
ms. maribel lopez with daughter mara during the opening night of her “arts & beauty” painting exhibit event for NCCA a month back. on september 17, she will grace the world premiere night of the movie “biktima”.
Ang sarap talagang maging kaibigan ni Maria Isabel Lopez, Maribel Lopez for everybody!
Hindi siya nag-iinarte, hindi nang-iisnab ng mga imbitasyon at lalong hindi nang-iismol ng mga tao. Hindi tulad ng ibang mga supladitang aktres diyan na napuri lang minsan na magaling na aktres ay akala mo na kung sino kapag makikita mo sa mga birthday parties at iba pang events. Si Maribel, always friendly, jolly and with a very positive attitude in life. Kaya ang sarap-sarap niyang maging kaibigan. Hindi siya nag-iisip ng masama sa kapwa niya.
Prangka ring tao si Mama Maribel, hindi ka niya paiikut-ikutin pa. Yan dn ang isang bagay na hinangaan ng blogger na ito sa aktres na ito. But she will share with you her knowlege and wisdom- and she will guide you as a friend! That’s my Mama Maribel!
Kaya naman nang maimbitahan namin formally si Mama Maribel na dumalo sa World Premiere night ng pelikulang “Biktima”, tuwang-tuwa kami sa pagsang-ayon niya. Dadalo siya, kasama ang anak na si Maria Isabella Lopez Yokohama (Survivor 2011 2nd grand prize winner) para sumuporta sa pelikulang “Biktima”.
Sino-sino ba ang magtutulungan sa industriyang ito kundi ang mga taong kaparte rin nito? Kasama si Maribel sa pelikulang “Captive” (na currently showing pa rin) at ito’y sa direksyon ni Brillante ‘Dante’ Mendoza, pero hindi naging dahilan iyon para isnabin niya ang “Biktima”, na gawa naman ng Hollywood-based filmaker na si RD Alba.
Ang blogger na ito ang publicist ni direk RD, kaya naman naatasan niya kaming mag-invite ng ilang piling celebrities to grace the World Premiere Night of “Biktima” na idadaos sa September 17, ganap na 7 P.M. sa SM Megamall Cinema 10.
At isa na nga s Maribel sa nag-confirm na dadalo sa said event! How warm & nice of her. Tiyak niyan, magtsitsikahan sila nina Angel Aquino at Sunshine Cruz na pawang mga kasama sa movie at mga kaibigan ni Maribel. Knowing Mama Maribel na very lively ang personality, mas lalo siyang magdagdag ng ningning at kislap ang nasabing event. Kilala si Mama Maribel bilang “Queen of Red Carpet preiere Nights”, eversince nung gummawa siya ng eksena sa red carpet opening night sa Cannes Film Festival a couple of years back dahil ipinalabas doon ang award-winning movie nila ni direk Brillante na “Kinatay”.
“I am always happy to support young & new film artists”, wika ni Mama Maribel. “Paborito rin kasi nila akong kunin sa mga pelikula nila. And this Hollywood-bred filmaker na si direk RD, mukhang malayo ang mararating niya.”
Very happy naman si direk RD nang malaman niyang dadalo si Mama Maribel sa World Premiere ng movie niya. And he’s very happy to meet her in person soon.
What about a Maribel-RD film project soon? Why not!
words by robert manuguid silverio


















































