isang hapon, sa piling ng mga stagers ng psf para sa kanilang rehearsal sa “andres bonifacio: isang zarzuela”


 

 

SINING.

Kapag nakakakita ako’t nakakapanood nito, tila nabubuhay ako. Natutulala ako, naglalakbay ang kaluluwa ko sa isang “time tunnel” at lumalakas ang kabog ng dibdib ko…

Sumisigla ang pintig ng puso ko, nabubuhay sa pagkatao ko ang salitang PAGMAMAHAL.

Titingin ako at tititig ng husto duon sa SINING na nakikita ko… at mamahalin ko ito.

Iyan muli ang aking naramdaman nang mapanood ko ang ‘rehearsal’ o ensayo ng mga stagers sa PSF (Philippine Stagers Foundation) para sa dula nilang malapit nang itanghal- ang “Andres Bonifacio: Isang Zarzuela”.

Mas lalong nagkaroon ng kakaibang galing, intensidad at artistikong damdamin ang mga STAGERS. Umiigtad ng husto ang husay nila, tumutusok sa kaluluwa.

Maski rehearsal pa lamang ‘yun, nasa “performance level” na silang lahat. Nasa emosyon ng mga mukha nila ang bawat indak at sayaw nila, ang bawat awit at bawat linyang kanilang binibigkas. Kahanga-hanga.

Halos mahilo ako dahil ikot ng ikot ang aking mga mata. Hindi ko malaman kung kanino ko ibabaling ang aking paningin. Dahil lahat ay walang itulak-kabigin sa kani-kanilang mga talentong ipinapakita.

Napakasuwerte ko naman at ako ang unang tao na inimbita ni Atty. Vince Tanada para mapanood ang rehearsal nila sa Bonifacio play na ito. Damang-dama ko na, at tila nai-imagine ko na rin ang kabuuuan ng dulang ito once na mapanood ko ng buo sa isang entablado at kumpleto na sa casting, sa costumes, sa artistikong mga ilaw at iba pang mga teknikal na aspeto.

Nangunguna sa husay si Vince. Napakatindi niyang mag-perform sa rehearsal na ‘yun. At napakaganda ng kanyang tinig sa mga awit na kinanta niya sa dula (doon sa ensayo nila pa lamang).

Gustong-gusto ko ang “Sigaw Ng Pugadlawin” na eksena. Hindi kasi gano’n kabigat ang dating. Napakaganda ng choreography nila sa musical and dance number na ‘yun ng kanilang dula.

Pero maka-ilang beses din na halos ako’y maiyak, natangay sa mga malulungkot pero makapangyarihang musika na likha ni Pipo Zifra. Lalo na doon sa eksenang nahuli na si Andres Bonifacio at itinali, kinuha ang kanyang asawang si Gregoria de Jesus at ipinakita ang kalungkutan ng mga Katipunero.

Kakaiba rin ang opening scene ng dulang ito- tila “morbid” pero napaka-artistiko ng dating. Abangan ninyo, mamamangha ang lahat.

Napakagaling din nina Jordan Ladra, JM Encinas, Cindy Liper, Patrick Libao, Chin Ortega, ang mga baguhang sina Jayson Bulanhagui at Poul Garcia, Kevin Posadas, JV Cruz, JP Lopez, Junelyn Villareal, Monique Azerreda  at Chris Lim. Lahat naman ay talagang kay gagaling, pero ‘yung mga nabanggit ko sa itaas ay tunay na kay lalakas ng “stage presence”. Masasabi ko ngayon, malayo ang mararating ng mga ito bilang mga bituin ng teatro, basta ba huwag lang silang bibitiwan ni Mr. Vince Tanada.

Teka, makakalimutan ba namin ang napakaganda ring choreography na likha naman  ni John delos Santos? Hindi. Sa lahat yata ng dulang na-choreographed na ni John, tila dito siya inspired na inspired…

OO.

Sa mukha ni Vince, sa mukha ng mga Stagers, nakita namin ang lalim at ganda ng SINING. Dahil sa kakaiba nilang ipinamalas na kagalingan sa hapon na ‘yun, habang kapiling nila ako sa kanilang ginawang ensayo… Grabe. “Feel na feel ko”, nasabi ko pa sa aking sarili nu’ng mga oras na ‘yun.

Ang pakikipaglaban ni Andres Bonifacio ay muling mabubuhay sa bagong dula na ito- “Andres Bonifacio: Isang Zarzuela”. 

Naisip ko, tama nga si Bonifacio sa kanyang ginawang ‘pag-aalsa’ na naging napaka-importanteng Kabanata sa kasaysayan ng bansang Pilipinas (at naging isa rin sa mga sanhi para sa kalayaan ng ating mahal na bayan), dahil, hindi na baleng mamatay na lumalaban, kesa ang mamatay na walang KALABAN-LABAN.

 

 

sinulat ni robert manuguid silverio

 

ImageImageImageImageImage

One thought on “isang hapon, sa piling ng mga stagers ng psf para sa kanilang rehearsal sa “andres bonifacio: isang zarzuela”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s