sa birthday party ni papa vince…


vince sings his heart out in his birthday bash program
vince sings his heart out in his birthday bash program
vince with his sis elaine
vince with his sis elaine
vince with elaine, chin ortega and alex dorola.
vince with elaine, chin ortega and alex dorola.
a scene at the bar with jeffrey ambrosio, monique azerreda and vince.
a scene at the bar with jeffrey ambrosio, monique azerreda and vince.
the musical performance of the Stagers at vince's birthday bash!
the musical performance of the Stagers at vince’s birthday bash!
direk elwood answers questions from the media people with monique and vince
direk elwood answers questions from the media people with monique and vince
"HAPPY BIRTHDAY, VINCE!"  (vince parties with the stagers)
“HAPPY BIRTHDAY, VINCE!” (vince parties with the stagers)

 

Sa muli, pinatunayan ng mga Stagers (ng Philippine Stagers Foundation) sa pamumuno ni Atty. Vince Tanada ang kanilang kahusayan bilang mga performers. Ito ay nasaksihan ng mga V.I. P.’s (Very Important People) and close friends and family of papa Vince sa ginanap na mini-program in line with his birthday celebration. Napakaganda ng ginawang tribute ng mga Stagers kay papa Vince. May mga video clips sa bawat stageplay na nagawa na ni Vince in the past. Magmula sa Enzo, Santo hanggang sa Bonifacio: Isang Zarzuela. At every after video clip, nag-provide sila ng special musical numbers na taken from each past stage productions ng bawat dulang nagawa nila. Fantastic!

Finale number ang nakakataas-balahibong great musical number ni Vince sa Bonifacio: Isang Zarzuela. Kay daming napaiyak, natulala at namangha sa napakagaling na musical performance na iyon ni Vince na kung saan ay kasama niya ang mga Stagers in a final chorale!

It’s the major highlight of his birthday bash’s musical program. Pagkatapos nu’n, nagkaroon na ng Question & Answer portion from some members of the media. Enjoy na enjoy ang movie scribe na si Rey Pumaloy in mingling with the Stagers at very at home siya sa piling ng mga ito. Sina Arsenio Tan Liao (of Commuter Express LRT tabloid) at Nonie Nicasio naman, nanalo ng mga I-Phones sa mga games. Pinuri naman ni direk Elwood Perez ang isang blogger for being such a good host sa Q & A open forum with Vince, kaya halos mapaiyak ang blogger na iyon kasi na-touched siya sa pagpuri sa kanya ni direk Elwood. Nag-enjoy din ng husto sina Crispina Belen, Mario Hernando, Sandy Es Mariano (entertanment editor of Tiktik) at Jimi Escala sa napaka-bongga raw na peformances ng ilang mga Stagers na nagsipag-awitan at nag-perform.

Kudos to Chin Ortega, Art Gabrentina, John Paul San Antonio, Poul Garcia, and the rest for their great musical solo performances and dance numbers. Napaka-perfect host naman ng buong programa ang Stager din na si Mr. JP Lopez.

Ilan din sa mga V.I.P. guests that evening ay sina Dr. Luzruth Almeda (the daughter of NCCR Secretary for Education Mrs. Almeda), ang author at political adviser na si Michael Angelo na nagpatawa  ng husto sa mga media people that night sa brief speech na ginawa niya, isang very distinguished high-powered lady attorney na nakalimutan namin ang pangalan,  si Doc Tito Garcia ng Metamorphosis Clinic at good friend ni direk Elwood, ang P.R. man-talent manager na si Dennis Sebastian, at ang isang female balikbayan na relative ni papa Vince na mula sa London, at marami pang iba.

Napakaganda ng ambience ng PSF Studio (where the event was held) that night. Futuristic ang concept. Para kang nasa ibang planeta. Ang galing ng color scheme and textures na designed by Mr. Jeffrey Ambrosio, one of PSF’s top marketing man.

Puno naman ng pasasalamat ang blogger na ito kay Mr. Chris Lim, an outstanding actor of PSF, for helping us out sa pag-iistima sa mga media friends ni papa Vince. Ang guguwapo naman nina Kevin Posadas, Patrick Libao at Jomar Tanada nu’ng gabing iyon.

Si Ms. Monique Azerreda naman, napaka-efficient sumagot sa mga tanong ng mga movie press na nandun, she looked every inch a “shining star”. Kaya type na type siya ni Rey Pumaloy na nagsabing tutulungan suyang maging isang beauty queen din someday tulad ni Maegan Young. Si Cindy Liper at Cherry Ann Bagtas na mga Stagers din ay nakaw-eksena sa kagandahan.

Marami rin ang nakapansin kay Baby Spidey that night. Si baby Spidey ang baby son ni papa Vince. Hindi kasi suplado si baby Spidey kapag nilalapitan na siya ng mga tao.

Pero the best ang mga pagkaing inihanda ni papa Vince that evening. Sarap na sarap kami sa mga menu dushes that night, lalo na ‘yung chicken afritada. May isang lechon na malaki din at mga steamed fishes kaming “nilafang” to the maxxxx.

Vince will soon be seen in Otso, a film entry in the coming Sineng Pambansa’s National Film Festival (All masters Edition) which will open on September 11. Ia-announce soon ang premiere night ng movie. Ang Otso ay mula sa direksyon ni Elwood Perez.

After Otso, sisimulan na ang mga rehearsals sa new play nilang Pedro Calungsod: The Musical“, kaya tiyak na walang katapusang bisi-bisihan ang magaganap sa lahat ng miyembro ng Philippine Stagers Foundation.

HAPPY, HAPPY BIRTHDAY, VINCE.

 

 

(sinulat ni robert manuguid silverio, at salamat kina mario hernando, cherry ann bagtas at elaine tanada-coronel sa mga larawang kuha).

otso2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s