ANG “THE BEST” NA KARANASANG HINDI KO MALILIMUTAN SA SHOWBIZ NU’NG TAONG 2011!


aj's star at eastwood city walk of fame, his former TV partner and co-star, jesy mendiola poses beside it.

Ang isang manunulat ay para ding isang sundalo. Nasasadlak sa iba’t-ibang lugar, pagkakataon at mga pakikibaka. Iba’t-ibang karanasan, adhikain, adventures & misadventures. Para din siyang isang Marco Polo na naghahanap ng tamang lugar na ikasisiya niya. Isusulat niya iyon sa kanyang “daily journal” at ikalulugod ang mga karanasang kanyang natikman,

Iyan ang buhay ng isang TUNAY NA MANUNULAT.

Isang tunay na manunulat na ang hangad lamang ay mai-share ang ganda ng buhay, ang tamis ng pagibig, ang positibong paningin sa mga bagay-bagay…

Kaya naman ang isang tunay na manunulat ang siyang nakakaranas ng mga ekspiriyensyang sadyang hindi NIYA malilimutan at pang-habambuhay na uukit sa kaisipan at diwa niya…

Mga karanasang nakapagpapataba ng puso. Na tanging yaman ng isang taong kayang ipagpalit sa mga materyal na bagay ang anumang kagandahan ng mga alay ng buhay- alang-alang sa dignidad, prinisipyo at pagmamahal. Kusa niyang iaalay ang kanyang sarili for a good cause. For advocacy.

Nung nagdaang taon ng 2011, nakaranas ako (ang blogger na ito) ng mga bagay-bagay na hindi ko maipagpapalit sa anumang yaman ng mundo. Nagbigay-halaga sa aking pagkatao at nagdulot sa akin ng mas malalim na kahulugan at paningin sa buhay.

Bilang isang manunulat. Bilang isang sundalo ng buhay. At bilang isang alagad ng sining.

Naririto po ang nangunguna sa aking listahan na THE BEST NA KARANASANG HINDI KO MALILIMUTAN SA SHOWBIZ NU’NG TAONG 2011!

Magkakaroon ng Part Two ang listahang ito, uunahin ko lang muna ang NUMBER ONE, THE TOP ONE NA THE BEST NA KARANASAN KO SA IBABA!

Abangan ang the rest na “the best” kong karanasan sa nagdaang taon ng 2011 sa susunod na blog ko bukas!— sip & sip :-)

aj perez: february 17, 1993- april 17, 2011.

AJ, THANK U SO MUCH.

TOPPING MY LIST AND ON THE NUMBER ONE POSITION IS:

1.) THE AJ PEREZ SECOND DAY OF ‘WAKE’

Hindi ko man siya nakilala nu’ng siya ay nabubuhay pa, ako ay nagtataka pa rin hanggang ngayon kung bakit hindi siya naaalis sa aking isipan at puso. Nung nalaman ko sa internet 2 hours after siyang maaksidente ay naka-online ako dahil galing ako sa isang gay party. Agad akong na-curious, hindi ko alam kung bakit sadyang tumusok sa aking puso ang balitang iyon. Pinanood ko lahat nung umaga na ang mga mabilis na nag-post na video tributes sa kanya sa Youtube.Com. Pinanood ko rin sa “The Buzz” na programa ni Kuya Boy Abunda ang maikling tribute sa kanya ng kanyang mga ka-tropang sina Sam Concepcion, Aaron Villaflor at Robbie Domingo. Sa programa niyang “ASAP Rocks” ay napakaikli lang ng tribute na ginawa sa kanya! Yun lang opening number na kung saan ay umawit si Gary Valenciano, kasama ang lahat ng cast ng ASAP at ang tanging nagmarka sa amin doon ay ang matinding pag-iyak ni Miss Zsazsa Padilla habang umaawit. Pagkatapos nun ay wala na! The show must go on na agad sa mga taga-channel 2 at nagsaya na muli ang buong programa. Na sadyang aming ipinagtaka!

aj's number: 17!

a whisper from aj .

Sabi ko sa sarili ko: “Kung hindi nila kayang magluksa para kay AJ, ako na lang sa sarili ko ang gagawa!

Habambuhay ko siyang bibigyan ng isang napakalawak na tribute sa aba kong blog! Sa blog kong hindi pinapansin ng mga taga-showbiz! In my own little way, maiibsan ko ang puso ni AJ!”

Iyan ang ipinangako ko sa aking sarili.

