at dumating na…si JM DE GUZMAN… “GIVE ME FIVE, JM!”- sip & sip :-)


jm

jm

 

jm6

Musika.

Teatro.

Telebisyon.

Pelikula.

Entablado.

Limang magkakaibang mundo. Limang pagkatao. Limang JM DE GUZMAN!

“GIVE ME FIVE, MAN!”, expresyon ng kasiyahan, kaganapan at pagmamahal sa buhay. Ang katagang ‘Give Me, Five!’ ay pinauso ng mga African-Americans noon pang 1970′s. Very “slang” man ang ekspresyon na ‘yan, pero para sa isang blogger, ang ekspresyon na ‘yan ay VERY POWERFUL. It gives an assurance of a GREAT LIFE.

AT, kapag sinabi mong LIMA, ang ibig sabihin nu’n ay BUHAY. It’s the symbol life. FIVE is a symbol of LIFE.

five

Maski nu’ng panahon pa ng mga ‘cro-magnon’ man (the ancient ancestors of MAN), nagbigay na sila ng pagpapahalaga sa buhay. Nag-carve sila sa mga kuweba ng hugis-kamay na limang daliri- signifying that they love life and that they value life. Sa iba namang mga ancient ancestors ng mga tao, nag-drawing din sila at gumuhit sa mga kuweba ng LIMANG DALIRI NA KAMAY.

Kaya naman maski nuon pang unang panahon, matatalino na talaga ang mga nilikhang tao ng DIYOS. Ang lima ay buhay.

At isang JM DE GUZMAN ang nagtataglay din ng limang artistikong mga katangian ng BUHAY. Isang binatang simple, tahimik, malalim. Napaimbubulog sa napakagagandang mga ekspresyon ng buhay- ang musika, ang teatro, ang telebisyon, ang pelikula at ang entablado.

Kapag ikaw ay isang nilalang na nagtaglay ng limang artistikong mga katangian at talentong ito- isa kang SUGO NG NG NASA ITAAS. Isa kang anghel na nagmula sa langit na pinababa sa lupa upang makapgdulot ng kasiyahan at kagandahan sa buhay… At iyan marahil siguro ang misyon ni JM de Guzman sa mundong ito. Hindi siya pinababa sa lupa para lamang sa sarili niya- pinababa siya sa lupa para makapag-inspire sa mga tao. Para makapagdulot ng mas higit pang mga artistikong kahulugan ng buhay… at ng PAGMAMAHAL.

Oo, pagmamahal. PAGMAMAHAL!

CUT TO. FLASHBACK. A FEW DAYS AGO AT A CERTAIN COFFEE SHOP IN TOMAS MORATO, Q.C.:

Isang blogger ang tahimik na nakaupo sa smoking area ng isang coffee shop sa Tomas Morato. Alam niya sa sarili niya, hindi siya bibiguin ng isang mahalagang tao na kausap niya sa araw na iyon. Isang bituing hinahangaan ng libu-libong mga tagahanga. Napupuno niya ang malls at lobby areas ng Cultural Center of the Philippines kapag may pagtatanghal siya sa mga entablado ng mga malls at kapag may mga pelikula siyang ipinalalabas sa mga lugar na iyon. More than five times na ring nagkaroon ng mga stampedes sa CCP at sa mga malls ng dahil kay JM. Talagang mina-mob siya ng mga tao.

jm

“Ang isang tulad ko, bibigyan ni JM ng solo niyang oras para lamang sa isang panayam for my blog?”, naitanong pa ng isang blogger sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung bakit. Para sa kanya, ang makita lang si JM muli ay sapat na upang MABUHAY siya.

Sa tulong ng isang malapit na kamag-anak ni JM (isang tao sa nakaraang buhay ng isang blogger na naging mahalaga sa puso niya), nai-set-up ang simpleng panayaman na ‘yun. Para sa blogger na ‘yun, handa na siya sa kung anumang mangyayari. Gusto lang talaga niyang makita si JM. Kung sumipot man o hindi, handa siya. Pero maghihintay siya, gaano man katagal. Basta, maghihintay siya…

“I was about to give-up waiting and waiting and waiting… I was about to leave… but as I opened the door of a coffee shop to finally leave, my cellphone rang. On the other line was a living soul. He told me: ‘TUMINGIN KA SA LIKOD MO, ROBERT. NANDITO NA AKO’. As I looked back, I thought I see GOD. But it was a living person. It was JM DE GUZMAN”.

