program ng GMA Channel 7 na Magpakailanman.

Sa Davao City pa sila nag-taping ng nasabing episode na ukol sa buhay ng isang letter-sender sa programa na si Gloria Garrido. Pinamagatan itong Gloria Garrido Story and take note, talagang nakakabagbag-damdamin ang performance ni baby Miggs sa nasabing TV program! Lahat ng kapwa niya artista ay napapaiyak na kapag umaarte na siya sa harap ng kamera.

Bale sa episode na ‘yun, tila naman ata pinagtaksilan ng tadhana ang naging buhay ni Gloria Garrido. Tatlo sa mga anak niya ang nagkaroon ng sakit na “muscular scoliosis”! Magmula sa panganay (na ginampanan ni Enzo Pineda), sa pangalawang babaeng anak (na ginampanan ni Janine Guttierez na anak ni Lotlot de Leon in real life at apo rin ni Piita Corrales ) at sa bunso, na ginampanan naman ni Miggs.

Si Ms. Chanda Romero ang gumanap na Gloria Garrido at ang beteranong aktor naman na si Rez Cortez ang gumanap na ama nina baby Miggs at asawa ni Chanda.

Hangang-hanga si direk Adolf Alix, Jr. sa acting ability ni baby Miggs. Sadya palang pinahanap ni direk Adolf si baby Miggs na gumanap sa papel na ‘yun dahil magmula nung mapanood niya si baby Miggs sa dalawang Cinemalaya indie films nito na Quick Change at Purok 7 ay sadyang humanga na siya sa bata.

Incidentally, hindi alam ni baby Miggs na na-nominate pala siya sa nagdaang Cinemalaya awards bilang Best Supporting Actor. Nalaman na lamang niya ito nang isulat ng “Pep.Ph” writer na si Ruel J. Mendoza na isa pala si Miggs sa mga naging nominees doon. Kaya lalong nag-boost ngayon ang confidence ng bata.

Meanwhile, nai-release na sa “YouTube.Com” ang official trailer ng pelikulang Bamboo Flowers, ang next big movie ni baby Miggs na inaabangan na ng lahat. Ito ay entry sa darating na National Film Festival (All Masters Edition) ng Sineng Pambansa. Mula ito sa direksyon ng kanyang mentor at tatay-tatayan na si direk Maryo J. delos Reyes.

 

Imagemiggs with his mom judy at the taping of “magpakailanman”

Imagemiggs plays at davao city park where they shot the episode of “magpakailanman”

Imagemiggs loves davao city

Imagemiggs with ms. chanda romero

Imagemiggs with janine guttierez

Imagemiggs with enzo pineda

Imagemiggs with direk adolf alix, jr.

Imagemiggs with “daddy” rez cortez!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s