sa piling ng mga psf stagers at ni papa vince tanada sa aking nagdaang kaarawan at isang pagpupugay sa dulang “bonifacio: isang sarsuwela” sa kabuuan ng kanilang final rehearsals sa dula….


vince tanada: a real friend for a blogger -me, sssip :-)

vince tanada: a real friend for a blogger -me, sssip :-)

the stagers of PSF made a blogger's birthday truly memorable (photo courtesy of ely's planet blog).

the stagers of PSF made a blogger’s birthday truly memorable (photo courtesy of ely’s planet blog).

Halos mapaiyak ako nu’ng gabi na ‘yun ng June 29, Sabado. Maski ba ang tunay na petsa ng aking kaarawan ay June 28, Friday, naidaos ko ito ng puno ng sigla at galak sa gabi na ‘yun ng June 29- sa piling ng mga PSF (Philippine Stagers Foundation) performers and stagers, sa pamumuno ng aking pinakamamahal na si Atty. Vince Tanada.

Damang-dama ko ang kanilang sinseridad. Si Papa Vince na kasi mismo ang nag-text sa blogger na ito na doon na kami magdaos ng selebrasyon sa PSF Studio nila, dahil may dress rehearsal sila nu’ng araw na iyon at pagkatapos nu’n, kainan at inuman naaaahhhhh.

Sino ba naman ang hindi makakahindi sa imbitasyon ni Papa Vince? Lalong-lalo na ang mapanood muli ang rehearsals nila, this time, na naka-costume na sila at nadagdagan pa ng ibayong mga dance numbers at mas nakakapangilabot na eksena pa sa nasabing dula?

Habang nag-rundown na ang mga stagers, napanood ko na halos ang kabuuan ng dulang “Bonifacio: Isang Sarsuwela”. Damag-dama ko ang intensidad ng bawat eksena. Ang titindi! Nasa performance level na lahat ng mga Stagers that afternoon. Overwhelming ang ipinakita nilang mga kakaibang galing sa pagganap. Lahat ay walang itulak-kabigin. Hindi ko alam kung saan ako titingin ng matagal, dahil lahat ay nag-aagawan ng eksena sa kagalingan. Ang mga emosyon ng mukha nila ay tumataginting ang impact sa nanonood! Ibang klase!

Halos hindi ako makahinga. Pero I won’t reveal muna the great and heavy scenes that I saw in the said play. Suspense na lang muna para may excitement sa nalalapit na nilang pagtatanghal at Grand Opening/World Premiere sa July 19 at Tanghalang Pasigueno and soft opening shows sa SM North (sa July 12 onwards).

Una sa lahat, kapuri-puri ang direksyon ni Papa Vince sa latest play na ito. Napaka-creative niya, wala na akong masabi sa kagalingan niya. At lalong umigting ang choreography ni John Paul San Antonio, tila lalo niyang pinaganda. Parang isang MASTERPIECE ang kanyang nilikha. Hindi pa kami makakapagkomento sa lighting, stage design at costumes ng play dahil hindi pa buo. Isang dress rehearsal pa lang ang aming nasaksihan at hindi pa rin kumpleto maski ang kabuuan ng costumes nila that afternoon. Tiyak, mas lalo kaming mapapa- “AWE” kapag kumpleto na talaga ang lahat ng teknikal na aspeto sa nasabing dula once na mapanood na namin ito sa isang proper theater venue.

Maski ang mga baguhang miyembrong Stagers sa PSF, napahanga kami that afternoon. Para silang mga beteranong stage performers na kung magsipag-arte! Kaya kudos to Papa Vince for transforming these young theater performers into great ACTORS/ACTRESSES.

“Hindi ako makahinga! Heavy! I am speechless! Congrats, Papa Vince!”, tanging nasabi namin sa harapan ng mga Stagers sa pagtatapos ng kanilang rehearsals that day at sisimulan na ang aming birthday party afterwards. 

Napangiti lang si Papa Vince. Alam niyang nagustuhan talaga namin ang dula.

Sa dulang “Bonifacio: Isang Sarsuwela”, magugulat ka at mapapaiyak sa napaka-brutal na pagpaslang na ginawa nila kay Bonifacio! Sa version na ito ng PSF sa buhay ng ating bayani, ipinakita ang KATOTOHANAN. Na walang awa talaga nilang pinatay ang isang bayani na naging sanhi ng ating kalayaan, and to think, kapwa Pilipino pa natin ang nagpa-patay sa kanya!

Napaiyak nga si Ishi Rhineheart Chua (isang workshopper sa PSF) nang makita niya ang death scene ni Papa Vince (as Bonifacio) sa nasabing dula.

