SIP & SIP’s TOP 14 BEST-DRESSED MALE CELEBRITIES FOR 2011!


free counters

Kung ang mga babae ay nagbigay ng mga alindog, kaartehan, kasabikan at kahali-halinang pagtawag sa tunay na kahulugan ng salitang KAGANDAHAN, ang mga lalaking ito naman na napili ko sa aking TOP 15 BEST-DRESSED MALE CELEBRITIES FOR 2011 ay nagbigay kakisigan, kagitingan at isang mas malalim na kahulugan sa salitang GLAMOUR.

Hindi tulad ng mga babae, ang mga lalaki ay simple lang kung manamit kaya mas mahirap silang piliin. Pero makikita mo yung mga mangunguna sa galing ng pananamit dahil sa kanilang mahusay na pagdadala sa kanilang kasuotan. Sila’y nakita ko sa mga iba’t-ibang showbiz functions and events, dili kaya’y nakasama o nakapanayam. Yung ilan na talagang outstanding ay sa mga larawan o telebisyon ko lamang nakita, pero nag-iwan pa rin ng kakaibang marka.

Sa pagtatapos ng taong 2011, sila ang aking personal choices. Nagbigay sila ng ibayong kinang sa mundo ng glittering showbiz world. Hinangaan ng mga tao, sinamba ng mga fans.

Paalala: Sila ay sarili lamang naming choices, not to be contested by anyone. Salamat.

sip & sip 🙂

So, here’s my list:

This slideshow requires JavaScript.

gerald.

1.) GERALD ANDERSON- Napanood namin accidentally sa telebisyon si Gerald, sa isang episode ng daily teleserye niyang “Budoy” sa channel 2. Ang eksena ay nasa isang ball sila ng kanyang ka-partner na babae at nagsasayaw sila. Gerald was so enigmatic and powerful in that scene! And the way he carried his white Tuxedo outfit was so manly and elegant. Kung paano na-combine ni Gerald ang pagiging so well-dressed and poised, and at the same time, portraying an autistic character in that scene really amazed this blogger. With that, he landed on our number one slot as the best-dressed male celebrity!

borgy with gf georgina.

2.) BORGY MANOTOC – He’s tall, slim, so sexy. The perfect male body figure to be a great male-dresser. At hindi naman niya sinayang ang kanyang good physical attributes dahil tunay namang kay galing niyang manamit. Lahat ng isuot niya ay “branded”. Siyempre, he can afford naman. Mapa-casual, sporty or formal- Borgy looks so good.

senator trillanes

3.) SENATOR ANTONIO TRILLANES- Naku, halos mapatili kami sa dalawang pagkakataon na nakasalubong namin sa Senate office si Senator Antonio Trillanes. Kung bakit ba naman lagi kaming pinagtatagpo ng tadhana everytime na pupunta kami sa Senado, ha. Una, nakasabay namin siya sa elevator and we managed to look closely on his so handsome face and gorgeous physicality. Panagalawa, sa lobby ng third floor sa mga offices ng mga Senators sa Senate House. Nakakaloka! Tunay namang carry na carry niya ang black American coat and tie na suot niya palagi. A perfect dresser. This former soldier will rock you high!

christian.

4.) CHRISTIAN BAUTISTA- The best si Christian kapag naka-formal wear. Very dignified and so manly. Kaya naman inaabangan namin sa tuwina ang mga sinusuot na formal wear ni Christian coz he’s such a best-dressed man. Tipong royalty ang dating niya kapag nakasuot ng pormal!

lance with lea salonga.

5.) LANCE RAYMUNDO – Landing on our top 5th position is no less than Lance. In our entire life, ngayon lang kami nakakita ng isang male filipino celebrity na very outstanding ang dating kapag nakasuot ng puting polo shirt! Everytime Lance wear a set of white long-sleeved polo shirt at baback-up-an niya ng white pants- OH MY!! Super to the max talaga ang kaguwapuhan niya. In two separate occasions ay nakita namin ng personal si Lance na nakasuot ng white attire. Una, sa isang press conference ng isang indie film niya at pangalawa, sa isang mall performance niya promoting his song “Fatanas”. Kulang na lang ay halikan namin sa labi si Lance sa sobrang kaguwapuhan niya!!!

jake.

