“HIWAGA NG BUHAY … SA PAGDATING MO”
Isang gabi, sankaterbang bituin
ang aking nasaksihan…
Lahat sila’y nagsasayawan… kumikislao, ngumingiti, gumagabay.
Saan man ako magpunta,
naro’n sila…
Hindi ko matakasan.
Sa paglalakad ko,
hindi ko namalayan na nasa Cubao na pala ako.
Marahil, ang mga bituin ang naggabay sa akin
nagbuhat
nagmasid…
Mahiwaga ang buhay…
Tulad ng isang triyanggulo
na magkakadugtong ang tatlong sulok.
Tulad ng isang ama, ina, anak…
Tatlo.
Triyanggulo.
Pero iisa.
Alam ko, darating ka…
Noon pa man ay naramdaman ko na.
Isang anak, isang buhay.
Regalo ng isang anghel na labis kong mahal…
Ayaw niya akong iiyak…
Gusto niya, masaya ako…
At hayun ka, isinilang ng aking mga panaginip at pangarap.
Sa isang hapon ng paghihintay sa kapehan.
Dumating ka…
At ang hapon at mga sandaling ‘yun ay sapat na…
pang-habambuhay.
Isang anghel,
isang bituin,
isang nagmamahal.
(sinulat ni robert manuguid silverio, february, 15, 2013)