Iyan ang tumataginting na Facebook status ng isang blogger sa kanyang Facebook wall. Handa siyang mabuhay, handa rin siyang mamatay. Pero patuloy pa rin siyang maniniwala at mananalig sa FRIENDSHIP, at sa puso.

Para sa isang taong simple lamang at kuntento nang nasa isang sulok ng kanyang kuwarto at nag-iisa, sapat na sa kanya ang makita sa personal ang mga taong minamahal niya. Ang matulungan ang kanyang ina sa mga gawain nito, ang maging isang mabuting kaibigan at maniwala sa kapangyarihan ng pagibig- ang buhay ay mananatiling NAPAKAGANDA para sa kanya. Maski ba nakita niya ang pagibig sa kakaibang kaurian nito.

jm8jm7

Pero para sa isang popular na tao na sobrang abala sa kanyang buhay at alam niyang sinasamba siya ng libu-libong tao at napakarami ang nagsusumamo sa kanyang panahon- ang magbigay ng oras para sa isang ordinaryong blogger at kaibigan ay isang NAPAKALAKING PAGBIBIGAY. Just think of all the efoorts and sacrifices he has made just to please ONE PERSON. Hindi ba’t nakakataba ng puso iyon?

Hindi siya nakalimot sa taong ‘yun, hindi niya binale-wala. Binigyan niya ito ng PAGMAMAHAL. Ang kapalit nu’n, ang mga kantsaw, panghuhusga, pang-aasar at pagbibigay-sisi sa kanya ng ibang mga tao. Lalo na ng mga detractors niya at ng mga intrigero.

Pero hindi nila naharang si JM. Hindi nila napigilan ang BUHAY ng isang blogger.

Dumating si JM.

Buo ang loob. Masaya. Nakangiti. Very sincere.

Hayun si JM, tila isang anghel at tila isang DIYOS na nakatingin na sa harapan ko ng ako’y lumingon patalikod habang kausap ko siya sa cellphone ko. Halos himatayin ako.

Ito ang alay ng buhay. Kusang-loob. At naniniwala ang blogger na iyon, sadyang naroon si JM bilang “proxy” ng isa niyang “unseen friend”.  Habang wala pa ang unseen friend niya (pero dumating na muli)…

“Give me five, JM!”, sinabi ng blogger na iyon sa kanyang sarili ng palihim habang kinakapanayam niya si JM De Guzman. Bigyan mo ako ng BUHAY! Nagmi-meet ang flow of thoughts nilang dalawa habang nag-uusap. Meron silang “psychic connection”.

Tumagal ng 30 minutes ang panayaman na iyon. Habang nagaganap iyon, hindi pinahalata ng blogger ang paglipad ng kanyang kaluluwa just to dig deeper into JM’s very being.

Napakahirap naman kasing akapin ng isang ordinaryong tao ang isang sikat na tao dahil mas mataas ang respeto niya dito keysa sa nararamdaman ng puso niya. Kailangang alam niya ang linya na dapat niyang tahakin. He should know “how to draw the line” between respect to a celebrity and to the feelings he have to him…

Sa mga mata na lang sila nag-usap.

Isang mariing akbay sa balikat lamang ang naibigay ni JM sa blogger na ‘yun. At bilang tugon sa kanyang pagbibigay- to give back the love & friendship he gave- nagkaroon ng lakas ng loob ang blogger na iyon nang papaalis na si JM (at hahakbang na palayo upang bumalik sa kanyang kotse dahil marami pa siyang mga schedules sa showbiz sa araw na iyon) na SUMIGAW kay JM ng tatlong salitang ito:

“I LOVE YOU, JM!”.

jm9

Ngumiti lang si JM. Isang ngiti na sobrang saya. Isang blessing para sa marami pa niyang gagawin na mga misyon sa buhay.

YES, HEAVEN CAN STILL BE ON EARTH.

 

sinulat ni robert manuguid silverio

 

(P.S.) : WATCHOUT SOON OUR QUESTION AND ANSWER INTERVIEW FEATURE ON MR. JM DE GUZMAN AT THIS BLOG. THE INTERVIEW WILL SURELY MELT YOUR HEARTS.– sip & sip :)

jm5jm

One thought on “at dumating na…si JM DE GUZMAN… “GIVE ME FIVE, JM!”- sip & sip :-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s