maria isabel lopez: pinag-aagawan ng dos at siyete?


Miss Maribel Lopez in a Victor Miller gown which she wore in Busan Int’l Filmfest.

maribel lopez beside the giant streamer of the recently-concluded Busan International Filmfest in Korea.

Ang mga established at veteran actors and actresses na tulad ni Maria Isabel Lopez ay hindi na dapat pa ini-involve sa ONGOING BATTLE OF THE NETWORK GIANTS.

Kasi, hindi naman “fan-based” ang popularity nila, meaning, hindi na naman sila mga youngstars at hindi sila sa mga fans umaasa ng kasikatan nila.

The likes of Maribel, and other veteran stars have made a NAME of their own through the years. Malayo na ang nalakbay nila sa mundo ng entertainment scene. Kaya, sa on-going “war” ng mga network giants na tulad ng channel 2, channel 7 at channel 5- huwag naman sana silang madamay pa. They are here to support the entertainment sene- not to create more ‘havoc’.

Kaya naman natutuwa si Maribel na hindi siya dinadamay ng channel 2 at channel 7 sa mga intrigahan at kumpitensyahan. In fact, pareho siyang kinukuha ng mga ito. At pinag-aagawan!

Sa channel 2, muling binuhay ang namatay na sanang karakter ni Maribel sa TV teleseryeng “Kung Ako’y Iiwan Mo”, na kung saan ay kasama niya sina Jake Cuenca, Shaina Magdayao at Bangs Garcia.

Maribel Lopez is included in this great poster of “Magdalena”, a TV series by channel 7.

Sa channel 7 naman, very meaty and important din ang role niya sa teleseryeng “Magdalena (Anghel Sa Putikan)” na kung saan ay kasama naman niya sina Bela Padilla, Dion Ignacio at Ryan Eigenmann.

“I both love and support ABS-CBN channel 2 and GMA-7”, tanging nasabi na lamang ni Maribel sa blogger na ito via cellular phone call. “What’s happening is a healthy competition. We should all move forward and not backwards, di ba?”

maribel as a “queen of wasteland”/ character-type in her latest indie film- “Mariposa Sa Hawla Ng Gabi”.

May ginawa ring isang indie film si Maribel para sa Cinema One Originals Digital Filmfest this coming November na idaraos sa Edsa Plaza Shangrila Cinemas. Ito ang “Mariposa sa hawla Ng Gabi”, sa direksyon ni Richard Somes at pinagbibidahan ni Erich Gonzales, kasama sina Alfred Vargas, Mon Confiado at John Lapus.

Go, go, go, Mama Maribel!

 

words by robert manuguid silverio