Sa naganap na grand prescon ni Gerald Santos last September 28, isa sa mga sumuporta ng ‘to the max’ sa mabait na male singer ay walang iba kundi ang concert producer ng Mediabiz Entertainment Productions na walang iba kundi si Mrs. Mellany Zambrano-Obal. Kasama ni Mellany ang kanyang guwapong husband n a si Mr. Erwin Obal, at, talaga namang nag-enjoy sila sa naging napakasayang event na ito na kanilang nasaksihan.
Malaking bagay ang pagdalo ni Mrs. Obal sa said presscon dahil nagbigay iyon ng ibayong moral support kay Gerald. Kaya naman very thankful si Gerald, kasama ang manager niyang si Mr. Cocoy Ramilo sa suportang ibinigay sa kanila ni Lany at ng Mediabiz Ent. Prod.
Mismong si Lany (Mellany’s nickname) ang nakasaksi kung gaano kamahal ng mga movie press people si Gerald. Lalo na sa naganap na Question & Answer ni Gerald with the entertainment press, pawang mga papuri at positive remarks ang nabanggit ng mga media people sa napakaguwapong singer.
Lalo pang pinahanga ni Gerald ang mga mediamen nung umawit siya ng mga selected songs niya sa kanyang third album na “Gerald Santos: Prince of Ballad”. Lalo pang na-impress ang lahat.
“Primarily, I like Gerald’s character kaya naman all-out support kaming mga taga Mediabiz sa kanya”, wika pa ni Lany sa blogger na ito nang makasalamuha niya sa naganap na presscon. “As a singer, he sings with passion. Napakabait na bata at very humble.”
Lany, by the way, before she ventured in concert-producing, ay isa ring media person before. Dati siyang top female field news reporter ng channel 7. Pero since nung napangasawa niya ang kanyang cute na husband ay nag-decide na lamang siya na mag-produce ng mga concerts- at doon na nga niya itinayo ang Mediabiz Ent. Prod.
Sa November 23, Friday, at 9 P.M.- na gaganapin sa Metro Concert Bar- idaraos ang pinakamalaking concert production ng Mediabiz Entertainment for the year 2012. Ito ang concert na “The Asia’s Diamond Soul Siren And The Prince Of Ballad”, which will topbill Nina and Mr. Gerald Santos, no less. Talaga namang very exciting ang concert na ito dahil magmi-mix onstage ang kagalingan sa pagkanta nina Nina at Gerald.
Meanwhile, enjoy the pics below taken sa naganap na grand prescon ni Gerald, kung saan sinuportahan siya ng kanyang concert producer.
Go, go, go!
(written by robert manuguid silverio)
photos courtesy of Mrs. Mellany Zambrano-Obal











































































