A GREAT, NEW SEASON FOR PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION!


 

Nagtataka ang blogger na ito (ako, si SIP & SIP), kung bakit sa tuwing may malaking event ang Philippine Stagers Foundation ay nae-excite siya to the max. Hindi siya nagdadalawang-isip, hindi siya nagi-inarte, hindi siya “acting with an attitude”, as so they say always to this blogger. Kasi siguro, alam niyang basta PSF, isang great artistic event ang dadaluhan niya. At totoo naman.

Marahil din, very sincere kasi si Attorney Vince Tanada sa tuwing iimbitahin niya ang Sip & Sip blogger na ito sa mga events nila. Hindi katulad ng mga major film studios o TV networks or other “theater P.R.’s” na parang sila pa ang dapat mong i-please kapag nag-iimbita. Nakakalokahhhh!

Anyway, last March 20 (Wednesday), damang-dama na naman ng blogger na ito ang KALULUWA NG SINING sa napakagandang event at show na ipinalabas ng PSF (Philippine Stagers Foundation) sa Pan Pacific Hotel, kung saan idinaos ang kanilang “culminating event” para sa kanilang Foundation Day at sa pagbubukas ng New Season (bale their 12th season) sa kanilang theater group.

It was entitled “PSF: Moving Furward On Its 12th Season!”

Yes, naka-twelve season na nga ang PSF. To date, ang PSF ang isa sa mga pinaka-successful na theater groups ng bansa, touring key cities all-over the Philippines and invading university/school campuses…. TO THE MAX!

Very ‘sozy’ ang ginanap na event. The Stagers were all so handsome and beautiful in their trendy outfits na “fur-inspired” motiff. Kakaloka, di ba? Eh, ang mahal-mahal ngayon ng cost ng mga “fur dresses” at minani-mani lang ng mga Stagers ang pagsusuot nu’n that night.

Unang bumungad sa amin ang kaguwapuhan ni Patrick Libao, na para sa blogger na ito, may pinaka-the best na suot na fur outfit that night. Although hindi man siya ang naboto naming “Male Stager Of The Night”, outstanding din si Patrick with his looks. Si Chris Hansen Lim, para sa blogger na ito, ang pinaka-guwapong Male Stager that night. Walang tatanggi! At pumapangatlo, siyempre, si direk Vince Tanada. Pang-apat naman ang low-key na si Daryl Cajucom.

Pero ang napiling Male Stager Of The Night ay si Patrick Libao. Female Stager Of  The Night naman si Cyndi Liper na super-glamorous-looking on that event. Nalamangan lang niya siguro ng one point si Miss Chin Ortega, na napakaganda rin ng gabing iyon at kahawig niya that night si Chinchin Guttierez (the ‘eccentric’ actress na nawawala na ngayon sa sirkulasyon).

Anyway, ang gaganda ng mga musical numbers na idinaos ng Stagers that night. Feeling namin ay nakapanood na naman kami ng isang great Musical Broadway play dahil sa grandyosang pagtatanghal ng mga Stagers na kay gagaling talaga! Ang motiff ng show nila that evening ay tipong “Footloose”. Fun, free, loosening it up! Kaya ang ganda!

Doon na rin idinaos that evening ang grand finals ng “PSF Idol”. Isa sa mga naging judges si Bart Guingona at ang napakabait na si Dr. Luzruth Almeda, the daughter of the distinguished Mrs. Luz Almeda, ang DepEd regional director for northern Mindanao. Bale si Luzruth, isang doktora, ang nag-proxy sa mom niya sa great event na ito ng PSF. Naka-bonding agad ng blogger na ito si Dr. Almeda and she’s so warm and very sincere as a person!

Si Jordan Ladra ang nanalo at tinanghal na “PSF Idol 2013”, at tinalo niya sina Poul Garcia, JM Encinas, Patrick Libao, Kevin Posadas at ang nag-iisang girl na pumasok sa PSF Idol finals na si Jerie Sanchez. Very cool but igniting kasi ang naging performance ni Jordan, at na-captivate niya ang puso ng mga sentimental na judges when he sang the song “Ikaw”, popularized by Ariel Rivera in the l980’s.

Nagkaroon naman ng bagong IDOLO ang blogger na ito in person of one ditinguished guest that evening- si Mr. Michael Angelo, isang book author, ex-seminarian and now a Political Adviser. Grabe, ang galing magsalita ni Mr. Angelo, very thought-provoking, pero hinahaluan niya ng komedya ang mga words of wisdom na sinabi niya when he gave a brief speech that night. Oh, my! Mr. Angelo is the NEW PROPHET of Philippine society!

Isa rin sa mga naging V.I.P. guests ng PSF that evening ang beteranong direktor na si direk Elwood Perez. Aliw na aliw si direk Elwood sa panonood, especially du’n sa segment ng mga baklang Stagers, enacting the different characters of a gay beauty pageant contestant na na-execute nilang lahat sa isang “over-to-the-max” na mini-skit na katatawanan at kantahan!

Pinagbigyan naman ni direk Vince ang request ng blogger na ito na i-perform nila ang  medley of songs taken from the Broadway musical play  “Les Miserables”. Nung una kasi nilang i-perform ang medley na ‘yan sa PSF Studio nung kaarawan ng isang important marketing person ng PSF na si Mr. Jeffrey Ambrosio ay talagang napatulala ang blogger na ito sa kagalingan nila! Kaya hayun, maski wala sa programa nila that night na kantahin ang Les Miserables medley of songs ay napasubo na sila para mapasaya lamang ang blogger na ito. At tunay namang nakumpleto ang gabi ng lahat nang gawin nila yun!

