ISANG ANGHEL, ISANG MUSIKA… ISANG GRUPO NG MGA MAKA-SINING NA NILALANG, AT, ISANG PAKIKIPAGLABAN PARA SA KABUTIHAN!


ANGELXXXangel3ABGELS11ANGELS1ANGELS2ANGELS4ANGELS3ANGELS5ANGELS6ANGELS7ANGELS8ANGELS9ANGELS10ANGELS11ANGELS12ANGELS13cropped-soulmates2.jpg

 

Sa hinaba-haba ng aking paglalakbay,

minsan, nararamdaman kong parang ako’y napapagod na…

nahahapo, nahihimlay…

nagnanasang makapagpahinga na rin…

 

 

Pero,

kapag nakikita ko na ang araw, ang mga bituin…

ako’y muling sumisigla.

 

 

kapag naririnig ko ang tinig ng mga musmos na bata…

o ang marahang mga tinig ng mga nakakatanda…

ako’y bumabangon,

at muli, ako’y lumalaban.

 

 

Kahit papa’no, malayo na rin ang nilakbay ko…

ang kanang paa ko’y halos sumuko na…

nahihirapan na rin siya…

sa pabalik-balik na paglalakbay

mula sa mundo at mula sa kalawakan…

 

 

Nguni’t may mga kaluluwang nananatili…

mga anghel na gumagabay…

para sa pakikipaglaban, at,

para sa BUHAY.

 

 

Sa sining ay nakita niya

ang kanyang sarili

sa mga kabataan ay nasilip niya

ang

PAGASA.

 

 

Sa isang grupo ng mga maka-sining na tao,

ang kanyang mensahe ay maririnig,

ang kanyang mga pangarap ay matutupad…

 

 

At muli,

siya’y ngingiti.

 

 

Mula sa Itaas, siya’y aakapin at papalakpakan.

 

 

Kung mabilis mang naputol

ang sigla, ang saya, ang kislap

ng mga bituing dapat ay nariyan pa…

 

 

Kahit papa’no,

may isang ordinaryong NILALANG

na magmamahal pa rin sa kanila…

 

 

habambuhay.

 

 

O Diyos ko,

huwag mo po kaming pababayaan

bigyan pa po NINYO kami ng mga lakas…

 

 

Upang magpatuloy,

upang makipaglaban…

upang sa muli,

mapagtagumpayan namin

ang

iyong

KABUTIHAN.

 

 

Maaring sa ngayon,

sarado pa ang trangkahan

ng isang relihiyon

para sa dalawang nilalang…

 

 

Pero bukas,

sila’y muling papasok,

at

ang pinto’y muling magbubukas.

 

 

Malapit na malapit na…

 

 

O Kristo,

aming kaibigan,

aming tagapagligtas..

 

 

Salamat

at nariyan ka pa.

 

 

Sa iyong pagbabalik,

sa pagkakataong ito,

kami’y handa na.

UPANG AKAPIN  KA….

 

 

HABAMBUHAY.

 

 

mga salitang nailikha ni:

ROBERT MANUGUID SILVERIO

(naisulat sa petsang Marso 26, 2013)

 

MARAMING SALAMAT KINA GINOONG VINCE TANADA AT DARYL CAJUCOM, SA PAGPAPAUNLAK NILANG MAGAMIT ANG ESPESYAL NA VIDEO NG PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION SA INVOCATION NILA FOR THEIR 12TH SEASON  ENTITLED “PSF: AWIT NG PAGHAHANGAD” SA ITAAS. KONSEPTO NI GINOONG TANADA, AT VIDEOGRAPHY NI GINOONG  CAJUCOM.

 

Based on the 63rd Psalm, Awit ng Paghahangad (“Song of Longing”), is composed by one of the many prolific Filipino Jesuit composers, Fr. Charlie Cenzon, SJ.

 

 

3 thoughts on “ISANG ANGHEL, ISANG MUSIKA… ISANG GRUPO NG MGA MAKA-SINING NA NILALANG, AT, ISANG PAKIKIPAGLABAN PARA SA KABUTIHAN!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s