PANGAKO.
ISANG SALITANG NABITIWAN AT KAILANGANG MATUPAD.
Pero ang nakapagtataka, ang mga pangakong binibitiwan ng isang buhay na tao ay kadalasa’y NAPAPAKO.
Binabalewala… kinakalimutan.
Pero may mga pangakong natutupad.
Hindi man ng isang buhay na tao, kundi ng isang kakaibang friendship…
“Pangako ko, ngingiti ka bukas.”
At nangyari nga.,…
Isang pangakong natupad,
isang pangakong pinaghirapan.
Mula sa malalawak na kalangitan at mga bituin sa langit,
oo,
isang PANGAKO ang nabigyan ng buhay.
salamat, kaibigan….
SALAMAT.
(Sinulat Ni ROBERT MANUGUID SILVERIO)
“SI GERALD SANTOS SA SM CLARK AT SM SAN FERNANDO DOWNTOWN”
PHOTOS BY: MS. LHYNNE IMPERIAL/WRITTEN BY: ROBERT MANUGUID SILVERIO
Wala na kaming masasabi pa. It will be more than enough kung ide-describe pa namin through words ang mga naganap na mall shows ni Gerald Santos kahapon, January 27, sa SM San Fernando Downtown at sa SM Clark Pampanga, a week ago naman. Let the pictures speak. In a clearer notion, hayaan na lang natin ang mga litratong kuha ni Miss Lhynee Imperial ang magsalita kung gaano ka-succesful ang mga naging mall shows ni Gerald.
Very supportive din sa mga mall shows ni Gerald ang mga Team Gerald fans. Lalo na si Nanay Bebot Santiago (ang Presidente ng Team Gerald fans club) na talaga namang all-out ang suporta. Iniistima niya lahat ang mga taong nagmamahal kay Gerald, at dahil din sa kanya, nakupo, nawala talaga ang mga pagod ng lahat dahil siya ang nagbigay ng pagkakataon, nag-organize at nag-coordinate ng special dinners kay Gerald at sa mga kasama nitong sina Cocoy Ramilo (Gerald’s manager), Ate Rose (Gerald’s loyal fan), Ate Maritess Soguilon (Gerald’s trusted fan also), siyempre kay Miss Lhynne Imperial at sa blogger na si Robert Silverio.
Isang masaganang dinner buffet ang inihanda nina Mr. & Mrs. Corazon Edejer ng LNS Subdivision sa Angeles City para sa buong grupo ni Gerald, through the kind coordination of Nanay Bebot. Naglalakihang mga sugpo, malalaking bangus na inihaw, Caesar’s Salad, Beef Afritada, Chicken Curry, at marami pang iba ang inihanda ni Mrs. Edejer at ng pamilya niya. Nakupo, halos hindi na makahinga ang isang blogger sa kabusugan nu’ng gabing iyon! At sayang-saya naman si Gerald na makitang busog na busog ang friend niya… Hahahaaaayyyy!
Kahapon naman, January 27, mismong si Nanay Bebot na ang naghanda naman ng dinner for Gerald’s team after ng mall show nila sa SM San Fernando Downtown. From San Fernando, go straight ang grupo ni Gerald sa tahanan nina Nany Bebot sa Meycauayan, Bulacan para doon mag-dinner! At parang dinaanan ng TSUNAMI ang mga nilutong pagkain ni Nanay Bebot. Napakasarap ng kanyang Sinigang Na Baboy Buto-Buto at Tocinong Grilled Pork Chops, at iba pa. Tunay na nabusog sina Gerald at manager niyang si Cocoy!
Piktyur-piktyur pagkatapos. Kay saya-saya!!!
Gerald is also due to have a concert sa Dubai, Saudi Arabia on the second week of February at mawawala siya ng 2 weeks sa bansa. Pagbalik naman niya, go straight siya sa Cebu City for a concert with David Pomeranz on February 23 sa Grand Ballroom ng Waterfront Hotel in Cebu City. First time ni Gerald na maka-back-to-back sa isang major concert ang isang sikat na foreign artist kaya excited siya.
Sa mga susunod na araw, may mga natitira pang mall shows si Gerald. At magkakaroon din ng performances and tours ang play niyang “San Pedro Calungsod: The Musical” sa mga unang linggo ng Marso.
Heto naman runs pa ng “San Pedro Calungsod: The Musical”:
March 2 – HOLY ANGELS GYM, Angeles City Pampanga
March 8- ORETA SPORTS COMPLEX, MALABON City MManila
March 15 – ORETA SPORTS COMPLEX, MALABON City MManila









































