q & a with chris lim- the “psf hearthrob”!


 

chris lim: theater actor & hearthrob
chris lim: theater actor & hearthrob
chris: 'papable'
chris: ‘papable’

 

Unang tingin pa lang ng blogger na ito kay Mr. Chris Lim, alam na naming puwedeng-puwede siyang maging artista. Iyan ang first impression namin sa kanya. We first met him a couple of years back sa isang “4-C” play ng PSF. And that impression was very lasting.

Pero nu’ng tumagal, naisip namin na dapat lang talagang sa mundo ng teatro mapabilang si Chris. With proper discipline and decorum, right atitude and good manners, tipong napaka-perfect niya para maging artista. Kasi, iba ang mundo ng showbiz world- magulo, scandalous at medyo ‘messy’. Samantalang si Chris ay napaka-‘straight’ na tao at napaka-edukado.

Maski ba sa tingin namin ay walang panama ang mga tulad nina Xian Lim at Enchong Dee sa kaguwapuhan at kagalingan niya sa pag-arte, mas mainam ngang sa mundo ng teatro siya pumaimbubulog. Dahil doon, tunay na artistikong mundo ang kabibilangan niya.

Chris was dubbed as – “The Hearthrob of PSF”. Kasi, sa tuwing may mga performances ang PSF (Philippine Stagers Foundation), ay siya ang tunay na tinitilian ng mga estudyante’t kabataan. Malakas ang presence niya onstage at may taglay siyang “kilig factor”, yun bang kikiligin ka sa kanya kapag umaarte na siya sa entablado.

Sa isang PSF event, nakapanayam namin ang hearthrob na ito. At heto ang amingmaikling  Q & A (Question & Answer interview) sa kanya:

 

Sip & Sip: I understand, isa ka sa pinakamatagal na miyembro ng PSF, am I right, Chris?

Chris: I am one of the founding members of PSF. I started way back 2002 pa. I was only 17 years old then when I started at PSF. Estudyante pa lang ako ni Vince Tanada noon. Second year college student pa lang ako sa San Beda College. Mula 2002 hanggang 2005, laging ako ang bida sa mga plays namin… Now, I am one of the marketing people ng PSF. And I both enjoy being a theater actor and a marketing person.

chris with his two schoolmates at san beda college (at left is vince tanada and at far right is their common schoolmate)
chris with his two schoolmates at san beda college (at left is vince tanada and at far right is their common schoolmate)

Sip & Sip:  Ano ang pinaka-favorite mo sa lahat ng ginawa mong plays sa PSF?

Chris: Ang pinaka-favorite ko in terms sa role na ginampanan ko ay ‘yung Moro. Ang bigat kasi ng naging papel ko du’n, very challenging. I played the role there of a soldier na nagkaroon ng conflicts with the Moros. Pero in terms naman du’n sa kagandahan ng play, pinakagusto ko ay ‘yung Namaste. In that play kasi, the musicality is very unique. At ang gaganda ng dances dun sa play na yun.

 

Sip & Sip: What is acting for you, Chris?

Chris: Acting, for me, is a privelege. Kaya every role na dumating sa akin ay pinag-aaralan ko ng husto. Hindi kasi lahat ay nabibigyan ng mga ganitong klase ng break as a theater actor. And I feel very lucky na isa ako sa nabigyan ng gano’ng privelege. I make a lot of research as an actor and I simply want to give the best to the audience, the best of me.

 

chris with his baby girl
chris with his baby girl
chris with wife adelle
chris with wife adelle

 

Sip & Sip: Last question, Chris. What’s the best thing that ever happened to you at PSF?

Chris: Aside from the great friendship I have now with Vince Tanada, I can say, dito ko nakilala sa PSF ang wife ko at dito rin nagmula ang baby girl namin ng wife ko. Ang tawag nga sa baby namin ay ‘PSF baby’ kasi witness ang buong PSF sa love story namin ng wife kong si Adelle. Yes, PSF has been a great part of my life!

 

Sip & Sip: Thank you, Chris.

Chris: Thank you very much, sir Robert.

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s