“Pinaggagawa ni Piolo Pascual hindi na kinayang sikmurain ni KC Concepcion?”
SOURCE LINK:
http://www.facebook.com/STARbitesOFFICIAL?sk=wall
— Reports from JAMES C. CANTOS
Matagal na ring bulung-bulungan sa bawat sulok ng showbiz ang diumano’y paghihiwalay nina Piolo Pascual at KC Concepcion. Kahapon sa The Buzz ay eksklusibong nagbigay sa amin ng kanyang mga saloobin ang young actress tungkol sa isyu nila ng aktor.
Inamin ng dalaga na noon ay marami talagang hindi boto sa kanilang relasyon ni Piolo pero ipinaglaban pa rin nila ito.
“Napag-usapan namin ’yan Tito Boy (Abunda) ni PJ (Piolo) and sinabi rin naman po niya sa akin na meron din namang nagsasabi sa kanya raw na ayaw din nila sa akin for him. So sabi ko, poproblemahin ba natin ’yung ibang tao? Anyone can have naman an opinion about you, anyone can have an opinion about me. So, sabi ko huwag nating pansinin ’yung ibang tao if anything, ako sasabihin ko sa iyo I trust you. So, let’s make it a point na kung anuman ’yung sasabihin mo sa akin, kung anuman ang sasabihin ko sa iyo ’yun ang paniniwalaan ko,” pahayag ni KC.
Ito ang maituturing ni KC na kaunaunahan niyang showbiz relationship.
“It’s my first showbiz relationship, pareho kami ng trabaho. So I think the best thing is that natuto ako na parang naging mas mature talaga ako sa relationship na ito. First relationship ko rin na seryoso talaga to the point na may mga bagay na hindi naman komportable, nagagawa mong tanggapin kasi mahal mo and you choose to accept. Mas naiintindihan ko kung ano ’yung pagmamahal. It sounds corny pero ’yung mas accepting ako,” paliwanag ng dalaga.
Napagkumpara rin ni KC ang kanilang relasyon ni Piolo mula noong Oct. 21, 2010 hanggang Oct. 21, 2011.
“Marami pong naklaro sa akin, ’yung mga kaya ko at ’di ko kayang gawin bilang babae na minsan… kailangan mo ring intindihin ’yung sarili mo kasi bigay lang ako nang bigay. Saka iniintindi ko lahat Tito Boy. Parang masyado akong nagbigay ng benefit of the doubt sa lahat. Intindi lang ako nang intindi. Tanggap lang ako nang tanggap. ’Yun pala hindi dapat ganun,” nakangiting pag-amin ni KC.
Nagdesisyon nang magsalita tungkol sa hiwalayan nila ni Piolo ang Mega daughter ngayon dahil marami na talagang mga nangyari sa kanilang relasyon.
“Kailangan ko lang siyang gawin para sa sarili ko. Ang dami po kasing nangyari in the last year, bukod sa marami akong natutunan talaga. May mga masasayang moments naman Tito Boy. Hindi kasi ako mahilig magkuwento ng problema namin sa iba hangga’t kaya ko pa and I guess noong time na na-realize ko na talaga na hindi na talaga ito gagana, dalawa o tatlong buwan talaga akong pumapasok sa The Buzz every Sunday or sa ASAP Rocks na kunwari ay okay lang lahat kasi akala ko mawawala lang siya, na akala ko parang hindi naman kailangang malaman ng ibang tao para maayos ’yung problema.
“But then talagang kapag pumapasok ako ’tapos pagdating ng commercial break, hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko dahil sa lahat nang pinagdadaanan namin. Nagkukulong na lang ako sa banyo, hindi ko na pwedeng gawin ’yun eh, hindi ko na siya kayang gawin mag-isa,” pahayag ni KC.
Nang tanungin namin kung totoo nga bang hiwalay na sila ni Piolo ay malungkot na tumango ang dalaga. Ano nga ba ang tunay na dahilan at nagkahiwalay ang dalawa?
“May mga hinahanap ako na basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang lalaki. Ayoko na siguro pumunta sa details Tito Boy kasi ayokong siraan siya, pero let’s just say na lahat talaga kaya ko, lahat, kung may anak siya tinanggap ko ’yung anak niya, kahit may mga times na hindi ko siya maintindihan. Tinanggap ko kasi sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya ’yun.
“Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon na ginagawa sa isang babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao. May mga bagay na hindi ko kayang lunukin, hindi ko na kaya ‘yung tanggapin, at kasalanan ko rin ito sa sarili ko Tito Boy kasi siyempre ginusto ko naman ito di ba? So kasalanan ko rin sa sarili ko na pinaglaban ko pa eh. Saka sobra-sobra talaga akong nagtiwala, sobra,” emosyonal na pahayag ni KC.
