DEREK RAMSAY & ANGELICA PANGANIBAN: MAY MGA TAO NGA BANG GUSTO SILANG PABAGSAKIN?


free counters

derek: all for the love of angelica.
angelica: no intrigues can put her down

Written By

RINO FERNAN SILVERIO

Tatlong taon na ang itinatagal ng relasyong Derek Ramsay at Angelica panganiban. pero ang ipinagtataka ng dalawa, lalo na itong si Angelica, hindi na nilubayan ng intriga ang kanilang pagsasama.Mula nang maging mag-on sila nung 2006, lahat na yata ng klase ng intriga, kontrobersya, tsismis at kung anu-anong espekulasyon at akusasyon, ipinukol na sa kanila. Like, sobrang ‘chickboy’ raw itong si Derek na kahit saan magpunta, mapalayo lang kay Angelica ng isang araw, pagiging chickboy kaagad ang inaatupag.
Tulad nung magtungo ito ng Dumaguete para mag-recruit ng player ng Frisbies team na ino-organize niya, may babae raw na sumalubong sa kanya roon at nag-check-in na kasama niya sa hotel. Ngayon, sila naman ni Erich Gonzales na naging kapareha niya sa teleseryeng “Magkaribal” noon at sa indie film na “Corazon” na nai-shooting na nila- sila naman ngayon ang naiintriga. Na kesyo sina Derek at Erich na daw ngayon! Na diumano, without Angelica’s knowledge, may lihim na relasyong namamagitan na raw between Erich and Derek. to the point na ipinakilala na raw ni Derek itong si Erich sa kanyang ina. At hindi lang ‘yun…
May umiikot pang tsismis na itong si Derek ay may sex video at may sakit na cancer. Ano ba ang katotohanan sa mga isyung ito?
Sabi ni Derek: “Actually, the only thing that most affected me is the cancer issue. Not because dahil sa akin, kasi alam ko naman na wala akong cancer. Nu’ng napabalita ‘yan, nabigla ako dahil sa tatlong ‘Derek Ramsay’ sa pamilya namin: ako, yung father ko at at yung fourteen year old na brother ko. kaya nung nakarating sa akin ang ‘canser issue”, tinawagan ko agad ang father ko at tinanong kung may sakit ba siya ng cancer at baka inililihim lang niya sa akin? Nagkataon pa nun na kagagaling lang niya sa ospital at nagpa-check-up. Alam n’yo, nagalit pa siya sa akin. wala raw siyang sakit! At lalong walang cancer! Huwag daw akong magpapapatol sa mga ganung intriga!”
Dagdag pa ni Derek: “Alam ko yung totoo, e. Kung totoong may sex video ako, o kung totoong may cancer ako, o may ibang babae ako- I just threw over my shoulder and move-on!”
Pero kahit anong tibay at tatag, madalas, ang mga artista’y tinatalo pa rin ng mga mapanirang isyu. Lalo na kung malayong-malayo ito sa katotohanan. gayundin si Angelica na bagamat nag-desisyon nang hindi na papatol sa anumang mga isyu ay bumibigay pa rin at lumalaban. pa rin ang katarayan.

derek and angelica: love amidst an evil society.

Madalas, kapag pikon na pikon na, bumibigay pa rin ito at nakapagsasalita ng: “Mahirap po kasing patumbahin kami ni Derek. Pinatibay na ho kasi kami ng panahon at pinatibay n’yo na kami. Kung patuloy nyo kaming hihilain paibaba, patuloy naman kaming lalaban paitaas.”
Pero mahal lang talaga ni Angelica si Derek. At walang makakagiba sa pagmamahalang iyon! Kaya sa kabila ng desisyong magbabago na ng imahe itong si Angelica, tinatalo pa rin siya ng sobrang pagmamahal niya kay Derek. Lalaban siya, maipagtanggol lang niya ang kanyang relasyon.Kesehodang siya na ang lumabas na masama, ang mataray, ang matapang, ang insecure at mapagbintang. Lahat ng iyon ay babalewalain niya, maipagtanggol lang ang ayon sa kanya ay kinaiinggitang magandang pagmamahalan nila ni Derek.
Naniniwala si Angelica na talagang meron lang taong gustong umatake sa kanila ni Derek. Ang pinakahuli nga ay ang isyung ‘hiwalay’ na sila ni Derek. At ang pinagtataka pa nila ni Derek, yung mga lumang isyu ay muling binubuhay para pag-awayin lang sila. Tulad nitong ‘Dumaguete issue’ at ngayon, yung sa kanila ni Erich Gonzales na nung isang taon pa kapwa sinagot na nina Derek at Angelica ang isyu na yan.
Sabi muli ni Derek: “To tell you the truth, hindi lang kami nagkasama ni Erich sa teleseryeng ‘Magkaribal’, nagkaroon din kami ng indie film, yun ngang ‘Corazon’. At may ilan pa kaming pagsasamahan na mga projects ni Erich inthe future. Hindi na namin dapat pang patulan ito ni Angelica dahil alam naman niya ang totoo ukol rito.”
Kaya lang daw siya nagsasalita ay parang lumalabas na si Erich ang umeeksena at nanggugulo sa relasyon nila ni Angelica.
“Parang lumalabas na si Erich yung pumapasok sa eksena at nanggugulo sa magandang friendship nila ni Angelica. My mom asked me if she could meet Erich in person, sa totoo lang. And Erich naman was so nice to say yes. Angel knows about this. So, ano ang isyu ukol rito? And to think na ito ay nangyari na at nasagot na namin almost one year ago! Angelica and I have been together for almost three years now, And we’re really very, very happy. So, I don’t know why.”
Sagot naman ni Angelica:
“Oh, yes! MAMATAY SILA SA INGGIT! I’m sure na ang gumagawa ng intrigang ‘yan ay naglalaway na naman ngayon! Ano naman kaya ang next na gagawin natin para mapatumba sila? Sorry, no? Payaman na kami ng payaman at painit na kami ng painit dahil sa ginagawa nyong yan!”
Tanong: Kung painit ng painit at patibay ng patibay ang kanilang relasyon, bakit patuloy silang iniintriga ng kanilang mga detractors? Ano ba ang meron sa tambalang Derek-Angelica na wala sa ibang magkarelasyon?
Pagmamahal.—*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s