ISANG SAYAW, ISANG TULA NA MULA SA PUSO, AT ISANG ROCCO NACINO…



isang tula para kay rocco.

 

Mula sa malayo…
tinitignan kita.
Mula sa telebisyon…
pinapanood kita.
Sa gitna ng mga kumikinang na ilaw,
sa mundong umiikot at lumalaki
palayo ng palayo buhat sa isang entablado.
isang sayaw- mula sa ‘yo.
oo, mula sa isang Rocco Nacino.

Sa iyong pagsayaw,
lumilipad ka.
sa Party Pilipinas ay napanood kita.
Tumataas sa ere, humahakbang paitaas…
at,
sa bawat indayog ng iyong katawan,
ako ay namamangha.
sa bawat ngiti.
ako ay natutulala.
sa bawat titig,
mundo ko ay tumitigil.

Isang sayaw.
Isang tula.
Isang Rocco Nacino.
May kaibahan kung naiba,
ang nakita ko-
sa isang shooting ng pelikula.
o sa isang programang pantelebisyon.
Kakaibang sayaw at galaw.
Hindi maliksi. Hindi magulo.
Hindi pang-hiphop. Hindi rin pambagets.
Isang sayaw buhat sa isang magaling na mananayaw
na naturuan ng tama
na lumikha ng artistikong mensahe-
mula sa puso
ng isang nilalang.

Sayaw, Rocco, sayaw.
Sa isang pakikipag-usap.
Sa isang ngiti
at, sa isang mensahe ng pasasalamat.

Ang aktor ay tumatagal,
tulad ng isang alak na lalong sumasarap.
Ang aktor ay pang-habambuhay,
tulad ng isang tula…
Hindi namamatay
ng panandalian.
At umaabot ang pagmamahal
hanggang sa dulo ng walang hanggan.

 

ni robert manuguid silverio, may,2011.

 

2 thoughts on “ISANG SAYAW, ISANG TULA NA MULA SA PUSO, AT ISANG ROCCO NACINO…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s