Hindi nasagot ng dalaga kung mayroong naging third party sa kanilang relasyon pero sobrang nasaktan daw talaga si KC at nakaramdam na rin siya ng galit sa mga nangyari. “Ewan ko kung bakit, paanong nangyari, ‘yung pain at saka ‘yung sama ng loob naging galit, na talagang nagugulat din ako kasi first time ko na rin na parang napapamura na rin ako. Hindi naman ako ganun, and bigla na lang akong maiiyak kasi hindi pala ako okay, and then siya natatawa lang siya kapag nakikita kong ini-interview siya idadaan lang niya sa joke. Sa tingin ko, bakit ikaw ganyan? Ako ganito? Bakit parang hanggang sa huli mag-isa lang ako rito? Anong sasabihin ko sa pamilya ko? Anong sasabihin ko kay mama na tanong nang tanong kung kami pa ba o hindi na? Kapag sinabi kong hindi na, magtatanong siya bakit? Anong isasagot ko sa kanya? Anong isasagot ko sa lola ko na mahal na mahal siya? Hindi ko talaga Tito Boy masabi sa kahit na sinong tao kung ano ang nangyari, hindi ko talaga puwedeng sabihin… ayoko lang makasakit ng tao Tito Boy,” pagdedetalye ng aktres.
Humingi naman ng tawad sa kanya si Piolo dahil sa mga nangyari sa kanila.
“Ganun naman po si PJ, humihingi naman po ng tawad pero ang point naman po ng pagpapatawad ng isang babae is para sana hindi na maulit kasi hindi ka naman magpapatawad na iisipin mong paulit-ulit, paulit-ulit na magso-sorry.
“Binigyan ko siya ng second chance, third chance…, pagdating ng eighth chance parang na-realize ko hindi lahat ng problema nadadaan sa tawa. Hindi lahat nadadaan sa kilig. Ang galing-galing niyang magpakilig. Ang tanga-tanga ko nga Tito Boy eh, dumating lang siya sa point na parang sandali lang kasi titingnan ka lang niya ay wala na, nakalimutan ko na lahat. Lagi na lang Tito Boy ganun,” dagdag pa ni KC.
Sobrang na-challenge si KC nang magkasama sila ni Piolo sa Amerika kamakailan para sa ilang shows doon.
“Sobrang challenging, Tito Boy sobrang every day talaga noong tour na ’yun talagang parang test, parang exam. Nag-usap kami, PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly why, and araw-araw na nakikita ko siya, araw-araw na magkasama kami parang tug of war talaga kasi ito ’yung taong minahal ko o mahal mo pero sobra akong nasasaktan ngayon, pero mahal ko siya, pero hindi na talaga puwede. Araw-araw na magkasama kami iniisip ko, dito lang tayo sa Amerika nagkaroon ng panahon na tayong dalawa lang, ni hindi natin na-enjoy dahil hindi na talaga gagana,” diretsong sabi pa niya.
Mayroon kayang naging pagkukulang si KC kay Piolo kaya tuluyan na silang nagkahiwalay? “Naniniwala naman ako na kapag sinasabi ni PJ na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang katotohanan iyon. Masakit mang sabihin, siguro nag-fail din ako dahil hindi ako ’yung kailangan niya sa buhay niya, or hindi ako ’yung hinahanap niya sa buhay niya, and hindi ko mabibigay sa kanya ’yung kailangan niya,” makahulugang pahayag ni KC.
Ngayon ay civil naman sina Piolo at KC sa isa’t isa. Mayroong mga sinabi at ipinakiusap ang dalaga kay Piolo.
‘“Ang hinihingi ko lang sa kanya, PJ please huwag kang magagalit sa akin dahil nasaktan ako. Huwag kang magagalit sa akin dahil hindi ako perpekto. Huwag kang magagalit sa akin dahil may mga bagay na hindi ko na kayang intindihin at tanggapin. Huwag kang magagalit sa akin kung kailangan ko munang maramdaman ito lahat. Kung kailangan ko munang mag-respond at mag-react kung paano mag-react ang isang babae sa sitwasyon ko please,” pagtatapat ng dalaga.
Tumahimik lamang daw si Piolo nang sabihin ito ni KC.
Mayroong natutunan ang dalaga sa kanilang paghihiwalay.
“Magtira ka para sa sarili mo at ang tiwalang ibibigay mo sa taong mamahalin mo dapat alagaan ng taong mahal mo,” pagtatapos ng aktres.
Hinihiling ngayon ni KC na sana ay makahanap na siya ng true love.
— Reports from JAMES C. CANTOS





















































