rita avila, malamang na makadalo sa april 17 first year death anniversary mass for aj perez (r.i.p.)…

miss rita avila will never forget AJ PEREZ (r.i.p.)

Isa si Rita Avila sa mga artistang huling nakasama ng late actor na si AJ Perez (r.i.p.) bago siya yumao last year. Ang huling teleseryeng ginawa ni AJ Perez, ‘yung “Sabel”, isa si Rita sa cast doon. Kaya naman nung mamatay si AJ, isa rin si Rita sa mga nagdalamhati talaga para sa young actor. Kaibigan rin kasi ni Rita ang mommy ni AJ na si Mrs. Maria Victoria Sarte Perez. Up to this point, nagte-text-text sa isa’t-isa sina Rita at Mrs. Perez.

all of aj's closest friends in showbiz and out of showbiz will celebrate a mass for him on april 17 at la salle greenhills chapel...
"it's been a year almost now, aj... and we miss you more than ever."--- from a friend.

The two women could relate kasi to each other dahil pareho na silang nawalan ng anak. Si Rita, namatayan ng baby son almost 6 years ago but she’s okey na naman now. At si Mrs. Perez, definitely, dahil one year pa lamang nawawala si AJ, siyempre’y napaka-sariwa pa ng mga sugat na iniwan sa kanya ng pagkawala ng napakabait niyang anak.

“AJ was really a very, very good son”, Rita attested to this blogger. “A very, very good person! Napakabait daw talagang bata ni AJ. Naikuwento pa sa akin ni Mrs. Perez, si AJ pala, hindi umaalis ng bahay iyan without praying first, making a sign of the cross, and making paalam muna to his mom and dad. Napakabait daw talaga! Kaya we really miss him!”

Kaya Rita promised to this blogger na dadalo siya sa April 17 first year death anniversary mass of AJ na gaganapin sa National Shrine of the Divine Child Chapel sa La Salle Greenhills. For sure, other celebrity close friends of AJ will all be there, too.

Ngayon pa lang nga ay naiiyak na si Rita, kasi, bigla din niyang naaalala lately ang baby son niyang si Jesu na namatay when he was only three weeks old.

“Minsan, nanonood ako ng TV, pinapanood ko ‘yung ‘E-Boy’ na kung saan ang direktor ay ang asawa ko”, kuwento pa ni Rita sa blogger na ito. “May isang eksena doon na nakahiga si Agot Isidro at nawalan siya ng malay-tao, inakap siya ni Bugoy Carino, yung batang E-Boy. Bigla na lamang akong umiyak ng umiyak sa scene na iyon. Maybe yung pagiging isang ina ko rin, nakaka-relate sa ganung eksena.”

rita with hubby, direk fm reyes.

At kung patapos na in a couple of days ang E-Boy, ang teleseryeng namang sinalihan ni Rita- ang teleseryeng Walang Hanggan, ay mage-extend pa until September of 2012 (na malamang na umabot pa ng December). Masayang-masaya si Rita sa pangyayaring ito.  And since the soap has been extended, hindi alam ni Rita what changes will happen because fresh na fresh pa ang news na ito.

“Pero natutuwa ako dahil I am really a mabait na tao here”, dugtong na sabi ni Rita. “I am not a contravida in this teleserye. Akala ng iba, kontrabida na naman ako dito. Na yung pagiging mabait ko sa umpisa, put-on lang at sa ending ay magiging masama ako…

“No, mabait talaga ako dito hanggang sa pagtatapos ng karakter ko”, dugtong niya. “They just have to wait and  see what will happen to my chracter here. Para surprise. But definitely, I won’t turn evil. I will do something that will change the plot of this teleserye.”

At para kay Rita, good breaker yung mag-portray naman siya this time ng mabait na karakter. Natatakot na rin kasi siyang mag-portray ng isang salbaheng character, eh.

“Baka marami na ang magalit sa akin. Haha”, sey ni Rita. “Kaya natatakot na akong mag-portray ng kontrabida. Some of my fellow stars, minsan, pinapalo daw sila ng mga tao kapag nakikita sila. Kasi, nag-portray sila ng salbahe. Si Gardo Versoza, minsan, inabangan siya talaga sa labas, pati sasakyan niya, dahil sa isang role na salbahe siya. Akala talaga nila, salbahe ka nga. Eh, you just portrayed a role.”

Kaya nga tuwang-tuwa si Rita nung malaman niyang “all-out na mabait” ang role niya sa Walang Hanggan.

“Ako ang magiging dahilan kung bakit mapu-fulfill ang isang pangako”, pagtatapos na wika ni Rita.

words by robert manuguid silverio

isang napakaganda at nakakapanindig-balahibong eksena sa teleseryeng “walang hanggan”…

'walang hanggan": a great gathering of the finest actors and actresses of the philippine TV world.
miss rita avila: the "lucky charm" of WALANG HANGGAN!

FOREWORD FROM SIP & SIP:

People directly involved in the teleserye “Walang Hanggan”, including Miss Rita Avila, have confirmed to this blogger that indeed, the show will be extended until September and have big chances to run until December of 2012.