At ‘yun nga ang aking ginawa. Agad akong nag-post sa aking blog (ang blog na ito mismo) ng isang youtube video kay AJ. Kinagabihan, ako ay natulog ng maaga nang malaman kong nakaburol na si AJ sa La Salle Greenhills na siyang kanyang naging eskuwelahan. Ipinangako ko sa aking sarili na ako ay “papasyal” sa kanyang burol kinabukasan. At nu’ng gabing iyon ay nanaginip ako. Masyadong pesonal ang aking panaginip at hindi ko maise-share ang mga detalye. Nakaamoy din ako ng isang napakabangong “ambience'” nung bigla akong magising sa aking panaginip. Ang amoy na iyon ay kadalasan kong naaamoy sa mga bagets na artistang lalaki sa showbiz. Iyon yata ang paborito nilang perfume…

Kinabukasan ay tinupad ko ang aking pangako. Pumunta ako sa La Salle Greenhills. Pero dun ako bumaba sa first gate ng school along Ortigas Ave. Nakita kong sarado ang gate, walang tao. “Saan kaya dito ang burol ni AJ?”, tanong ko sa aking sarili. Hindi kaya harangin ako ng mga taong laging nanghaharang sa akin sa showbiz kapag nakita na nila ako sa burol ni AJ? Nagsimula akong mag-alala. ..

Pero nakakita ako ng isang puting ibon na biglang lumipad mula sa itaas! At bigla, may pumarada na pulang van sa harapan ko, buhat sa gate ng La Salle na kinatatayuan  ko. At sumilay sa aking paningin si direk JOSE JAVIER REYES!

A YOUNG AJ PEREZ, (R.I.P.)

aj with child actor bugoy, in his nominated role in MMK (maalaala mo kaya).

Bumaba si direk Joey sa van niya. “Diyan ba sa gate na yan tayo papasok? Pupunta rin kasi ako sa burol ni AJ!”

Sagot ko, hindi ko rin po alam, direk.

Si direk Joey pala ay La Sallista rin. He should have known kung saan siya dapat papasok na gate. Bakit siya nagkamali nung araw na iyon?

Sadya bang para makapunta talaga ako kay AJ?

Pinasakay ako ni direk Joey sa kanyang van ng walang alinlangan at taos sa kanyang puso. At nalaman namin na doon pala sa isa pang gate ang pasukan papunta doon sa chapel ng La Salle Greenhills kung saan ay nakaburol si AJ. Hindi na ako nag-alala pa na baka may “mangharang” sa akin na taga-showbiz. Makakapasok ako sigurado sa loob ng chapel at makikita ko si AJ sa tulong ni direk Joey!

Pagkarating na pagkarating namin sa chapel, kaagad na nakita  ng ama ni AJ si direk Joey. Napasigaw ito at buong higpit na inakap si direk Joey! Mga sampung minuto ring tumagal ang iyakan na iyon! At napaiyak din ako!

“Wala na si AJ, direk! Wala na ang buhay ko!”, ang mga katagang tumusok sa aming puso na sinambit ni Mr. Gerry Perez, ang ama ni AJ , habang akap-akap niya si direk Joey.

aj's ultimate ajsters fan club members poses with his brother gello perez.

aj's family in "a vision to live" event wherein his eyes was donated for a cause.

Kinontrol ko pa ang aking pag-iyak. At mula sa salamin na wall ng chapel, nasilayan ko ang kabaong na himlayan ni AJ. Gustong-gusto ko na siyang makita. Hindi na ako humingi pa ng permiso sa isa sa mga PR person ng ABS-CBN na si Eric John Salut para pumasok sa loob ng chapel. Hindi ko na rin hinintay na matapos ang iyakan nina daddy Gerry at direk Joey. Pumasok na agad ako sa loob.

At nasilayan ko buhat sa malayo ang tahimik na “pagkahimlay” ni AJ. Pumila ako para silipin siya ng buong-buo….

Nakadama ako ng kakaiba. Something so strange, but something so peaceful within my heart. I felt so at peace WITH HIM. WITH AJ.

Maski saan mapadako ang paningin ko, para bang may unseen power na nagpapa-ikot sa ulo ko para makita ko ang lahat ng mga tao na importante sa kanya. At nung may isang matikas at matangkad na lalaki ang umiyak ng umiyak habang nakasilip sa kanyang pinagka-himlayan ay doon ko na narinig ang isang banayad na tinig, hindi ko alam kung saan nanggaling. Parang nage-echo sa kalangitan. Sabi niya: “Kaibigan ko kasi siya. Tunay na kaibigan.”

At du’n ako hindi na nakahinga. Pero hindi ako nagpahalata.

AJ WITH GIRLFRIEND STEPH.

aj holds a cp (me).

Lumabas muna ako ng chapel to breathe some fresh air. Nakipag-tsikahan ako sa PR man ng channel 2 na si Ertic John Salut. Nag-offer sila ng food and drinks. At kumain din ako sa may dining area ng chapel sa tabing-labas ng chapel….

