paalam, direk celso!

CELSO2CELSO

Tatlong dakilang direktor na ang LUMISAN…

SI ABAYA, SI O’HARA, AT IKAW, DIREK CELSO!

Minsan, nagtatanong ako, bakit kailangang mangyari ito?

Bakit kailangan pa nilang mawala?

Silang mga haligi ng pelikulang lokal?…

 

Pinipilit ko lang maging masaya, direk..

Pinipilit ko pa ring lumaban…

Ang humarap sa BUHAY ng buong tapang.

 

Pero, direk.

Umiiyak din ako. Ng patago.

Ang dami mo pa sanang magagawa, direk.

Bakit ganun?

 

Paalam, direk Celso.

Sana’y maalala ka pa rin sa tuwina ng mga taong nakatrabaho mo sa mundo ng pelikula.

Sana, ipagdasal nila sa tuwina ang iyong kaluluwa.

 

Bukas ay ike-cremate ka na sa Loyola Memorial Chapels  sa may Commonwealth Avenue, Q.C.

Hindi na po ako makakapunta, direk.

Pasensya na po.

But definitely, in a not so distant time,

we’ll see each other again…

 

Hindi kita malilimutan, direk.

PAALAM. 😦

 

mga salita ng pamamaalam ni: robert manuguid silverio

eyes