The production staff of this beautiful teleserye have requested the cast to “block-off” their schedules until the month of December- meaning, not to accept any other rival teleseryes until the end of the year.

On the set of their taping, the cast were so happy and rejoicing of the great news. Most of all, the production staff and crew. They will be having a little party very soon at the Republique in Resorts World to celebrate this wonderful development of the show’s success.

Miss Arlene Muhlach (who’s among the cast) and of course, Miss Rita Avila, attributed the great succes of their teleserye to the positive energy and great camaraderie of all the people behind the teleserye. They both promised to this blogger that the more they will do better in the future episodes of “Walang Hanggan!”

To all the people behind “Walang Hanggan”, our congratulations!

sip & sip 🙂

Bibihira na lamang kaming makasaksi ng ganitong “rare opportunities” in Philippine Television. Kaya naman napakasuwerte namin (this blogger- sip & sip 🙂 …) at nasaksihan pa namin ng “live” ang isang napakaganda at nakakapanindig-balahibong eksena sa teleseryeng WALANG HANGGAN.

Isang matiwasay na umaga iyon sa location taping ng nabanggit na teleserye sa may Valley Golf, Antipolo, Rizal. At talaga namang tunay kaming na-excite sa unang eksenang kinunan nu’ng araw na iyon, pero naging napaka-“powerful” ng dating sa blogger na ito “in terms of the wide range of emotions” that the actor and the two great actresses who were all involved in that scene, showed.

Very delicate kasi yung kinukunang eksena nu’ng mga sandaling iyon. Madaming ‘reaction shots” na kinailangan ang direktorang si Trina Dayrit. Napakalalim ng mga emosyon. Napaka-intense ng mga  ‘feelings’. Pero nakuha exactly ng mga artistang nagsiganap ang akmang-akmang mga emosyon na kinailangan dun sa eksena.

Wala kaming masabi. Tunay na mga de-kalibreng artista. Kay gagaling!

Naroon ang blogger na ito sa isang sulok ng magarbong kusina ng isang mansyon sa may Valley Golf at nagmamatyag sa kinukunang eksena. Doon lamang ay nadama na namin ang “powerful” scene na iyon. Pero nung makita ng aming kaibigang aktres na si Rita Avila na nahihirapan kaming manood dun sa isang sulok dahil sa mainit at maraming tao, pinasamahan niya kami sa kanyang personal assistant na manood ng eksenang kinukunan doon sa may “monitor” room. At naging mas kampante pa kami doon. Salamat sa kaibigan naming aktres….

Doon namin nakita ang mga ‘close-up shots’ ng mga artistang kinukunan ng sandaling iyon. Ang mga nuances nila, ang pagkilos ng mga mata, ang mga emosyong pinapahayag nila without even speaking a word…

ANG EKSENA:

Nasa kusina sina Miss Susan Roces at Richard Gomez at nag-uusap ng masinsinan at palihim. Taglay at nalalaman  ni Miss Roces ang isang lihim na itinatago ng karakter ni Richard. Medyo may takot ang damdamin nila at baka biglang may makarinig at dumating, kaya mailap ang kanilang mga pananalita…

Napakalalim ng atake nina Miss Roces at Richard sa eksenang yun. Kuhang-kuha nila ang overflowing of emotions. Sa bawat bigkas ng mga pananalita ni Miss Roces, simple pero malalim, ay tutusok sa iyong damdamin…

miss rita avila: subtlety, restraint, deep sense of acting style...

At sa gitna ng pag-uusap nila, biglang papasok sa kusina si Miss Rita Avila. Very subtle ang style of acting ni Miss Avila, pero damang-dama mo. Halos mahuli niya sa akto ang “lihim” nina Miss Roces at Richard. Pero makikita sa emosyon ng mukha ni Rita na nagma-maangmangan lang siya. Napakagaling! Simple ang atake pero powerful to the max!

Bago kasi pumasok sa eksena si Rita, lumapit na sa kanya ang direktorang si Trina Dayrit at nagwika ng ganito: “Rita, this is a very important scene sa climax ng role mo dito sa teleseryeng ito. Sa eksenang ito, unti-unti mo nang matutuklasan ang lihim nina Susan Roces at Richard Gomez na itinatago sa iyo. You must show in your emotions a mixture of great pains, discovery and fear”.

Kaya naman ready na si Miss Rita Avila bago pa man pumasok ang karakter niya sa eksenang yun na ‘nagtatago’ sa kanya sina Miss Susan Roces at Richard Gomez. Mabubulabog ng husto ang dalawa!

Ano kaya ang “lihim” nina Miss Susan Roces at Richard Gomez sa teleseryeng WALANG HANGGAN?

At ano kaya ang rebelasyong ipakikita ng karakter ni Miss Rita Avila sa teleseryeng ito- na ayon sa mga inside sources ng programa- WILL CHANGE THE CINEMATIC PLOT OF “WALANG HANGGAN”?

ABANGAN!

words by robert manuguid silverio

miss rita avila in one great scene with ms. susan roces and richard gomez in "walang hanggan"...
cast of "walang hanggan".