Maski ang mismong ina ni Papa Vince na si mommy Emy Tanada, halos himatayin sa death scene ng anak niya sa dula. Sankaterbang saksak ng mga itak ang ginawang pagpatay kay Bonifacio. It was murder???

Sabi nga ni mommy Emy- “Grabe naman ang ginawa nilang pagpatay kay Bonifacio! Kung ngayon mangyayari ‘yan, hindi ako makakapayag- lagot sila sa akin!”

Siguro ay na-carried-away talaga si mommy Emy sa death scene ni Papa Vince. Napaka-realistic kasi. Nanginginig ang buong katawan ni Papa Vince habang inaarte niya ang pagkamatay niya onstage! kahanga-hangang eksena!

CUT TO:

KAINAN TIME. Kasabay kong nagdaos ng birthday celebration nung gabing iyon sina Rotsen at Natalia (na mga ka-birthday ko rin pala at mga PSF Stagers din). Kaya kainan to the maxxxx naaahhhh! Apat na putahe ng ulam at spaghetti ang inihanda nina Papa Vince at ng mommy niyang si Mrs. Emy Tanada. Napakasasarap ng luto, lalo na ‘yung Menudo! At siyempre, yung spaghetti na mismong si mommy Emy pala ang nagluto.

Habang nagkakatawanan at nagkukuwentuhan kami nina Papa Vince, daddy Chris Lim, JP Lopez at Patrick Libao, biglang dumilim ang ilaw! Nagulat kami! Maski si Papa Vince ay hindi alam kung bakit nangyari ‘yun! Kaya napasigaw siya. ‘Yun pala, sinadya ng mga Stagers dahil may surprise sila sa mga birthday celebrants! tatlong chocolate cakes na may candles ang SURPRISE nila.

Hayun, para akong bata na nag-blow ng chocolate cake ko. Hindi ko mailahad sa lahat ang damdamin ko, ayokong ipakita… but deep inside me, hindi ko malilimutan ang napakagandang gesture na ito ng mga Stagers sa PSF! I am so humbled, deeply touched. I LOVE YOU, PSF’ers! Dahil sa ginawa ninyo, I felt I am really LOVED.  Isa ito sa pinakamasayang sandali ng buhay ko!

At ‘yun, inuman time na moderate drinking lang naman ang lahat. Konting tawanan at sayawan. Maya-maya, pinanood namin sa make-shift screen ang “In The Making of Otso” na ginawa ni Daryl Cajucom.  Impressive.

Hindi ko rin malilimutan ang mahihigpit na “akaps” or hugs sa akin ng gabing ‘yun nina Chin Ortega, daddy Chris, Jordan Ladra, Kevin Posadas, Jayson Bulanhagui, Kyle, Poul Garcia, at iba pa. Pati na ang very sweet greetings sa akin nina Jerie Sanchez, Cindy Liper, Monique Azerreda, Daryl Cajucom, Art Gabrentina, John Paul, at iba pang nag-skip sa isipan namin as of this writing.

At lumalim na ang gabi. Tumakas na kami sa mismong birthday celebration namin. Sa piling mga Stagers sa aking birthday celebration, tunay na naging masaya ako.

SALAMAT sa inyong lahat! Salamat.

 

A PERSONAL ACCOUNT BY ROBERT MANUGUID SILVERIO

VINCENEW

July Schedule for “BONIFACIO:Isang Sarsuwela”:


Soft Opening:
July 12, Fri. 8am, 11am, 2pm, 5pm Cinema 9, SM North Edsa
July 13, Sat. 8am, 11am, 2pm, 5pm Cinema 9, SM North Edsa
July 14, Sun. 8am, 11am, 2pm, 5pm Cinema 9, SM North Edsa
July 15, Mon. 2pm, 5pm Cinema 9, SM North Edsa
July 19, Fri. 10am, 2pm, Tanghalang Pasigueno, Pasig City
World Premier / Grand Opening:
July 19, Fri. 6pm, Tanghalang Pasigueno, Pasig City
Regular July Run:
July 20, Sat. 8am, 11am, 2pm Cinema 1, SM Centerpoint
July 21, Sun. 8am, 11am, 2pm Cinema 1, SM Centerpoint
July 27, Sat. 8am, 11am, 2pm Cinema 1, SM Centerpoint
July 28, Sun. 8am, 11am, 2pm, Tanghalang Pasigueno, Pasig City
August Schedule will be posted soon. Please be updated.
Bonifacio, Isang Sarsuwela will run from July 12, 2013 to March, 2014.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s