6.) JAKE CUENCA- Nakasama namin this year si Jake sa series of mall tours niya promoting a film niya sa regal Films- yung “My neighbor’s Wife” which was shown middle of this year. Sa more than twice na nakasama namin siya sa mga mall events na yun, he left a deep impression to this writer with the way he carries his clothes. Ang galing-galing niyang manamit in rugged clothes. Lalo na kapag naka-maong siya na tight-fitting at bakat na bakat ang bilugan niyang mga hita at napakatambok ng “bulge” niya sa kanyang harapan. Hehehe… Sorry for my words, I simply want to entertain my readers. Haaaayyyyyy……..!

oyo with wife kristine.

7.) OYO BOY SOTTO – This young husband of Kristine Hermosa surely is a great dresser! No words could best describe how he carries his himself so well in all the public events he attended this year. Mapa-fomal o rugged- GRABE!!! At napaka-outstanding niya sa Star Magic Ball 2011 habang ine-escortan ang wife niyang si Kristine. So delicious!!!

senator revilla, jr.

8.) SENATOR RAMON ‘BONG’ REVILLA, JR. – Nung birthday bash this year ni Senator Bong Revilla namin siya napansin ng husto sa galing ng pagdadala ng damit. Naka-apat na palit kasi ng suot nu’ng birthday niya na ginanap sa Diamond Hotel a couple of months back. Una, naka-American coat and tie siya, then, nagpalit siya ng polo shirt, then t-shirt, then polo shirt again. At sa lahat ng sinuot niya, napa-wow kami sa kanyang kakisigan!

jm

9.) JM DE GUZMAN- Gustong-gusto naman namin ang sinuot ni JM na casual wear sa premiere night ng indie film niyang “Ang Babae Sa Septic Tank” sa Cinemalaya 2011, na ginanap sa Cultural Center of the Philippines main interior lobby grounds. Nagkaroon ng mini-stampede that night sa loob mismo ng CCP, and take note, JM never left us that night maski dinudumog na siya ng mga fans niya…Hayyyyyyyyyy…..!

boy

10.) BOY ABUNDA- Mawawala ba sa aming listahan si Boy Abunda, ang batikang TV host and Ladlad Senior Adviser. Nope, definitely not! Consistent si Kuya Boy sa pananamit ng maganda all-throughout this year, especially yung sinuot niyang black outfit with matching black cap sa anniversary ng Ladlad partylist na ginanap sa isang five-star hotel in Ortigas Avenue. Ang pagiging slim din ni Kuya Boy, not looking like a heavy man, added appeal on his nice personality.

jr

11.) JR EUGENIO- Wala pa sigurong nakakapansin kung gaano kaganda magdala ng damit ni JR. Yung pagiging tall, fit and sexy niya ay maihahambing kay Borgy Manotoc. Pero si JR, may sariling style. Kasi ay mas broad ang shoulders niya compared to Borgy. With that, mas iba ang dating ng kanyang pananamit. Napakagandang tignan ni JR kapag naka-coat and tie. What a man!

vhong.

12.) VHONG NAVARRO- Maski ano’ng ignore ang gawin namin dito kay Vhong, napapansin at napapansin pa rin namin ang kanyang magaling na pagdadala ng damit. Lalo na yung sinuot niyang very trendy black jersey coat and tight-fitting pants sa Star Magic Ball 2011, for us, he’s the best-dressed guy that night, ha. Maski sa noontime show niyang “Showtime”, ang galing ng mga suot niyang rugged clothes. Indeed, a star!

ian.

13.) IAN BATHERSON- Nakita namin ng personal itong si Ian Batherson sa launching ng Black Book ng GMA Artist Center sa may Resorts World. He was wearing then a very nice formal wear na siyang nagpa-attract sa blogger na ito para lapitan siya. He looked like an angel.

victor.

14.) VICTOR ALIWALAS- Victor was wearing a very simple shirt while we interviewed him in a fabulous Thai restaurant in The Fort. Pero we couldn’t understand why he managed to look so good on that very simple beige-colored shirt! So amazing! His very masculine upper torso is perfect for every kind of shirt. Definitely, the best man to look at!

One thought on “SIP & SIP’s TOP 14 BEST-DRESSED MALE CELEBRITIES FOR 2011!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s