THEATER ACTOR, TUMALON NG BUILDING!


THEATER ACTOR, TUMALON NG BUILDING!

Dala nga ba ng labis na pagka-“high” dahil sa sinusulat niyang script, o dala ba ng mga imahinasyon niya’t guni-guni, o baka naman sa sobrang depresyon at kalungkutan … ISANG THEATER ACTOR, WRITER, DIRECTOR- TUMALON MULA SA ROOFTOP NG ISANG WALONG-PALAPAG NA GUSALI!

Haha. Huwag po kayong masindak ng husto. Eksena lang po iyan sa pelikulang OTSO, na pinagbibidahan ni Atty. Vince Tanada. Bale highlight scene ‘yun ng pelikula, pinaka-CLIMAX na matatawag sa ending scene ng pelikula- wherein ang character na ginampanan ni Papa Vince ay tatalon mula sa itaas ng isang lumang building.

Ang character na ‘yun ay si Lex. Isang writer and wanna-be director na nakakaranas ng malawak na imahinasyon or mga guni-guni, nakakakita ng mga visions, nananaginip ng gising- at dala na rin marahil ng mga kabiguan sa kanyang artistic career, hayun, nawalan na ng pagasa at tumalon na lang ng building!

Naman.

Iyan po ang istorya ng pelikulang OTSO. Si Papa Vince din ang nagsulat ng script at sa direksyon naman ni Elwood Perez, ang batikan at de-kalibreng direktor na matagal na namahinga sa pagdidirek.
Nag-merge ang creative talents nina Papa Vince at direk Elwood- and the result- “OTSO”!
“Thank God, I am alive! my fear of heights is conquered!”, tanging nasabi ni Papa Vince sa kanyang Facebook status. “I never thought na magagawa ko ‘to!”
What a stunt! Tipong extreme sports talaga. To think, very morbid pa naman ang dating sa blogger na ito nung gusaling pinagsyutingan nina Papa Vince. Parang may multo.

Pero siguro, mga mababait na multo ‘yun dahil wala namang napahamak maski sino sa ilang linggo rin ng pagsu-shoot nina Papa Vince, kasama ang mga magagaling na aktor at aktres ng Philippine Stagers Foundation- sa lumang gusaling ‘yun sa may Balic-Balic, Sampaloc.
Ang pelikulang OTSO ay kasali sa “All-Masters” Film Festival sa darating na Setyembre. At sinusumpa ni direk Elwood, hinding-hindi siya patatalbog sa mga ka-contemporaries niyang sina Maryo J., Peque G., Romy S., at iba pa sa kanilang sariling festival on “genuine film masters”.
Sa pelikulang OTSO, sa trailer pa lamang na napanood namin, namangha na kami sa kakaibang estilo o approach na ginawa ni direk Elwood. Black & White ang film at hindi colored, pero feel na feel mo ang bawat galaw ng mga karakter sa pelikula.

Napakalalim…
Thank God, safe naman si Papa Vince sa pagtalon na ginawa niya. Ang isang mabait na tao ay tunay namang pinoprotektahan ng mga guardian angels.
Watch OTSO sa All-Masters Filmfest, sponsored by the Film Development Council of the Philippines this September!

GO!

 

 

WORDS BY ROBERT MANUGUID SILVERIO

PHOTOS COURTESY OF ATTY. VINCE TANADA

otso5otso4otso3OTSO2OTSOotso8otso9otso10

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s