my most memorable scene in a filipino film (#2): the ending scene of “ganito kami noon, paano kayo ngayon”


free counters

A YOUNGER CHRISTOPHER DE LEON: HE WAS SO MEMORABLE IN THE MOVIE "GANITO KAMI NOON, PAANO KAYO NGAYON".
A YOUNGER MISS GLORIA DIAZ: FORMER MISS UNIVERSE BUT BECAME A GREAT MOVIE ACTRESS, ESPECIALLY IN THE FILM "GANITO KAMI NOON, PAANO KAYO NGAYON".

Bata pa kami noon. Lagi kaming isinasama ng amin mabait na ina para manood ng sine sa Cubao. Naka-shorts pa ako at nasa elementaryang palapag pa ng edukasyon. Isang araw, isinama muli niya ako na manood ng sine. Ang palabas: “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon”- isa sa pinaka-dakilang obra maestra na napanood ko bilang isang ordinaryong taga-tangkilik ng Pelikulang Pilipino.
Hindi ko alam noon na masasaksihan ko ang isang klasikong pelikula. Bata pa ako noon, pero damang-dama ko na ang bawat eksena at bawat mensaheng ipinalahad ng direktor ng pelikula na si Eddie Romero. Gandang-ganda ako sa bawat eksena, maski na ang kasama kong ina. Nagandahan kaming pareho. Lagi kasing may “passes” ang ina ko sa mga pelikulang lokal noon. Binibigyan siya ng aking ama na nagtatrabaho noon bilang Managing Editor ng isang komiks-magasin. Kaya nagsasawa kami ng aking ina sa kakapanood ng sine…
Sa pelikulang “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon” ko unang naramdaman ang pagiging isang Pilipino, isang tunay na Pilipino. Usong-uso na kasi noon ang mga imported goods, mga banyagang tugtugin at mga impluwensiya ng Kano. At magmula nung mapanood ko ang nabanggit na pelikula, nagbago ako.
Para akong dinala sa isang “time tunnel” at ibinalik ako ng panahon sa lumang Pilipinas na napanood ko sa pelikula. Nakita ko ang mga kaluluwa ng mga tunay na Pilipino, tumusok sa aking damdamin ang bawat karakter na ginampanan ng ubod ng galing nina Christopher de Leon, Gloria Diaz, Eddie Garcia at iba pang mga kasali sa pelikula.
Noong bata pa ako, galit din ako sa mga Intsik at inis ako sa kanila. Pero ipinakita sa pelikulang “Ganito Kami Noon…” na ang mga Intsik pala ay tunay na kaibigan ng mga Pilipino. Na hindi lang sila tahasang lumalantad, pero nagmamalasakit din sila sa kapakanan ng bawat Pilipino. Dito ako nagbago ng aking pananaw sa mga Intsik, at hindi ko alam, nu’ng nagbibinata na ako, nagkaroon nga ako ng mga kaibigang mga Intsik na nagpasilong sa akin sa tuwing ako ay maglalayas ng bahay…
Kaya napaka-personal sa akin ng pelikulang ito…

Kuhang-kuha ni Boyet de Leon ang karakter na si “Kulas” na isang tila-tangang Pilipino- tanga sa pagmamahal at sa tunay na pakikipaglaban para sa sarili niya- pero… MATAPANG HUMARAP SA MGA PAGSUBOK NG BUHAY. KILALA ANG SARILI. MATATAG. MABAIT. MAPAGBIGAY. IYAN ANG TUNAY NA PILIPINO!
Ipinakita rin sa pelikula ang pagbabago ng mga kababaihang Pilipina na mas pinaiiral ang utak keysa puso, handang magsakrispisyo para sa ikabubuti ng lahat.Siya si “Diding” sa pelikula na ginampanan iyon ng buong husay ni Miss Gloria Diaz sa pelikula.
At sa “ending scene” ng pelikula nagmarka sa amin ang PANGALAWANG MOST MEMORABLE SCENE IN A FILIPINO FILM para sa blogger na ito:
Ang eksena sa bandang huli ng pelikula na naglalakad ang karakter ni Boyet de Leon na tila walang pupuntahan. Makakasalubong niya ang mga batang nagtatrabaho sa isang bukid at nagtanong sa kanya: “Ano po ba tayo, ginoo? Sino po ba tayo?”
Ngumiti si Boyet… at nalaman niya ang kasagutan, sabay sabing:
“Pilipino… Tayong lahat ay Pilipino!”

At tumulo na ang luha sa aming mga mata. Kasabay ng isang luha ng pagkatuklas.
Oo, tayo nga ay Pilipino.
Hindi Kano.
Hindi Intsik.
Hindi hapon…
kundi isang Pilipino!

MGA LUMANG LARAWAN NG PELIKULANG “GANITO KAMI NOON, PAANO KAYO NGAYON”:

MISS GLORIA DIAZ AND CHRISTOPHER DE LEON IN THE CLASSIC FILIPINO FILM: "GANITO KAMI NOON, PAANO KAYO NGAYON".

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s