Ang ganda nu’ng Invocation film clip/MTV na ipinakita ng PSF sa opening number nila that night. Parang photography stills na gumagalaw, in black & white. At ang batang si Gabby Bautista, the award-winning child actor of PSF, ang siyang nag-lead ng Invocation Prayer that night.

Hanga din kami sa naging speech ni Papa Vince that night. Parang “State of the Nation” address ng isang Presidente. Isa-isang dinetalye ni Vince ang mga naging acievements ng PSF for the past year at isa-isa rin niyang pinasalamatan ang mga taong nakatulong sa kanila- including Sip & Sip blog na pumili kina Vince at Jordan Ladra bilang dalawa sa “Sexiest & Hottest Guys of Philippine Showbiz in the year 2013”. O, di ba?

Pero ang highlight ng gabi ay ang pagri-reveal ng PSF, through two great musical and dance numbers, ng kanilang mga next na gagawin na mga musical plays sa PSF!

At ito ang “Pedro Calungsod” at “Bonifacio: Isang Zarzuela”.

Grabe ang teaser-musical na itinanghal nila sa Calungsod at Bonifacio. Nakakapanindig-balahibo. Ang gaganda ng costume.

Sina direk Vince at JM Encinas ang alternate na gaganap bilang Bonifacio at si Jordan Ladra naman bilang Pedro Calungsod. Ito ang dalawang play na gagawin nila sa next season ng PSF na ililibot all-over the Philippines and university/schools campuses.

(from sip & sip: Salamat naman at gagawin na ng PSF ang Pedro Calungsod play. Yung nauna kasing theater group, na isang unknown theater group,  at unang gumawa ng play sa ating second filipino Saint ay very low in quality. Samantalang nakuha nila ang serbisyo ng isang napakagaling na male singer to perform the role of the Saint, at na-deliver naman ng maganda nung singer, ang production notes ay napaka-poor naman. Imagine, ang gumanap na nanay ng Santo ay gumanap din sa apat pang magkakaibang papel all throughout the play version nung unknown theater group na iyon! Napakapangit tignan. Tiyak na hindi uulitin ng PSF ang pagkakamaling ito dahil sobra-sobra sa mga actors and actresses ang PSF. And with direk Vince’s brilliant and very creative mind, tiyak na mas magpupunyagi ang bagong version ng PSF in staging the life of our beloved Saint Pedro Calungsod.)***

Yes, PSF is MOVING FORWARD. And we’re glad to be a part of it!

Tama ba ako, papa Vince? Part na ba kami ng PSF??? Haha.

 

 

(words by robert manuguid silverio)

 

vince tanada with his baby son spidey at the psf event "moving furward" last march 20 at pan pacific hotel.
vince tanada with his baby son spidey at the psf event “moving furward” last march 20 at pan pacific hotel.
the finale number of PSF'ers last march 20 at pan pacific hotel- THE TEASERS OF 'BONIFACIO' AND 'PEDRO CALUNGSOD' MUSICAL PLAYS OF PSF FOR THIS COMING NEW SEASON!
the finale number of PSF’ers last march 20 at pan pacific hotel- THE TEASERS OF ‘BONIFACIO’ AND ‘PEDRO CALUNGSOD’ MUSICAL PLAYS OF PSF FOR THIS COMING NEW SEASON!
THE ANGELS... THE WARRIORS... THE THEATER PERFORMERS... THE PSF'ERS!
THE ANGELS… THE WARRIORS… THE THEATER PERFORMERS… THE PSF’ERS!
'the man'.
‘the man’.
'the man' with his sister-in-law, mrs. ana bautista.
‘the man’ with his sister-in-law, mrs. ana bautista.
'the man' and his baby son spidey...
‘the man’ and his baby son spidey…
from left to right: mike miranda, patrick libao who was voted as "male stager of the night", gabby bautista, ana bautista and mr. jordan ladra.
from left to right: mark miranda, patrick libao who was voted as “male stager of the night”, gabby bautista, ana bautista and mr. jordan ladra.
jm encinas, ana & mr. kevin posadas
jm encinas, ana & mr. kevin posadas
patrick, vince, ana, jordan, monique and jm.
patrick, vince, ana, jordan, monique and jm.
chris, art, john, vince, chin & patrick.
chris, art, john, vince, chin & patrick.
the psf'ers in a wacky shot!
the psf’ers in a wacky shot!
the new "idols" of the philippine theater scene!
the new “idols” of the philippine theater scene!
mr. poul garcia, a new stager.
mr. poul garcia, a new stager.
the very elegant and royal mrs. elaine tanada-coronel, poses with dr. luzruth almeda- one of the judges that evening at the "psf idol search".
the very elegant and royal mrs. elaine tanada-coronel, poses with dr. luzruth almeda- one of the judges that evening at the “psf idol search”.

psf22

the beauteous mom of vince tana-ms. tanada, poses with the tanada-coronel family.
the beauteous mom of vince tanada-mrs. tanada, poses with the tanada-coronel family.
ms. cyndi lIper- voted as FEMALE STAGER OF THE NIGHT.
ms. cyndi lIper- voted as FEMALE STAGER OF THE NIGHT.
MS. CHIN ORTEGA MADE A GOOD FIGHT TO STEAL THE "FEMALE STAGER OF THE NIGHT" AWAY FROM CYNDI LIPER, but unfortunately, she lost.
MS. CHIN ORTEGA MADE A GOOD FIGHT TO STEAL THE “FEMALE STAGER OF THE NIGHT” AWAY FROM CYNDI LIPER, but unfortunately, she lost.

MANY THANKS TO: MR. MARK MIRANDA of Mark Miranda Photography for the pictures above that this blogger grabbed without any authorization. Haha.

sip & sip🙂

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s