SI MON CONFIADO…- “ANG LALAKING NANGARAP MAGING NORA AUNOR!”

mon confiado will soon portray the character of direk celso ad castillo in the film "ang lalaking nangarap maging nora aunor".
mon confiado will soon portray the character of direk celso ad castillo in the film “ang lalaking nangarap maging nora aunor”.

Nabasa na ba ninyo ng tama ang nakasulat sa itaas? Oo, si Mon Confiado. At siya ang “lalaking nangarap maging isang Nora Aunor!”

Sorry, Mon. Maski ayaw pa kasi sanang ipasulat sa amin ni Mon ang balitang ‘yan, hindi namin matiis ang aming sarili na isulat na! Kay Mon namin mismo nalaman ‘yan. Accidentally namin siyang nakita sa screening ng “Boundary” film na idinirek ni Benito Bautista. Sa Edsa Shangrila ginanap ang screening and Mon saw this blogger in our lousiest dress outfit (with matching orange shirt and faded brown shorts. Oh, my)!

direk christopher ad castillo (son of the late celso ad castillo) will direct the film "ang lalaking nangarap maging nora aunor".
direk christopher ad castillo (son of the late celso ad castillo) will direct the film “ang lalaking nangarap maging nora aunor”.

Inimbita kami ni Mon na mag-coffee somewhere. We were both so excited sa mga magagandang kaganapan na nangyayari sa kanyang film career lately. Hanggang sa hindi na napigilan ni Mon ang kanyang sarili at nagwika ng ganito: “Robert, ako na ang LALAKING NANGARAP MAGING ISANG NORA AUNOR!”

What does he mean by this????

“Ang Lalaking Nangarap Maging Isang Nora Aunor” ay isa sa mga dream projects ng yumaong si direk Celso Ad Castillo. Noon pa niya nais maisa-pelikula ito. Marami na siyang napisil na mga artistang lalaki na gaganap dapat dito, including himself (direk Celso). Pero hayan, biglang si Mon na! At sino naman kaya ang magdidirek???

“Walang iba kundi si Christopher Ad Castillo, ang anak ni yumaong direk Celso”, sey ni Mon sa blogger na ito. “Magpapataba na nga ako para magmukhang chubby dahil chubby si direk, di ba? Sa istorya, si direk Celso pala mismo ang ‘lalaking nangarap na maging isang Nora Aunor’! Semi-autobiographical pala yung film! At gusto ni direk Chris, ako ang gaganap sa role na ‘yun!”

"magpapataba ako!", sabi ni mon sa blogger na ito para maging kamukha niya ang yumaong si direk celso ad castillo.
“magpapataba ako!”, sabi ni mon sa blogger na ito para maging kamukha niya ang yumaong si direk celso ad castillo.

Pang-award ang pelikulang ito! For sure, dito na mananalo muli ng acting award si Mon! At excited din siyang makatrabaho si Christopher Ad Castillo na isa sa mga kababata niya sa industriya. Halos sabay sila ni Chris na lumaki dahil pareho silang anak ng mga kilalang tao sa industriya (Mon is the son of veteran character actor Angel  Confiado na yumao na).

Mon Confiado, Ang Lalaking Nangarap Maging Nora Aunor!

SOON.

"ang lalaking nangarap maging nora aunor" is the late celso ad castillo's dream project.
“ang lalaking nangarap maging nora aunor” is the late celso ad castillo’s dream project.
young nora aunor: film icon.
young nora aunor: film icon.

//

top ten movies of director elwood perez (sip & sip’s own personal choices)

elwood perez "modernized" the philippine cinema. one of the "twelve masters" of great filipino filmakers!
elwood perez “modernized” the philippine cinema. one of the “twelve masters” of great filipino filmakers!

This blogger (sip & sip) accidentally bumped with great filipino film director, in person of director Elwood Perez in one screening of an  UGLY Cinema One Fest film entry we don’t want to remember anymore… Tawa nga ng tawa si direk Elwood nu’ng pintasan namin at laitin namin to death ang napakapangit na film entry na ‘yun na pinagtatakahan namin kung bakit nanalo pa ng isang very important major award sa nasabing festival. Buti na lang at naro’n si direk Elwoon nu’ng araw na ‘yun at medyo nahimasmasan kami sa pagka-inis sa panonood ng nasabing pangit na film entry. Hahahay!!!

But back to direk Elwood, isa siya sa mga hinahangaan at tinitingala naming filipino film director. Mapili siya sa mga proyekto kaya naman up to this time ay hindi pa siya gumagawa ulit ng pelikula. Ang huling movie niya ay ‘yung “Lupe: A Seaman’s Wife” which was made 2003 pa!

Pinag-iisipan pa ni direk Elwood hanggang ngayon kung sasali siya sa Twelve Masters Film Festival ng Film Development Council. Ayaw pa niyang mag-commit totally, pero malaki ang chances na sumali siya. Kabilang din sana dito ang yumaong si direk Celso Ad Castillo. Naka-allot na ang milyones na budget para sa Twelve Masters ng Philippine Cinema sa festival na ito.

Inamin ni direk Elwood sa blogger na ito na medyo hindi maganda ang kondisyon ng kanyang kalusugan these days. “But who knows, I will be back to my good health in due time, we can never tell!”, sey pa ni direk Elwood.

Mukha namang malusog si direk nung makita namin siya, eh. And his lively character always uplifted us.

Heto ngayon ang aming personal choices of direk Elwood’s greatest films. Personal choices namin ito at huwag sanang kuwestiyunin ng iba, okey?

TOP TEN MOVIES OF DIREK ELWOOD PEREZ

(sip & sip’s personal choices):

1. Masarap, Masakit Ang Umibig

2.) Masikip, Maluwang… Paraisong Parisukat

3.) Nakawin Natin Ang Bawat Sandali

4.) Pakawalan Mo Ako

5.) Silip

6.) Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit

7.) Miracle Of Love

8.)  Ibulong Mo Sa Diyos

9.) Puri

10.) Mahal Mo, Mahal Ko

(I-research ninyo na lang sa Google.Com o sa link na ito: http://www.imdb.com/name/nm0702131/

ang complete cast and other details sa mga movies na listed sa blogpost/entry namin na ito kay direk Elwood.— sip & sip 🙂 … )

Filmography of director ELWOOD PEREZ