“AKO ANG ORIGINAL NA SINGER NG PUSONG BATO!”–AIMEE TORRES


Naging malaking issue sa ginanap na grand press conference ni Aimee Torres sa Music Box last November 8, 2012 ang paglabag sa agreement at contract ng composer na si Rene ‘Alon’ dela Rosa sa pamosong awitin na “Pusong Bato”. Ownership of this monster hit song (“Pusong Bato”), is Aimee’s because she bought out the rights of this song (along with 9 other Alon’s original compositions) back in 2003.

May dinistribute pang mga xerox copies sa mga movie press people (sa nabanggit na press conference) ng kontratang pinirmahan ni Mr. dela Rosa- which further proved that the composer did sign a contract regarding the acquisition of the song.

“Bagets na bagets pa ako nuong una kong kinanta ang Pusong Bato  under our own independent recording company at that time- ang D’Concorde Recording Company”, nabanggit pa ni Aimee sa blogger na ito nang ma-corner namin siya, kasama ang isa pang beteranong manunulat na si Mario E. Bautista right  after the mini-program of her press conference. “Una ko siyang inawit sa isang sikat na TV station at bale doon ko na rin siya ni-launch. Kaagad ‘yung naging number 2 sa mga charts that year! Doon na po talaga nag-umpisang sumikat ang kanta ko! Na kinanta rin ng iba, sadly!”

And that was 9 years ago pa! Siguro teenager pa nu’n si Aimee nang una niyang kantahin at ma-acquire ang awiting “Pusong Bato”?

“Ha! Ha! Ha!”, biglang tawa pa ni Aimee na ikinasaya naman ng blogger na ito at ni Mr. Bautista. “Ang tagal na nga pala nu’n, ha? Naku po, ayokong sabihin ang edad ko talaga. Sabi nga nila, never ask a lady about her age. Hindi ko po masasabing teenager pa lang ako nu’n, basta ang masasabi ko lang, bagets pa ako nu’n. Hahaaayyyy!”

AIMEE

Pero balik tayo du’n sa paglabag ng composer sa kontratang pinirmahan niya kay Aimee. What happened ba talaga, Aimee?

“Pina-record niya sa iba ang kanta”, sey muli ni Aimee sa blogger na ito. “Napunta sa Alpha Records. Kaya naguguluhan ang public kung sino talaga ang original na kumanta ng awitin ko! Tapos, sasabihin nila, sila pa ang orig! Samantalang ako naman talaga ang orig, eh. I can not tolerate that anymore. Basta ang alam ko, ang hahanapin pa rin ng mga tao, ‘yung original pa rin… at ako ‘yun!

“Kaya nagsalita na ako ngayon at nagpa-presscon na!”, pagpapatuloy na sabi ni Aimee. “Lalo pa’t iri-release na ngayon ng Star Records ang album kong ‘yan with a new carrier single this time, I have to speak-out para ma-aware ang public! NA AKO ANG ORIGINAL SINGER NG PUSONG BATO! At ako ang tunay na nagma-may-ari ng kantang ‘yan!”

Oo nga naman.

Need we say more, Jobert Sucaldito?

 

aimee2

aimee torres: the original singer of "pusong bato" counts the most!

aimee torres: the original singer of “pusong bato” counts the most!

 

(words by robert manuguid silverio)

Lyrics of Pusong Bato – Aimee Torres

Nang ika’y ibigin ko
mundo ko’y biglang nagbago
akala ko ika’y langit
yun pala’y sakit ng ulo
sabi mo nuon sa akin
kailan may di mag babago
naniwala naman sa iyo
ba’t ngayo’y iniwan mo

Chorus:
di mo alam dahil sa yo
ako’y hindi makakain
di rin makatulog
buhat ng iyong lokohin
kung ako’y muling iibig
sana’y di maging katulad mo
tulad mo na may pusong bato

Kahit san ka man ngayon
Dinggin mo itong awitin
Baka sakaling ika’y magising
Ang matigas mong damdamin

Repeat Chorus
Instrumental

Chorus:
di mo alam dahil sa yo
ako’y hindi makakain
di rin makatulog
buhat ng iyong lokohin
kung ako’y muling iibig
sana’y di maging katulad mo
tulad mo na may pusong bato

Repeat Chrorus

Tulad mo na may pusong bato

Send “Pusong Bato – Aimee Torres” Ringtone to your Mobile (ad)
Artist: Aimee Torres

One thought on ““AKO ANG ORIGINAL NA SINGER NG PUSONG BATO!”–AIMEE TORRES

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s