VINCE TANADA IN “OTSO”!


vince: so sexy and daring in the movie "otso", but bloody and gruesome in his forthcoming play "bonifacio, isang zarzuela"
vince: so sexy and daring in the movie “otso”, but bloody and gruesome in his forthcoming play “bonifacio, isang zarzuela”
a dark hallway like this sends a media blogger to a feeling of 'deja vu'
a dark hallway like this sends a media blogger to a feeling of ‘deja vu’

Nu’ng bumisita ang blogger na ito almost a month ago sa shooting set ng pelikulang “Otso”, nakaramdam kami ng KAKAIBA. As in, kakaibang feeling.

IT WAS A FEELING OF ‘DEJA VU’.

Parang napuntahan na namin ang eight-storey-high na lumang apartment- building na pinagsyutingan nina papa Vince Tanada at direk Elwood Perez sa isang hidden area somewhere in Balic-Balic, Sampaloc.

Napaka-mysterious nu’ng apartment building na ‘yun- in texture, architectural design and grandeur. Tiyak namin sa aming sarili na nakita na namin ang kakaibang elevator na ‘yun na old-fashioned at may steel bars pa bago ka makapasok. Lumang elevator kasi. Tipong nu’ng panahon pa ng Hapon na klase ng elevator.
Pero hindi kami nagpahalata kina papa Vince at direk Elwood sa mga kakaibang naramdaman namin dahil baka masira ang ‘moods’ nila at ang flow ng shooting that day. But we’re sure na nakita na namin “somewhere in time” ang old apartment building na ‘yun na pinagsyutingan nila. Parang may nangyari na sa akin du’n….
Anyway, kaya maski ano’ng pilit ni papa Vince na mag-stay pa kami that day para panoorin pa ang mas magagandang eksena na isu-shoot daw nila, ay nagmadali na kaming nagpaalam kay papa Vince.
Lalo pa’t nu’ng malaman namin mismo kina papa Vince at direk Elwood na ang istorya ng pelikulang “Otso” ay ukol sa isang writer na nakakakita ng mga visions at kung anu-ano pang panaginip. Yay, tipong ART IMITATES LIFE!
Kaya fly na kami agad, pero parang ayaw kaming paalisin sa gusaling ‘yun dahil palabas na kami ay kung saan-saan pa kami napunta- HANGGANG SA BASEMENT ng gusaling ‘yun!
Buti na lamang at nakita namin ang production designerng pelikula na si Art Gabrentina at naituro niya sa blogger na ito ang tamang daan palabas ng gusali. Pero tunay ka, tumaas ng husto ang balahibo namin sa kakaibang nararamdaman namin nu’ng mga sandaling iyon! Parang nawalan kami ng “sense of time”…

Salamat na lamang  at nakalabas kami sa gusali na iyon ng matiwasay…

Back to papa Vince, susuportahan daw niya ng husto ang pelikulang pinagbibidahan niyang ito- ang “Otso” nga, once na maipalabas na ito sa All-Masters Film Fest sa darating na buwan ng Setyembre.

Marami rin ang nananabik na mapanood muli ang isang likha ng de-kalibreng direktor na si Elwood Perez (siya lamang ang may ‘license for art’ na makagawa ng mga pelikulang delikado ang tema pero tunay namang artistic ang dating) na naging pihikan sa paggawa ng mga pelikula. Na-challenge lang siya sa kakayahan ni papa Vince kaya itinuloy niya ang indie film project na ito.
Pero papa Vince at direk Elwood, huwag na huwag na ninyo akong pababalikin sa gusaling ‘yun, ha?
“TAKOT AKO, EH”.

 

 

words by robert manuguid silverio

 

8

2 thoughts on “VINCE TANADA IN “OTSO”!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s