At doon, pagkatapos kong kumain, MAY IPINAKITA MULI SIYA:

Nakita ko ang mga La Sallites. Ang mga mahal niyang classmates  and group of friends from La Salle. Nanonood sila ng mga videos ni AJ with his classmates from La Salle sa laptop ng isang estudyante. And I saw and was able to watch it all.

Hindi ko namalayan, katabi ko na yung matikas na lalaking umiiyak kanina sa harap ng kanyang pinagkahimlayan. Kasama nito ang kanyang girlfriend. Nanonood din sila ng mga videos ni AJ sa laptop na malaki na dala ng isang estudyante. Nakapaikot kaming lahat sa laptop na iyon habang nanonood kaming lahat. Ang cute-cute pa mandin ni AJ sa mga videos na yun, especially in one video wherein he’s dancing with his classmates!

Sa piling ng mga mahal ni AJ, I felt so happy. I felt so light….

Lumalalim na ang hapon. Nagpaalam na sa akin si direk Joey at sinabi niyang mauuuna na siya kasi may importante pa siyang pupuntahan. Direk Joey saw to it na kung okey lang ako, and I said yes naman.  Pumasok muli ako sa loob ng chapel at habang nakaupo ako at nakatitig sa kanyang pagkahimlay, para bang may nakikipag-usap sa akin. Nagdasal na lang ako ng taimtim. Dumarami na nung mga oras na yun ang mga taga-showbiz na pumupunta sa second day of wake ni AJ. Nakita ko rin sina Rayver Cruz at Cristine Reyes. At marami pang ibang mga artista…

aj's altar at the manila memorial park.

Palagi kong nakikita ang mukha niyang natutulog. Ang sharp edges and forms ng kanyang mukha. Ang tila anghel na nakahiga sa altar ng chapel. Nakabukas kasi iyon at makikita mo ang kanyang kabuuan…

Ninasa kong makilala ang mga magulang ni AJ nung araw na iyon at lumapit muli ako kay Eric John. Sinabi ko kay Eric na ipakilala niya ako sa parents ni AJ. Um-oo naman agad si Eric. Pero nang makita kong sobrang abala sa pag-iistima pa sa iba pang mga bisita ang ama ni AJ, sinabi kay Eric na huwag na lang…

aj prays.

handsome aj.

Muli akong umupo. At nagdatingan na ang mga La Sallites na students, with their teachers, to offer prayers kay AJ. Nakisabay ako sa kanila sa kanilang pagdarasal…

Oras na para lumisan ako. Di na ako nagpaalam. Sa paglabas ko sa main entrance ng chapel, hindi ko mailakad ang mga paa ko. Parang may humihila sa aking mga paa pabalik sa loob ng chapel. May malamig na hanging umikot -ikot sa akin…

Sabi ko na lang ng pabulong: “Kailangan ko na munang umalis, kaibigan. Pero babawi ako sa ‘yo.”

Doon lang nawala ang nginig ng mga binti ko. Nailakad ko na ang mga paa ko. At marahan akong nakalakad palayo ng La Salle Greenhills Chapel. At nakalabas rin ng gate.

Pero habang naglalakad ako, I felt so light! Nawala lahat ng load o bigat sa sarili ko. At masaya ako, nakatagpo ako ng isang bagong kaibigan.

Maski ba wala na siya.

(a personal story by robert manuguid silverio)

2 thoughts on “ANG “THE BEST” NA KARANASANG HINDI KO MALILIMUTAN SA SHOWBIZ NU’NG TAONG 2011!

  1. Oh Robert what a beautiful guide to a very personal hello and goodbye to AJ. Thank you for sharing your private homage to AJ, it is very touching. AJ is very special. His talent and kind heart drew me to him, although it was after his untimely death. Like you, I saw on FB a post from my cousin about the accident that took the life of a young talented man. As a parent and author of a book that encourages young adults to Be Real And Great Now, I felt a connection with AJ. He is a teen I encourage young adults to be like. A positive, kind and respectful person who was pursuing his passion! I am so amazed by all the tribute videos on YouTube and the FB fan pages supporting him to this day. It is a real testimonial of love and inspiration to a fine young man. His family is very proud I am sure. Thank you for placing him at the top of your picks for 2011 and for your continued support. AJ is smiling down at you my friend with love and appreciation.

  2. This would be my letter to AJ:

    Dear AJ,

    I am really sorry for misjudging you. I know you are happy with Him right know in Heaven, but I never had the chance to see or know more about you in person. Sayang, maging schoolmate pa naman sana kita, but you were gone too soon. However, when I realized that one of my characters is based on you, I think that this character would have the same personality as you: Kind-hearted, down-to-earth, and approachable.

    Well, I appreciate your acting. Good job!

    Rest in peace, and pray for us!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s